HURT
"Iluto mo na yung saging niyong saba." Pabulong na sabi ni King habang inaayos ang lutuan naming kahoy.
Pinukol ko siya ng matalim na titig.
Napakaaga niyang nagpunta sa amin sa kadahilanang nai-excite siyang maligo sa dagat.
Tulog pa si Nanay at kagabi pa ako nagpaalam na sasama akong maligo ngayong araw. Pumayag naman siya dahil linggo ngayon at hindi kami nagtitinda sa palengke kapag linggo.
Sinulyapan ko ang orasan namin.
Alas singko y media pa lang at malamig pa sa labas dahil sa hamog kagabi. Kumuha ako ng dalawang tasa para magtimpla ng kape.
"Napakaaga mo na ngang pumunta rito tapos pagdidiskitahan mo pa yang saging naming saba?"
"Nakalimutan ko kasing sabihin sayo na dapat daw magdala ng mga pagkain para mamaya."
Inungusan ko siya at inayos ang jacket na suot.
"Problema ko pa ba yun? Maghanap ka ng puwede mong dalhin."
Ang aga-aga nang iisturbo na siya.
Kapag iniluto namin ang saging na saba na nandito sa bahay ay pagagalitan ako ni Inay dahil ibebenta namin yun bukas sa palengke.
Alas siete pa lang ang plano pero heto na siya at nang iisturbo.
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay dinala ko ang dalawang tasa at umupo sa mesa.
"Magkape ka muna, ang aga mo ditong nang isturbo." Lumapit siya sa mesa at kinuha ang isang tasa at nagkape.
"Ikaw lang kasi ang nakikita kong puwedeng mapaghingan ng saging na saba." Tumawa ito sa harapan ko.
"Bakit hindi ka nalang bumili ha? Papayag pa ako." Ani ko at ngumisi sakaniya na siya namang ikinalukot ng mukha niya.
"Pamasahe nalang ang natira sa pera ko. Pinambili ko ng bagoong, nagbabasakaling pumayag kang lutuin natin yung saging niyong saba pero mukhang bagoong nalang ang madadala ko."
At nangongonsensiya pa ang loko!
Napapikit ako dahil sa inis at napasulyap sa aming lutuan. May apoy na ang pinagkukumpol niyang mga kahoy doon.
"Akala ko ba bring our own?" Tatanong ko at sunod na sinulyapan ang saging na saba na nasa likod ng aming pintuan.
"Eh kasi nakakahiya naman kung wala tayong dadalhin dun. Alam mo naman ang mga kaklase natin."
Napabuntong hininga ako bago nagsalita.
"Lutuin mo na yan para naman manahimik na yang kaluluwa mo."
"Yes!" Sigaw niya at hinanda ang kalderong gagamitin niya para sa pagsaing ng mga saging. Mag-iisip pa ako kung papaano ko sasabihin kay Inay tungkol sa mga saging na ibebenta niya sana bukas.
"Lahat ba tayo pupunta?" Tanong ko sakaniya habang umiinom ako ng kape at pinagmamasdan ang kaibigan kong nilalagay na ang kalderong may saging.
"Halos lahat daw pero mukhang may hindi makakapunta." Aniya.
Si Farhana kaya pupunta?
Maisip ko palang na pupunta siya ay nai-eexcite na rin ako kaya umalis ako sa kusina at nagpunta sa sariling kwarto upang ihanda ang mga kagamitan ko.
Nagdala ako ng isang pares ng damit at tuwalya. Nagdala na rin ako ng pabango at toothbrush.
Ayokong maging mabaho sa harapan niya at baka hindi na niya ako magustuhan.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!