CHAPTER 4 -- OFFICERS
Nang makapasok kami nila Tony at Dashna sa loob ng class room ay nakuha namin ang atensyon ng lahat ng nandoon.
Si Dashna kasi ang SSGC President at si Tony naman ay President ng Math Club. Si Mikael, Damian at Isaac naman ay miyembro ng varsity players ng school.
Ako ang cheer leader ng pep squad. Hindi ako mabait. Istrikta at bossy kung i-describe ako ng mga kasamahan kong cheer dancers. I don't care. Hindi naman nila ako lubusang kilala dahil sina Tony at Dashna lang ang mga kaibigan ko.
"Hi, girl. Ganda ng blush on mo. Branded?" tanong ni Tony rito. Tumango naman ang kaklase namin na Anna yata ang pangalan. "Really? May I see?"
Napailing na lamang ako sa kagagahan ng bestfriend ko. Ganiyan iyang si Tony. Friendly sa iba. Ewan ko ba. Hindi makuntento sa amin ni Dashna.
"Zai, totoo ba na nangangailangan kayo ng mga bagong cheer dancers?" tanong ni Carla. Isa sa mga feeling close kong kaklase.
"Yeah." Walang gana kong sagot habang inaayos ang mahaba kong buhok. Sinuklay ko pa muna ito bago ipusod ng mataas. "Why?"
"A-ah... mag-a-audition kami, huh? Sana makuha mo kami ni Gretchen," anito.
"Okay. Goodluck mamaya sa audition." Nag-apply din ako ng kaonting lipgloss at nang masiyahan ay inayos ko na ang mga gamit ko sa aking bag. Mabuti na lamang at pawala na ang pimple ko.
"Thank you, Zairene." Matinis niyang wika. Tiningnan ko lang siya at nang matigilan siya ay nagpaalam ng mauupo sa pwesto.
Seven o'clock pa lang kaya wala pa ang aming first subject teacher na si Mrs. Pagtalunan. English Literature namin ito. Maingay na sa loob ng class room namin at wala akong pakielam sa kanila. Si Dashna at Tony ay abala sa pakikipag-usap sa mga iba naming kaklase habang ako ay nagpe-facebook, twitter at instagram lang.
Nalilibang ako sa ganoong gawain kaso naramdaman ko, unti-unting humupa ang ingay ng mga kaklase ko. Tila may dumaan na anghel kung saan. Lumipad ang tingin ko kina Dashna na ngayon ay nakatingin ng seryoso sa gawing pinto ng aming classroom.
May dalawang babae na kapwa maputi ang unang pumasok pero hindi nagtuloy sa paglalakad. Nanatili sila sa pinto at doon mga humarang. Sumunod ang dalawang lalaki. Ang isa ay singkit at may katangkaran. Maninipis ang labi at nakikipagtawanan sa kasamang lalaki mahaba rin ang buhok at may hikaw sa isang tainga.
Kumalabog ang dibdib ko nang may huling pumasok na lalaki. Nanlamig din ang mga kamay ko. Bakit? Ewan ko.
Hindi ko malaman kung bakit sa tuwing makikita ko siya ang tila nagwawala ng puso ko. Animo may magnet ang kaniyang mga mata at ang akin ay mga bakal. Nahihipnotismo nito ang aking paningin at ang hirap kumawala.
Nakipagtitigan ang lalaking si Clark sa akin. Hindi ko alam kung gaano iyon katagal. Natauhan lang ako nang magtaas siya ng kilay sa akin habang nakakunot ang noo.
Nag-iwas ako ng tingin. Yumuko ako at nagpanggap na may kukunin sa aking bag. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
Nang masigurado kong wala na sa akin ang atensyon niya ay saka ako nagbalik ng tingin sa kanilang lima. May binulong ang lalaking singkit kay Clark. Dumapo ang mga mata nito sa dulo at nang sundan ko iyon, si Maureen ang nilapitan nila.
"Good morning, Diamond! I'm sorry if I'm late," bati ni Mrs. Pagtalunan pagkapasok niya sa aming class room.
Mabuti na lang at dumating siya. Baka kung nagtagal pa ito ay maubos ang oras ko kakatitig sa antipatikong Clark na iyon.
~~~
After lunch, pumasok si Sir Ferdinand sa aming class room para daw sa botohan ng aming magiging class officers. Siya kasi ang aming home room adviser.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
ChickLitDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...