INTERTWINED
"Kuya, nasaan ka na?" Mahina akong tumawa nang marinig sa boses ni Ianne ang pagkasabik na makita ako."Malapit na," ani ko at pinabagal ang andar ng sasakyan. Nahihirapan akong humanap ng mapag-parkingan dahil napakarami ng mga sasakyan at taong nagbebenta ng mga garlans sa harap ng eskwelahan.
"Sigurado ka bang malapit ka na? Gino-good time mo lang yata ako eh!"
"Hindi ah! Eto na nga," pinatay ko ang makina ng sasakyan saka ako nagmamadaling bumaba at pumasok sa Bayabas National High School habang nasa tenga ang telepono.
Graduation na ng kapatid kong si Marianne sa high school at gusto niyang ako ang kasama niyang umakyat sa stage.
"Papasok na ako ng gym, nagsisimula na ba?"
"Malapit na, kawayan mo ko kuya pag nakita mo 'ko." Nang tuluyan na akong nakapasok ay kita ko kaagad ang napakaraming tao sa loob.
"Saang banda ka ba?" Tanong ko habang sinusuyod ang kabuoan ng gym para hanapin siya.
"Dito sa may nakakumpol at naka toga." Nang makita ko siya ay kaagad akong kumaway. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya at nanakbo patungo sa akin.
"Kuya!"
"Ang baby ko," ani ko at niyakap siya. "Dalaga ka na, nasaan ang ate mo?"
Ngumuso siya sa harap ko.
"Ayun at kanina pa nakasimangot, ang tagal mo raw kasi!" Sabay kaming tumawa at sinundan ko siya sa paglalakad.
"Ang tagal mo kuya,"
"Sorry naman natagalan lang." Kinurot ko siya sa pisngi na mas lalong nagpasimangot sakaniya.
"Hindi mo man lang ba ako na-miss?"
"Hindi, siguro mamimiss kita kung may dala kang pasalubong," humagikhik si Kimverly at tumayo para yumakap na rin sa akin.
Anim na buwan akong nawala dahil tinanggap ko ang isang project sa labas ng bansa at sakto naman ang uwi ko nang graduation na ng bunso kong kapatid. Nasa third year college na rin si Kimverly at sobra-sobra ang tuwa ko dahil hindi nila kailanman pinabayaan ang pag-aaral.
Salutatorian si Kimverly nang grumaduate, Valedictorian naman si Marianne.
"Kuya magsisimula na!" Kaagad na hinilia kami ni Ianne at sumunod sa hanay ng ilan pang ga-graduate.
Nagsimula ang tugtog sa marching at hindi mapuknat ang ngiti niya sa labi lalo na ako.
Sinong mag-aakala na gagraduate na ang aming bunso?
"Kung nandito lang siguro si Nanay, panigurado ang saya-saya niya,"
Natigil ako sa mga iniisip at hinagod siya sa likod.
"Syempre naman, magiging masayang-masaya siya lalo na ngayon na Valedictorian ka. Proud na proud si Nanay sayo lalo na kaming dalawa ng ate mo."
"Kaya bawal muna boyfriend," singit ni Kimverly.
"Grabe ka ate, para namang may magkakagusto sa akin?"
"Aba'y bakit wala? Maganda ang lahi natin! Huwag mong sabihin na wala!" Napanguso si Marianne.
Marami pa kaming napag-usapan habang naglalakad sa gitna para sa graduation ceremony. Nang tawagin siya para bigyan ng medalya ay malakas ang naging palakpak ko dahil sa sobrang tuwa lalo na nang mag-speech siya sa entablado at nagpapasalamat sa lahat ng taong kasama niya hanggang sa pagtatapos.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!