June 1990
Simula
"Uy, diba huling taon mo na ngayon sa high school?"
Magiliw na tanong ni Anton, anak ni Aling Pasing na nagtitinda rin ng gulay katabi ng tindahan namin. Nakangiti naman akong sumagot habang inaayos ang mga gulay na paninda.
"Oo nga eh kahit malayo pa ang graduation pero na i-excite na ako."
Tumawa siya sa harap ko,
"Oo nga pala, Valedictorian ka nga pala ng taon. Paniguradong makakakuha ka kaagad ng scholarship kapag naka graduate ka."
Ngumiti ulit ako sakaniya at hinarap na ang iba pang bumibili.
May pwesto kami sa palengke at dito namin kinukuha ang lahat ng pangangailangan namin ni Inay.
Dahil summer ay tumutulong ako sa pagtitinda ng gulay at snacks na niluluto namin.
Limang taon na rin ang nakalilipas ng yumao ang mahal kong ama kaya ako ang tumatayong Ama at Kuya sa dalawa ko pang bunsong kapatid na babae.
Parehas elementarya at halos lahat ng nakakilala saamin ay hinihintay talaga ang pagtatapos ko ngayong taon. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa naman ako dahil sa marami ang sumusuporta saakin.
Pag-patak ng alas dose ay kaagad na pumalit si Inay sa aking pwesto sa tindahan.
"Oh siya, ako na dito at umuwi ka na, magpapa-enroll ka pa."
Hinubad ko ang apron na suot at hinalikan siya sa pisngi at nagpaalam nang uuwi.
Pagkarating ko sa aming bahay ay kaagad akong nag-ayos ng sarili at hinanda ang mga requirements para sa pag-eenroll. Dahil tapos na akong kumain sa palengke ay kaagad na akong tumulak paalis.
Nilakad ko lang patungo sa paaralan dahil anim na kanto lang naman ang pagitan mula sa aming bahay.
Habang naglalakad ako patungo sa skwelahan ay hindi ko maiwasang mapatingin sa gate ng nadaanan kong subdivision.
Ang Hubun w Salam Subdivision.
Napansin kong may parang parade na nagaganap, masaya ang musika na pinapatugtog at may magagarang sasakyan ang dumadaan pero hindi ko nakita ang kabuoan nang sinara ang matayog na gate ng subdivision.
Napasimangot ako saglit.
Subdivision ito ng relihiyong Islam, dahil matagal na sila dito sa Barangay Bayabas ay hinati ang kabuoan sa dalawa at sila ang nakatira sa kalahati. Hindi ako masiyadong nakakita ng mga taong lumalabas doon pero napakaraming magagarang sasakyan ang pumapasok, animo'y mga mayayaman at makapangyarihang tao.
Pinagpatuloy ko ang naudlot paglalakad at nakarating din sa eskwelahan. Kaagad kong hinanap ang tatlo at nakita silang pumipila na ay sumingit naman kaagad ako.
"Ang tagal mo naman dumating!"
Bungad ni Ryan sa akin. Napatingin ako sa relong pambisig at nakitang saktong ala una ang dating ko ay sumagot ako sakaniya.
"Sakto lang ang dating ko uy!"
"Dapat mas inagahan mo, buti nalang at may mga kaibigan kang mga gwapo!" Halakhak ni King at kumaway pa sa mga babaeng kasabayan namin sa pagpapa-enroll.
"Tignan mo yang kaibigan natin."
Sumunod ang tingin ko sa ininguso si Ryan at nakita ko si Eduardo na nakikipagharutan sa kasintahan nitong si Andrea.
Kinalabit ko siya.
"Huwag kayong maglampungan dito huy!"
Saway ko pero matalim na titig lamang ang isinukli niya at kalaunan ay bumalik din sa pakikipagharutan.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!