Chapter 20

16 3 0
                                    

DANCE

"A-ano raw sabi niya?" Nagkibit ng balikat si King sa aking harapan sabay ngisi halatang gusto akong kabahan.

"Wala naman, bakit ba tanong ka ng tanong? Pumasok ka na kasi mamayang hapon," bagsak ang balikat na tumungo ako sa lamesa.

Pagkatapos ng nangyari kahapon ay saka ko lamang naisip ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig kapag paulit-ulit na naalala iyon.

Bakit ko ba kasi sinabi ang mga iyon sakaniya?

Mahina kong ibinundol ang aking noo sa lamesa na ikinatawa naman ng aking kaharap.

"Itigil mo nga yan, baka magkabukol ka pa," pinukol ko siya ng matalim na titig.

"Namomroblema ako dito dahil hindi mo naman ikinukuwento kung anong mga sumunod na nangyari kahapon!" Singhal ko.

"Kasalanan ko bang saka mo lang narealize ang mga sinabi mo? Ayokong sabihin sa'yo dahil ayokong dagdagan ang kahihiyan mo," tumawa pa siya sa harapan ko.

Pagaka-uwi ko galing sa palengke ay nilutuan ko lang ng agahan ang mga kapatid ko at hinintay silang makaalis para sa klase. Pagkatapos ay nahiga lamang ako sa aking kama, pagkaraan ng isang oras ay dumating si King para damayan ako dahil may kutob na siyang baka hindi ako pumasok ngayon. Hindi alam ni Inay na hindi ako pumasok ngayon at balak kong hindi pumasok sa araw na ito, tutal ay nanalo naman na ako kahapon.

Pero ngayon naman ang finals ni Farhana, gusto kong manood ngunit inuunahan ako ng kaba at hiya. Kapag nakita ko siya, panigurado ay maiilang ako sa harap niya at baka kung ano pa ang gagawin kong mali.

"May kanin ka ba? Hindi ako nag-agahan eh." Tanong ni King at tumayo saka sinilip ang mga kalderong naroon at kumuha ng plato. Hindi ko siya pinansin at nakayupyop lamang sa lamesa dahil sa napakaraming iniisip.

Ang sabi ng kaibigan ko ay mamayang alas tres ang laro niya. Nakakahiya naman kung hindi ako pumunta kahit para suportahan lamang siya. Nanood siya ng ako ang may finals tapos ngayon hindi ko siya susuklian?

Ano naman akong klaseng kaibigan?

Sa isang banda, maiitindihan naman niya siguro kung hindi ako pupunta dahil sa hiya, maiintindihan naman niya siguro kung hindi ako manood ngayon.

Pwede ring sabihin ko na nagkasakit ako para hindi niya mahalatang gusto ko siyang iwasan?

Ginulo ko ang aking buhok dahil sa nararamdamang frustasyon at kaguluhan. Anong gagawin ko!

Sinilip ko si King na kumakain habang nakasandig sa dingding.

"Hindi mo ba talaga ikukuwento sa akin ang nangyari kahapon nang umalis ako?" Nakabusangot na pagtatanong ko sakaniya.

Umiling siya pagkatapos ay ngumisi ng malawak.

"Para pumasok ka, hindi naman kasi kailangan na magmukmok ka rito dahil lang sa sinabi mo sakaniya ang pagseselos mo," sumubo pa ito bago pinagpatuloy ang mga sasabihin.

"At saka, ngayon ang finals niya sa table tennis. Hindi ka man lang ba manonood para suportahan siya? Nanood siya ng laro mo kahapon, hindi ka man lang ba mahihiya? Dapat suklian mo rin!"

"Paano nga, ang isipin pa nga lang na magkikita kami ngayon pagkatapos ng mga nangyari kahapon ay gustuhin ko nalang na lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan!" Sumeryoso naman ang mukha ng aking kausap.

"Alam mo kung anong tawag diyan sa ginagawa mo?" Kumunot ang noo ko.

Bumuntong-hininga siya at naglakad pabalik sa mesa at umupo sa kaharap kong upuan.

INTERTWINED (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon