JEALOUS
Alas otso ng umaga, Lunes. Nasa School Gym lahat ng mga estudyante ng buong Bayabas National High School.
Yumayanig ang buong gym dahil sa lakas ng hiyawan ng bawat year level, upang malaman kung anong year level ang isang estudyante ay nag color coding ang lahat.
Nakasuot ng itim ang mga 1st year, samantalang pula naman ang 2nd year, dilaw ang 3rd year at naka blue kaming mga nasa 4th year. Bawat year level ay may kaniya-kaniyang banner at malakas na sinisigaw ang mga sariling level.
Ngayon ang opening ng Intramurals at na e-excite ang lahat na makisali. Halos mabingi kami sa tindi ng sigawan at tili.
"Good morning studeeeeents!"
Sigaw ni Ms. Fernandez na pumunta sa gitna ng stage habang naka mic, nang marinig iyon ng mga estudyante ay mas domoble ang lakas ng sigaw sa buong gym.
"First year! First year! First year! First year!"
"Second year! Second year! Second year! Second year!"
"Third year! Third year! Third year! Third year!"
"Fourth year! Fourth year! Fourth year! Fourth year!"
Lahat ay hindi nagpapaawat sa sigaw. Ngumiti si Ms. Fernandez bago nagsalita.
"Intramurals is the most exciting event of our school every year. This is the time where each students participate to be an overall champion. So, are you ready to slay your leveeels?!" Tanong nito at hinarap ang mic sa mga estudyante.
"Yeeeeeees!" Sigaw ng lahat bilang sagot.
"Just a reminder students, this is a wonderful event. We hope you all avoid any fights and brawls. Always put in mind that we're here to enjoy, cooperate and play. Are we cool?" Pagpapaalala nito sa amin.
"Yeeees!" Sigaw ulit ng lahat bilang sagot.
Ngumisi si Ms. Fernandez bago nagsalita.
"Kung ganun ay hindi na natin patatagalin pa ang lahat. Simulan na ang School Intramurals 1990!!" Sigaw nanaman nito kaya naghiyawan ang lahat.
"First year! First year! First year! First year!"
"Second year! Second year! Second year! Second year!"
"Third year! Third year! Third year! Third year!"
"Fourth year! Fourth year! Fourth year! Fourth year!"
Naghahalo ang sigawan ng lahat sa loob.
"School Intramurals 1990 is now officially startiiiiing!" Domoble pa ang sigawan ng lahat habang winawagayway ang mga banner na dala umalingawngaw rin ang ingay ng drum at nagsimulang magpatugtog ang School Drum and Lyre Club. Hudyat na magsisimula na ang Intramurals 1990.
"Halos mabingi ako kanina!" Tumatawang sambit ni Eduardo habang hawak ang magkabilang tenga.
Kasalukuyan kaming naglalakad papasok ng canteen para uminom ng tubig. Humiwalay sa amin sina Jennilyn at Farhana para tingnan ang unang laro na magaganap.
"Akala ko nga hindi na ako ulit makakarinig eh." Ani naman ni King.
"Wala kasing nagpapaawat eh, si Jen na ata ang pinakamalakas sumigaw sa loob." Tumatawang komento ni Ryan.
"Wala ka namang ibang napapansin kundi si Jennilyn." Puna ko para asarin siya. Nalukot naman ang mukha niya.
"Siya naman talaga ang may pinakamalakas sumigaw sa loob." Ungot niya at namulsa.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!