Chapter 16

18 4 1
                                    

CONFUSED

Marami ang natuwa nang malaman na nakalabas na si Christine sa ospital. Marami rin ang nagbigay ng mga payo sakanila. Hindi naibayad ni Eduardo ang perang binigay namin dahil doon sa misteryosong nagbayad ng hospital bills nila kaya ang perang yun ang ginamit niya para ipambili ng gamot para kay Christine.

Nagpasalamat rin ito sa lahat ng tumulong sakaniya na malampasan ang problemang iyon. Nasa School Canteen kaming magkakaibigan kasama si Jennilyn habang nagmemeryenda, halos hindi mapuknat ang ngiti sa mukha ni Eduardo at masaya naman kami dahil hindi siya tuluyang huminto sa pag-aaral.

"Salamat talaga sa tulong ninyo." Nakangiti niyang ani.

"What are friends are for?" Nakangising sagot ni Ryan na binatukan naman ni Jennilyn.

"Wow, english, hindi ko aakalain na meron ka rin palang maibubuga?" Nagulat kami ng ngumisi si Ryan.

"So ibig sabihin ay maiinlove ka na sa akin niyan?" Inirapan siya ng babae.

"Asa!" Nagtawanan kaming lahat.

"Mabuti naman at naging maayos na ang lagay ni Christine." Ani ko.

"Oo nga eh, hindi ako makapaniwalang magiging maayos din ang lahat. Balak ko na sanang itigil ang pag-aaral para magtrabaho na lang at nagpapasalamat ako sayo kasi kinausap mo ko." May senseridad na ani ni Eduardo at nginitian ako.

"Wala yun, at saka, nakadepende rin sayo kung pakikinggan mo nga ako." Ani ko dahil alam kong kahit na ilang beses ko siyang kausapin ay sakaniya pa rin manggagaling ang desisyon.

"Ako nga sinapak mo ng ikalawang beses eh." Nakangusong singit ni King. Tumawa si Eduardo at inakbayan si King.

"Ikaw, hindi mo naman pala sinasabi na pinepersonal mo na pala mga biro namin sayo, kupal ka."
Nagbangayan ang dalawa pati na rin si Ryan at Jennilyn habang ako natahimik nang dumating si Farhana.

"Pasensiya, may naghahanap lang sakin sa labas." Anito at ngumiti saka umupo sa upuang bakante na nasa aking tabi.

Hanggang sa mga araw na to ay nagugulumihanan pa rin ako.

Kahit ilang beses kong winaksi sa isipan ko ang mga narinig kong pinag-uusapan ng doktor at ni Farhana ay hindi naman ako nito nilulubayan.

Hindi tinatanggap ng sarili kong isip ang mga konklusiyon na nabubuo. Upang galangin ng ganoon si Farhana ay isa lang ang lumalabas, isa siyang mayamang tao o di kaya ay ang pamilya niya.

Sinulyapan ko siya na abala sa pagkain ng biko sa aking tabi. Ang makinis niyang mukha, bilogang mga mata at hindi katangusang ilong. Kung mararapatin ay napakaganda niya at minsan lamang ako makakita ng taong may sobrang kinis at lambot na balat kagaya ni Farhana, halatang hindi siya masiyadong nagtatrabaho katulad ng mga kaklase ko na sila na mismo ang naglalaba at naghuhugas ng pinggan sa bahay.

Gusto ko tuloy makawakan ang palad niya para malaman kung gaano kalambot iyon.

"Ayos ka lang Ali? Natulala ka yata?" Nawala ang iba ko pang iniisip nang tanungin ako ng ganoon ni Jennilyn. Seryoso ito habang pinagmamasdan ako at lahat sila ay nabaling sa akin ang paningin.

"Wala, may iniisip lang ako." Pagdadahilan ko.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Farhana na siyang nasa gilid ko. Napalunok ako.

INTERTWINED (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon