Chapter 21

8 3 0
                                    

REASON

Tinititigan ko mula sa aming silid si Farhana na papalabas na ng gate. Kasabay nito si Macky Santiago at Jennilyn na nagtatawanan.

Parang pinipilipit ang puso ko nang kunin ni Macky ang bag niya at binitbit iyon na para bang magkasintahan silang dalawa.

Kakatapos lamang ng 2nd Grading Exam namin, pinilit ko ang sarili na mag-aral kahit na napakarami kong iniisip. Nagpasalamat naman ako nang matanggap ang mga test papers ko ay lima sa walong subject ang aking na-i-perfect score.

Ang tatlo naman ay tig-iisa lamang ang mali ko.

Napabuntong-hininga ako nang hindi ko na sila matanaw pa at napatungo habang iniinda ang kumikirot kong puso.

Nasa Canteen pa ang tatlong kaibigan ko at sila na lamang ang hinihintay ko para sabay kaming umuwi.

Dalawang linggo na akong iniiwasan ni Farhana simula nung tanungin ko siya kung maaari ba akong manligaw. Hawak ko ang dalawa niyang kamay habang tinitigan ang mga reaksiyon niya.

Nawala ang lahat ng emosyon sa kaniyang mukha kaya kaagad na umatake ang kaba sa puso ko.

Nagulat ba siya sa sinabi ko? O nagalit siya sa sinabi ko?

Pinaghiwalay niya ang magkasikalop naming mga daliri at malamig pa sa yelo ang boses na nagsalita.

"Aalis na ko." Iyon lang at umalis na siya, iniwan niya si Jennilyn at umuwing mag-isa pagkatapos ng sayawan sa gym. Mula sa araw na iyon ay hindi ko na siya nalapitan pa o nakausap man lang.

Ilang beses kong tinangka na kausapin siya ngunit sa tuwing napapansing niyang papalapit ako ay kaagad siyang aalis. Halatang umiiwas.

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin, dalawang linggo na rin kasi akong hindi masiyadong kumikibo pero pinapakisamahan pa rin ako ng tatlo kasama na si Jennilyn.

Sa dalawang linggo rin na iyon ay tanging kaming lima lamang ang nagkakasama at palagi nang kasama ni Farhana si Macky Santiago.

Ayoko mang aminin ngunit nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong iniiwasan ako ni Farhana. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang kasama si Macky at nagtatawanan sila.

Tuloy ay nakaramdam ako ng pagsisisi, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ko sinabi sakaniya ang nararamdaman ko. Wala sanang magbabago sa pagkakaibigan namin kung hindi niya nalaman na may gusto ako sakaniya ay siguro hindi aabot sa ganito na hindi niya ako pinapansin.

Gusto ko ring itanong sakaniya kung hindi ba siya nagui-guilty sa hindi pagsagot sa tanong ko? Ngunit sa isip-isip ko, papaano naman siya magui-guilty? Ako lang naman to sa aming dalawa ang may nararamdaman.

Ilang beses ko mang paniwalain ang sarili ko na baka gusto niya lamang lumayo dahil naguguluhan siya. Na baka nahihiya siya dahil walang katugon ang nararamdaman ko para sakaniya ay magtatapos pa rin ang lahat sa wala siyang gusto sa akin at iyon ang totoo.

"Tara, Ali." Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni King na nasa pinto ng silid. Mahina akong bumuntong hininga at sinukbit ang bag sa aking balikat saka lumabas na para sabay kaming umuwi.

Noon ay magkasama kaming anim na lalabas ng gate, ngayon ay kami na lamang apat at inaamin kong nami-miss ko nang makasabay si Farhana na lalabas ng eskwelahan.

"Masarap tong hotcake, gusto mo?" Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Ryan. Pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Saglit ay nawalan ako ng inspirasyon upang gumalaw.

Naramdaman kong nagkatinginan silang tatlo. Dalawang linggo ko nang hindi kinikibo ang mga kaibigan ko. Alam kong nais nila akong damayan ngunit humahanap pa sila ng tamang pagkakataon.

INTERTWINED (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon