Prologue:

23 4 0
                                    

PROLOGUE:

"Binalaan na kita pero hindi ka nakinig."

Galit na sabi ng lalaki sa aming harapan habang yakap ko ang mahal ko na ngayon ay duguan.

Hindi ko alam kung buhay pa ba siya? Basta ang ginagawa ko na lamang ay ginigising ko siya sa abot ng aking makakaya.

"Mahal, gising naman, nag-aalala ako."

Narinig ko ang yapak ng taong may hawak na baril sa aking kinaroroonan at itinutok sa aking ulo ang nguso niyon.

Napangiti ako nang mapait at saka pumikit.

Tanggap ko na ang katotohanan na kahit anong gawin ko para mapa-saakin ang babaeng mahal ko ay ito at ito pa rin ang aming kahahantungan.

Hinagilap ko ang kamay ng asawa ko at pinagsikalop ang aming mga daliri sabay panalangin.

Humihingi ako ng tawad saiyo aming Diyos Ama. Ang mahalin ang babaeng ito ay ang aking napakalaking pagkakasala, kung ito man ang kabayaran sa kasalanang ito ay handa kong harapin ng walang alinlangan.

Umalingawngaw ang isang putok at naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo sa aking ulo at nalasahan ito sa aking bibig. Hinaplos ko ang mukha ng pinakamamahal kong babae bago tuluyang nilamon na ng kadiliman.

B L A C K S W A N
011519

INTERTWINED (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon