Chapter 22 -- SECRET
Pinatay ni Thomas ang sound na nagmumula sa isang dvd player na nakakonekta sa malalaking speakers dito sa gym.
"Zai, ayos ka lang ba?" untag sa akin ng Thomas. Hinihingal akong lumingon sa kaniya saka itinuon ang pansin sa mga kasamahan kong abala sa kani-kanilang mga routine.
"Yes. Medyo wala lang ako sa mood mag-practice ngayon."
"Woah! Himala yata? Hindi ka naman ganito, a?" Hindi ko na lang ito pinansin. Pumalakpak ako ng tatlong beses saka muling ginawa ang sinasanay na step at routine na ipapakita namin bilang exhibition sa intramurals.
Okupado talaga ng sinabi ni Clark ang isip ko.
Bakit niya nasabing 'sana huwag ako magsisi'? Anong ibig niyang sabihin?
Itinaas ko ang aking kamay saka nagpapadyak saka tumalon ng tatlong beses. Perpekto na sana akong babagsak sa sementong sahig nang biglang tumagilid ang paa ko.
Napasigaw ako nang maramdaman ang kirot mula parteng iyon ng aking paa.
Tumutugtog pa ang musika ngunit ang mga kasamahan ko ay nagsitakbuhan na sa akin.
"Shit! Ang paa ko!" sigaw ko habang umiiyak.
Sinubukan ko iyong igalaw pero may ugat yatang naipit. Napangiwi ako sa sakit.
Natataranta ang mga kasamahan ko pati na rin sina Shasha. Lumuhod ito sa aking tabi saka hinimas ang braso ko.
"Zai, makakatayo ka ba?" tanong nito. Nakapikit akong umiling. "Thomas, kailangan natin siyang madala sa clinic. Bukas ba ngayon 'yon?"
"Sha, Linggo ngayon. Malamang sarado 'yon." Seryoso nito sabi. Nasa gawing paanan ko ito at mukhang pinag-aaralan kung paano iaangat ang naipitan ng ugat kong paa.
"Fuck! Ang sakit!" sigaw ko nang muli kong igalaw.
"Don't move!" Baritonong boses ni Clark ang nagpaangat ng tingin ko. Nakasuot ito ng kulay puting jersey at pawis na pawis. Maingat niya akong iniangat. Ang kamay ko ay kaniyang isinabit sa kaniyang balikat. Muli akong dumaing nang magalaw ang paa ko ng sino man. "Tabi! Natatamaan ninyo, e. Nakita na ninyong masakit ang paa, siksikan pa kayo rito!" galit na sigaw nito.
Natigilan ang mga ka-pep squad ko. Ang iba ay nagbulungan.
"Sungit naman ni Clark," sabi ni Macy.
"Pagpasensyahan na ninyo. Nag-aalala lang siya," bulong ni Melody pero hindi ko sila tiningnan. Ang mga mata ko nakatingin kay Clark habang humahakbang siya papunta kung saan.
"Napano si Zairene?" Naulinigan ko si Mikael. Lilingonin ko sana ito pero pumalatak si Clark.
"S-saan mo ko dadalhin?" tanong ko nang matanaw ang gate.
"Sa ospital. Sarado ang clinic ng school, e." Hindi na ako kumibong muli. Huminto kami sa gate pagkarating doon. "Phone mo, dala mo?" Umiling ako.
Wala akong dalang gamit. Lahat iyon ay naiwan ko sa aking locker at mukhang pati siya ay ganoon din. Napapikit ako nang maamoy ang mabango niyang pabango. Lalaking lalaki ito kahit na may halong pawis.
Pasimple ko siyang tinitigan.
Ang gwapo ng isang ito. Kamukhang kamukha niya si tita Clara. Boy version lang.
"Bakit kasi wala kang focus sa ginawa mo? Kanina ka pa parang lutang."
"Ano?"
"Huwag kang magkaila. Kanina pa kita pinapanood." Tiningnan niya ko.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
Literatura FemininaDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...