Chapter 28

6 2 0
                                    

WARNING

"Hindi lang pumasok si Farhana, ganiyan na kaagad itsura mo." Turan ni King nang mapansin ang matamlay kong awra habang naglalakad kami pauwi.

"Hindi mo talaga siya maiintindihan dahil wala ka namang jowa," tumatawang asar ni Ryan sa kaibigan namin.

"Para namang ikaw meron!" Asik nito at si Eduardo ang sumunod na tumawa.

"Hayaan niyo nalang kasi si Ali, ganoon talaga kapag hindi mo makikita ang girlfriend mo sa loob ng isang araw," aniya at inakbayan pa ako.

Pagkatapos ng nangyari sa amin kahapon sa dagat ay hindi pumasok si Farhana pagsapit ng Lunes.

Matamlay ako sa buong maghapon dahil hindi ko siya nasilayan sa araw na ito. Palagi kong sinusulyapan ang kaniyang upuan, nagbabakasakaling makita siyang nakaupo doon at kahit anino man lang ay wala akong nakita.

Sinubukan kong magtanong kay Jennilyn ngunit kasama naman nito si Santiago buong araw at hindi sumasabay sa amin mag recess at lunch break.

"Katulad ka rin ba sakaniya noon nung nandito pa si Andrea?" Hindi nag-iisip na sansala ni King, naramdaman kong natuod si Eduardo at napatigil saglit sa paglalakad.

Nakita kong siniko ni Ryan si King,

Natahimik bigla ang atmospera dahil walang nagsalita kahit isa.

Kahit kailan ay hindi talaga mapigil ni King ang bibig niya!

Matagal na naming hindi isinama sa mga pinag-uusapan namin si Andrea dahil alam namin kung ano ang mararamdaman ni Eduardo kung sakali ngunit nang dahil lamang sa pag-uusap namin tungkol sa pagiging matamlay ko ay alam kong bubukas ulit ang sugat sa puso ni Eduardo.

Tinanggal niya ang braso sa akin at pumamulsa sa suot pants.

"Ayos lang yun, ilang buwan na rin ang nakakalipas," nakangising ani ni Eduardo nang mapansin ang pananahimik namin. Tinitigan ko siya ng matiim,

"Sigurado ka?" Mababa ang boses na paniniguro ko sakaniya dahil alam kong napakalaking impact sa nararamdaman niya ngayon ang marinig ang pangalan ng dating girlfriend.

"Ano ba kayo, ayos lang yun." Mahina siyang tumawa sa aming harapan, at tinuloy ang paglalakad. Nagkatinginan kaming tatlo at nakahinga ng maluwag saka palihim na binulyawan si King na nakayuko.

Ilang buwan na rin pala ang nakakalipas na wala si Andrea. Parang dati lang ay siya ang nag-iisang babae na nakakasama namin sa tuwing may gala kami at tuwing lunch break.

Itinuring na rin naming kaibigan si Andrea, hindi namin siya itinuring na iba lalo na't nobya siya ng kaibigan namin. Nakakalungkot nga lang dahil nalaman ng mga magulang nito ang tungkol sa tatay ng aming kaibigan kaya inilayo ng mga magulang niya.

Nag-iba sila ng topiko at kasalukuyang nag-aasaran samantalang ako ay abala sa pag-iisip ng mga posibilidad kung bakit lumiban ang girlfriend ko.

Tinitigan ko si Eduardo, paano kaya niya hinarap yung sakit ng mawala si Andrea sa buhay niya? Hindi siya nagpakita ng kahinaan sa harapan namin nang mawala ang babae. Na kahit nararamdaman naman naming malungkot siya pero sa mga ngiti niya ay tila ayaw niyang malaman namin ang tunay niyang nararamdaman kaya hindi na namin siya sinubukang tanungin.

Para sa akin ay napakatapang ni Eduardo para harapin ang ganoong uri ng pagsubok at aaminin kong masaya akong kaibigan ko siya.

Humugot ako ng malalim na hininga. Sana ay hindi ko maranasan ang ganoong uri ng sakit, ayokong maghiwalay kami ni Farhana. Ayoko nang mawala siya sa buhay ko.

INTERTWINED (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon