🌸CHAPTER 12🌸

1.3K 43 7
                                    

Chapter 12 -- WISH

Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Dito sa kinaroroonan namin ngayon ni Clark ay tanaw ang buong lalawigan ng Bulacan.

Ang mga maliliit na ilaw na animo mga alitaptap sa dami at ang ganda tingnan. Tunay na nakakarelax. Napapikit ako habang ineenjoy ang paligid.

"Bakit mo ko tinawag ng ganon?" tanong niya.

Nilingon ko siya. Tumaas ang kilay ko nang mapansin ang mga linya sa noo nito.

"Why? Hindi ba't ikaw na mismo ang nasabi kanina na magiging magkapatid tayo balang araw? Let's say... preparasyon ko na iyon." Tingin ko ay napaka-bitter ng dating ko pero wala akong pakielam. Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos ngayon dahil naiinis ako sa nangyayari. Sa kaniya.

"Tss!" aniya.

Tumawa ako ng peke. "O, bakit?"

"Wala."

"Okay," wika ko. Napatingala ako sa langit. Ang mga bituin ay nagkalat sa taas. Itinaas ko ang kamay ko at nagkunwaring kumuha ng isa. Ipinikit ko ang aking isang mata upang matitigan ang bituing kunwari ay hawak ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Kumukuha ng star," sagot ko habang itinagilid ang ulo. Tila sinipat ang nahuling bituin.

"Huh?"

"Sabi kasi nila, pwede lang humiling kapag nakakita ka ng falling star,"

"E, bakit inaabot mo?"

"Dahil gusto kong mag-wish. Kaya lang, walang nahuhulog kaya kukuha na lang ako ng isa." Nilingon ko siya.

"Ang weird mo," aniya sabay ngiti. Gumanti ako n ngiti pero sa bituin na nakamata. "Bakit, ano bang iwiwish mo?"

Ibinaba ko ang kamay ko. Nangawit na rin kasi ang braso ko. Tumayo ako ng maayos saka humakbang papunta sa bakod na gawa sa bato.

"Gusto ko humiling na sana, magustuhan din ako ng taong gusto ko." Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya. Lumunok ako ng isang beses bago nagpatuloy. "Yung tipong, patay na patay siya sakin. Na kahit anong problema o pagsubok ang humadlang sa amin, ipaglalaban niya ko..." humarap ako sa kaniya at nahuli ko siyang natitig sa akin gamit ang mapungay niyang mga mata. "Dahil hindi niya kayang mawala ako sa kaniya."

Tumalikod ako ulit sa kaniya. Ayaw kong makita niyang nanunubig ang mga mata ko.

Ngunit napasinghap ako.

Naramdaman ko ang mabilis niyang paglapit sa aking likod at ilang sandali pa ay may mga braso nang nakapulupot sa aking bewang. Niyakap niya ko buhat sa likod.

Nagulat ako sa ginawa niya pero mas lalo akong napaiyak.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Ipinatong niya ang kaniyang mukha sa aking kanang balikat. Humarap ako sa gawing kaliwa ay pinilit na mapunasan ang aking pisngi.

"W-wala lang," tanggi ko.

"Tss!" Mas humigpit ang yakap niya sakin. "Kahit hindi mo sabihin o aminin, alam kong umiyak ka. Namamaga ang mga mata mo," bulong niya.

"Panget ba?"

"Medyo."

Kinurot ko ang braso niya. Tumawa lang siya saka muli akong niyakap. "Kainis ka. May payakap-yakap ka pa. Magiging magkapatid nga tayo, 'di ba?" Puno ng sarkasmo ang boses ko.

Hinuli niya ang mga tingin ko. Tiningnan niya ang mukha ko partikular ang labi.

Mayamaya pa ay dahan-dahan siyang kumalas. Gusto ko sanang magprotesta pero hinayaan ko lang siya.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon