Chapter 7

9 4 0
                                    

WHY

Kinabukasan ay alas diez pa lang ng umaga ay makikita kaagad ang mga estudyante na abala sa kani-kanilang ensayo para sa contest ng Ethnic Dance.

Mula sa Freshmen hanggang Seniors ay nasa loob ng gym.

Pinapractice ang sayaw na napili nila, may purong babae, purong lalaki at mayroon namang magkapares ang mga babae at lalaki.

Napabuntong hininga ako ng maalala ang malamig na pagsagot ni Farhana kahapon, lahat ng estudyante ay binigyan ng oras para mag ensayo para sa nalalapit na event. Pinatawag lahat at ako lang yata itong hindi nakikisali sa mga nag eensayo.

"Darating pa ba si Farhana? Trenta minutos na lang at matatapos na itong free time ah?" Pagtatanong ni Ryan habang may dalang kawayan na isa sa mga props namin para sa sayaw.

"Baka ayaw niyang makasama si Ali?" Nakangising aso na sabi ni King kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Alam na ngang sobra ang panlulumong nararamdaman ko dinadagdagan pa ng mokong.

Tinawanan lamang ako ng tatlo dahil sa wala akong imik simula pa kanina nang dumating kami.

Pumasok naman si Farhana kaninang first and second period pero hindi ko man lang siya nakita dito.

Ilang minuto na lang at break time na. Kahit anino niya man lang ay hindi ko nakita, siguro nga ay ayaw niya akong makapares sa sayaw.

Tuloy ay para akong nahahapong umalis sa gym at hindi ako kumain ng meryenda nang mag-break time na.

Mas lalo akong nawalan nang pag-asa nang hindi siya sumipot sa ilang araw para mag-practice kami at sa bawat araw na iyon ay pinipilit ko ang sarili na mag ensayong mag-isa.

Pinipilit kong makisabay sa mga hirit ng mga kaibigan ko patungkol sa kapareha kong hindi sumisipot.

Isang linggo na lamang ay Ethnic Dance Competition na pero hindi ko pa rin  nakikita si Farhana kaya nawalan na ako ng ganang mag ensayo.

Kapag nasa loob ng classroom ay iniiwasan niya akong makasalamuha, kapag nagtatagpo ang mga paningin naming dalawa ay kaagad siyang umiiwas.

Siguro nga ay hindi na matutuloy itong pagtatanghal namin.

Napabuntong-hininga ako nang matapos ang ensayo sa araw na yon.

Byernes na at sa Myerkules na ang competition, hindi na talaga nagpunta si Farhana sa gym para mag-practice.

Hindi ko naman sinsabi kay Mrs. Arao dahil nahihiya ako lalo na't abala ito sa mga responsibilidad sa eskwelahan. Hindi ko rin naman kinokompronta si Farhana dahil nahihiya akong makausap siya at natatakot na baka sabihin niyang ayaw niya akong makatambal sa pagsayaw.

Kokonti lang naman ang steps na kailangan kong isaulo kaya hindi na ako nag abala pang mag ensayo pag-sapit ng sabado.

Habang kasama ko ang tatlo ay pinipilit kong makisabay sa mga kuwento nila, hindi pinapahalata ang tunay na nararamdaman.

"Hi guys!" Masiglang bati ni Jennilyn, ang pinakamaingay naming kaklase. Siya ang isinamang kaibigan ni Farhana nang ilibre kami ni Mrs. Arao ng snacks sa canteen pero hindi siya umiimik noon kahit na alam naman naming isa siya sa mga pinakamaingay naming kaklase.

"Uy, Jen!" Bati ng mga kaibigan ko at kumaway sa babae. Ngumiti ito at saka tumakbo papalapit sa aming grupo.

"Mga gago! Anong ginagawa niyo dito?" Bulgar nitong pagtatanong na para bang wala itong pakialam sa mga estudyanteng nakapalibot. Madalas din itong magmura na halos bansagan na siyang "Mura Queen"

INTERTWINED (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon