Chapter 23

15 3 0
                                    

                           FEELINGS

Binuksan ko ang bag na may lamang gitara na pag-aari ni King. Kaagad ko itong kinuha at sinubukan, napangisi naman ang loko na nasa harapan ko.

Hinatid ito ni Ryan sa amin dahil nanghingi ako ng pabor na siya namang sinunod dahil natataka siya kung saan ko gagamitin ang gitara.

"Anong gagawin mo? Manghaharana ka ba?" Hindi ko siya sinagot kahit narinig ko naman ang tanong niya. Kinaskas ko ang gitara at sinubukang tumugtog.

Sa ilang sabado na pagtuturo ni Anton na nasa katabing tindahan namin sa palengke ay marami na kaagad akong natutunan. Kung papaanong kunin ang tamang tugma ng tunog ng gitara at kung saan tamang ipuwesto ang mga daliri sa strings.

"Kailan ka pa natutong maggitara?" Pumikit ako habang nakikinig sa ginagawang malamyos na musika mula sa gitarang hawak. Ngumisi ako habang nakapikit.

"Mga isang buwan na, tinuruan ako ni Anton." Tuloy pa rin ang pagkaskas habang tinutugtog ang musika na 'Take me to your heart'

Nagiging paborito ko na ang kantang yun.

"Dapat ay turuan mo rin kami, ni hindi ko magamit iyang gitara dahil wala naman akong alam sa pagpapatugtog niyan." Idinilat ko ang mga mata at tumungo para tignan kung nasa tamang puwesto pa ba ang mga daliri ko.

"Mang haharana ka rin kay Jen?" Tudyo ko sanhi para sumimangot siya.

"Tss, hindi no, wala naman akong gusto sa babaeng yun." Tumawa ako,

"Itanggi mo pa, bakit hindi mo nalang ako gayahin? Katulad ngayon ay nanliligaw na ako kay Farhana."

"Kaya pala nagsipag kang matuto magpatugtog niyan!" Balik na tudyo niya kaya napailing-iling na lamang ako.

"Kuya ano yan?" Nakita ko ang bunso kong kapatid na si Ianne, palapit ito sa amin habang hindi inaalis ang mga mata sa gitarang hawak ko.

"Hi baby Ianne! Halika, ibibili ka ni Kuya Ryan ng turon." Kumamot sa kaniyang pisngi si Ianne at kinunutan kami ng noo. Sumampa siya sa upuang katabi ko habang puno ng kuryusidad ang mga matang nakatingin sa gitara. Ngumiti ako sakaniya at kinaskas ulit ang instrumento.

"Gitara ang tawag dito, bunso. Kapag marunong kang gumamit nito ay makakabuo ka ng musika." Namilog ang mata niya sa mangha.

"Talaga? Katulad niyong hugis parihaba sa school na may kumakantang mga tao?" Ginulo ni Ryan ang kaniyang buhok.

"Cassette ang tawag doon at magkaiba sila sa instrumentong yan." Tumango-tango ang kapatid ko at maya-maya'y pumalakpak.

"Pwede po ba akong kumanta gamit yan?"

"Oo naman, anong kakantahin ni bunso?" Maligalig niya akong nginitian.

"Twinkle, twinkle, little star po!" Hindi ako nagsayang ng oras at kaagad na kinaskas ang gitara para simulang tumugtog. Nakisali kami sa pag-awit ni Ianne habang ito ay masayang pinapakita pa ang stepping ng kanta.

Pagsapit ng Lunes ay nilakad ko lang ang skwelahan habang bitbit ang gitara ni King. Napapangiti ako sa tuwing naiisip ang balak kong gawin mamaya, ano kayang magiging reaksiyon niya kapag kinantahan ko siya? Alam kong hindi naman kagandahan ang boses ko pero wala yata akong pake.

Gusto ko siyang kantahan, isa yun sa mga paraan kapag nanliligaw. Hindi mapuknat ang ngiti ko hanggang sa makarating ako sa BNHS.

Marami ang gustong sumubok manghiram ng gitara ngunit hindi ko sila pinayagan dahil baka masira pa ang plano kong haranahin si Farhana. Nagsimula kaagad ang klase, habang nagdi-discuss si Mrs. Obsioma sa harapan ay  hindi ko maalis ang mga  mata ko kay Farhana.

INTERTWINED (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon