prologue

42.1K 645 26
                                    

Zai pov

"What?! Ako bride's maid?! Nababaliw kana ba ha Raven?" Halos sigawan ko na ang babaeng kaharap ko bakit kasi ako pa ang ginawang bride's maid? Bakit hindi si Zeine o si Cane?

Inosenteng tumingin lang ito sa'kin habang kumakain ng strawberry. Fuck! Kung hindi lang ito buntis sasapakin ko talaga ito nang-aano e' hindi talaga nakakatuwa bwisit.

"Pinapunta mo ako rito sa bahay ng fafa mo at ito malalaman kong bride's maid mo ako?! What the heck! oo noong sa first wedding n'yo pumayag pa ako dahil para sa'yo naman 'yon! Pero langhiya pati sa simbahan ako pa rin ang bride's maid! You know I despise the sharing of vows. Puro lang 'yon kalokohan! Maawa ka naman sa'kin bruha ayokong ma-haggard. Madami pa kong imi-meet na boylet!" Arghh ayoko talaga sa usapang kasal kasinungaling lang naman 'yon! For better or worse?! Shit baka kamo ito ang magiging dahilan ng impyernong buhay mo!

Naku sumapi ata sa'kin si Zeine. Pero I can't help it! Ako?! Magiging bride's maid! NEVER! hindi ko talaga makita ang sarili ko sa gano'ng sitwasyon.

Naiinis na pinalo ko ang mesa na kinalikha ng malakas na ingay. Sino ba naman ang hindi mainis kung ang kausap mo ay hindi ka pinapansin? Parang hangin lang ako rito bwisit talaga.

"Ang takaw mo! Hindi mo man lang ako pinapakinggan. Maawa kana sa'kin bruha. Si Zeine na lang o hindi kaya si Cane please." Tinitingnan ako ni Raven at nagulat na lang ako nang bigla itong ngumiwi at humikbi. Shit what happen?
Nag-aalalang dinaluhan ko ito at nang akmang hahawakan ko ito bigla nito tinampal ang kamay ko,

"Hindi mo ba ko mahal pati na ang magiging inaanak mo?" Hanggang sa hindi naglaon humagulgol na ito kaya nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko paano ba naman bawal maistress ang buntis at ito akongayon pinapaiyak ang kaibigan ko na 3 months preggy na.

"Fine I will be your bride's maid!" Natigilan ito at pati ako napatigil din did I just said it? Oh ow i'm in trouble. Nakita kong nagningning ang mga mata ni Raven at dali-dali nitong pinunasan ang mga luha nito. Bwisit! Kung sana pumunta na lang ako ng bar hindi na sana ako malalagay sa sitwasyon na ito.

"I love you Zai and thank you." Napaawang ang labi ko habang si Raven naman ay napayakap na sa'kin.

"Walang hiya talaga iyang fafa mo binundat ka agad!" Nakapout na sabi ko kasi kung hindi lang ito buntis hindi sana ako mapapayag na magiging bride's maid.

"E' noon nga atat kang mabuntis ako tapos ngayon ayaw mo na! Ang gulo mo zai kasing gulo mo ang buhok mo sa kepyas! Ble." Aba't natututo na itong mang-asar! At ano daw sabi nito? Buhok sa kepyas? Masasabunutan ko na talaga ito. Hindi sa taas sa baba para mas intense.

"Nabundat ka lang nagiging maniac ka na siguro gabi-gabi ang activity n'yo ni fafa Roux. Baka sinunod n'yo ang sabi ni doctora na exercise in night is good for the preggys." Namula naman si Raven sa sinabi ko, ang cute ng reaksiyon nito.

"Hmmp if I know ayaw mo lang umattend ng kasal ko dahil sa takot na makita mo doon ang isa sa mga demonyo!" Nakangising saad nito. Ako? Matatakot sa ugok na 'yon? Never!

"At saka kung yan man ang problema mo edi wag kang magpaapekto kasi kapag mas ipakita mo sa kaniya na naaapektuhan ka tiyak na he will grab that opportunity to get yo--" Hindi ko na gusto marinig.

"Never! At saka di ako natatakot . Wag kang mag-alaala sisipot ako!"
Na-aasar na usal ko. At ang bruha ayun nilantakan na naman muli ang strawberry.

"And o' thanks for the Ferrari Raven." Mapang-asar na sabi ko. Ngumiti lang sakin si Raven na parang hindi napikon gaya ng dati.

"Welcome." Nakuha ba ng alien ang kaibigan ko? Sino tong kaharap ko! E' sa sobrang kuripot nito hindi nga nagpatayo ng mansion tapos nung bilhan niya kami ng Ferrari parang wala lang.

Hate Series 2: Zairah Wintei Zee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon