LOVE
Napakabilis dumaan ng araw kapag nag-mamahal. Tila para kalang naglalakad ng matulin habang nag-i-enjoy sa bawat tanawin na madadaanan.
Tatlong buwan na rin kaming magkasintahan ni Farhana at aaminin kong walang araw na hindi ako masaya. Minsan ay nagkikita-kita kaming lahat sa Covered Court para maglaro.
Minsan naman ay sabay-sabay kaming mag-aaral ng mga aralin at inspirado ako sa bawat gawain na pati ang third grading exams ay nai-perfect scores ko lahat.
Ni hindi ko naisip sa tanang buhay ko na magiging ganito ako ka inspirado, dati ay sapat na ang pamilya ko para gawin kong rason sa bawat achievements ko ngunit ngayon ay nadagdagan pa ng isa.
Masayang-masaya ako na makilala si Farhana at wala na akong hihilingin pang iba kundi ang makasama siya ng mas matagal pa.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang girlfriend ko na kumakain ng taho.
Nasa Covered Court ulit kami at kasalukuyang naglalaro ang apat ng basketball, nagdala kasi ng bola si Jen kaya nagpares sila para maglaro.
"Bakit ka nakangiti?" Tanong niya habang tuloy pa rin sa pagsipsip sa straw. Umiling naman ako,
"Wala lang, masaya lang akong makasama ka ngayong araw."
"Hmm… ako rin." Nakangiting aniya,
"May lakad ba ulit kayo sa susunod na linggo?"
"Depende, hindi pa kami sinabihan ng amo namin."
Simula noong Christmas break ay ngayon ko lang ulit siya nakita dahil sinabi niyang aalis sila ng bansa kasama ang pamilyang pinagsisilbihan nila.
Naiintidihan ko naman ang sitwasyon niya lalo na't ang pamilyang pinagsisilbihan niya ang mismong pamilya na nagdala sakanila dito sa Pilipinas.
Noong una akala ko ay ayos lang ngunit nang dumaan ang ilang araw na hindi ko siya makita ay halos mamatay ako sa pagka-miss lalo na't wala kaming ibang kumunikasyon. Nais ko mang magpadala ng telegrama ay hindi ko naman alam ang address nila.
"Magsisimula na ang klase sa susunod na linggo, hindi ka ba muna papasok?"
"Papasok ako syempre, hindi naman kasi sila hadlang sa pag-aaral namin ni Jen. Siguro kung may lakad man ulit ay hindi na kami lalabas ng bansa." Nakangiting aniya, para akong nakahinga ng maluwag saka ko inabot ang kaniyang kamay at pinagsikalop ang mga daliri namin.
"Namiss talaga kita ng sobra," malambing ang boses na pag-amin ko at nilaro-laro ang mga daliri niya.
"Walang araw na hindi kita naiisip, na minsan ay napapatanong ako sa hangin kung ayos ka lang ba?"Hinaplos ko gamit ang aking hintuturo ang mga linya sakaniyang malambot na palad.
"Gusto kong marinig ang boses mo, gusto kong hawakan ang kamay mo, gusto kong makasama kang kumain." Sinulyapan ko si Farhana at ang nakangisi niyang mukha ang nabungaran ko.
"Ganiyan mo ako ka-miss?" Tudyo niya, ngumuso naman ako sa harap niya at muling pinagsikalop ang mga daliri namin saka ko hinalikan ang likod ng kaniyang palad.
"Mahal kita."
"Mahal din kita."
Napuno ng kasiyahan ang puso ko dahil sa narinig at sinulit ang buong araw na kasama siya.
Unang araw ng klase simula noong bagong taon ay excited akong naghanda para pumasok dahil makikita at makakausap ko ulit si Farhana.
Isang linggo na rin ang nakararaan mula ng huli kaming magkita kaya hindi ko maiwasang maging sabik na makita siya.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!