YES
So far ito ang pinakahabang chap na naisulat ko😂 8.7k words grabe diko naisip na aabot ako sa ganitong word count hehehehe.
HAPPY READING!
Nakayuko ako habang papauwi, hindi ako makatingin nang diretso sa mga kaibigan ko na labis ang tukso saakin nang sabihin ko sakanila ang pinag-usapan namin ni Farhana.
Hindi sila tumigil sa pangungulit kanina pagkabalik namin sa klase, tulala ako hanggang uwian. Hindi pa kasi nagsi-sink-in sa utak ko ang isipin na magpinsan lang ang dalawa.
Halos isumpa ko na sa lahat ng demonyo si Macky Santiago dahil sa selos tapos malalaman ko na lang na magkadugo pala ang dalawa. Parang gusto ko na lamang iumpog ang ulo ko sa kung saan dahil sa napagtantong nakapaka-tanga ko para hindi magtanong kay Farhana.
May pa tampo pa akong nalalaman at hindi pa siya pinansin ng limang araw dahil lamang sa nakita kong hinawi ni Macky ang buhok niya nang araw na iyon at tuwing naalala ko ang sariling umakto ng ganoon kahit walang sapat na rason ay hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa sarili ko mismo.
"May kutob na nga talaga kami kaya napakalamig nalang ng turing mo kay Farhana eh." Tumatawang hayag ni Eduardo habang hawak ang tiyan.
"Kung ganun ay may alam din pala kayong magpinsan ang dalawa!" Pagalit kong sabi sakanila na sanhi para mas lalong humagalpak ang tatlo sa kakatawa.
"Ang totoo ay wala talaga kaming alam na magpinsan silang dalawa. Akala nga rin namin na may relasyon sila dahil simula nang manligaw ka kay Farhana ay sulpot na nang sulpot iyang si Santiago." Tumatango-tango si King sa sinabi ni Ryan at dinugtungan iyon.
"Kaya nang mapansin namin iyon ay kinompronta kaagad namin si Santiago, hindi namin sinabi sayo dahil alam naman namin na pipigilan mo kami dahil good boy ka kuno..." umayos pa ito sa paglalakad at muling nagsalita.
"Nang kinompronta namin siya ay sinabi niya lang na mahalaga sakaniya si Farhana hindi naman niya sinabi na magpinsan pala sila..." ani ni Eduardo.
"Sabi niya pa ay pinoprotektahan niya lamang si Farhana mula sayo at gusto niyang makasiguro na hindi mo lamang siya pinaglalaruan." Dumugtong si King. "Dahil nakumpirma namin na wala naman pala silang relasyon ay hindi na namin siya kinulit pa lalo na nung sabihin niyang may girlfriend daw siya."
Napapikit ako sa inis, sino ba naman kasi anf mag-aakala na magpinsan ang dalawa eh magkaiba ang apelyido nila.
"Alam mo bang napaka-astig namin ng mga panahong iyon?" Pagmamayabang ni Ryan, umismid ako nang tumawa nanaman sila.
"Binalak namin na huwag sabihin sayo para naman makita namin kung papaano ka umakto." Mas lalo akong nainis sakanilang tatlo nang maalala ulit ang mga inakto ko noong mga nakaraang araw. Talagang nakakahiya ang mga iyon at gugustuhin ko nalang yata na huwag makita si Farhana!
Naglakad ako ng mabilis at iniwanan silang tatlo. Mas lalo kong nararamdaman ang kahihiyan dahil sa nga panunukso ng mga siraulo.
"Ay, nagalit hahahahahaha!"
"Pagkatapos nang lahat ng ginawa namin para sayo mag-iiwan ka?"
"Ali! Ayos lang yan, makakalimutan mo rin yan!" Kahit malayo na ako sakanila ay dinig na dinig ko parin ang tawanan nila kaya hindi ako tumigil sa paglalakad ng mabilis hanggang makarating ng palengke. Igugugol ko na lamang ang oras ko sa pagtitinda baka maibsan pa ang kahihiyang ayaw mawala sa sistema ko.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!