DREAMS
Naging maayos ang exam sa lahat ng subjects. Apat sa pitong subjects and nai-perfect score ko samantalang ang dalawa ay may isang mali at ang isa ay may apat na mali.
Ngumiti ako sa aking sarili. Kailangan ko lang i-maintain ito at makakamit ko na ang scholarship na hinahangad ko.
Huminga ako ng malalim dahil sa kasiyahang nararamdaman.
"Namigay ka sana ng sagot, edi sana perfect score rin ang nakuha ko." Pabirong sabi ni Farhana at nginisihan ako. Hindi parin ako makapaniwalang nakakausap ko siya ng ganito. Simula nang magtanong ako kung puwede ko ba siyang maging kaibigan ay nagkakausap na kami ng ganito.
Nakakaramdam parin ako ng ilang sa tuwing ngumingiti siya sa sa akin at bumibilis naman ang pagtibok ng puso ko kapag ginugulo niya ang buhok ko. Ngunit sa mga araw na nagdaan ay unti-unti na rin akong nasasanay sa mga nararamdaman sa tuwing malapit siya at hinahayaan ko na lamang iyon.
"Sinabi ng taong perfect ang limang subjects at isa lang ang mali sa dalawa pang subjects." May halong sarkasmo na sagot ko sakaniya. Narinig ko siyang tumawa ng mahina at kinindatan ako.
Napailing-iling na lamang ako. Sinong mag-aakalang makakausap ko siya ng ganito? Nagpapasalamat ako nung araw na napakarami kong lakas ng loob para kausapin siya.
"Geh, uwi nako!" Aniya at sinukbit ang bag sa kaniyang balikat at humarap sa akin. Ngumiti ako sakaniya at akmang kakaway nang lumapit siya at ginulo ang buhok ko saka tinapik ako sa balikat bago siya kumaway at naglakad papabalas ng gate ng eskwelahan at tinahak ang daan pauwi sakanila.
Gusto ko pa sana siyang ihatid ngunit naisip kong baka ma weirduhan siya kapag ginawa ko yun. Bago pa nga lang kami nagkakaibigan.
Bakit hindi pa puwedeng ihatid ang kaibigan?
Pinilig ko ang ulo dahil sa sinabi ng munting tinig na iyon. Sa ngayon ay kuntento na muna akong nakakausap ko siya ng ganito. Hindi muna ako tutuntong sa susunod na hakbang.
"Kumusta sa pakiramdam?" Napaigtad ako ng magsalita si King tabi. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kung saan-saan ka talaga sumusulpot." Ani ko at hinarap na ang mga kaibigan ko sa likod.
"Syempre, sa liit ba naman niyan." Natatawang sabi naman ni Eduardo na pabirong sinuntok ni King sa braso.
"Pero ako ang pinakagwapo sainyong tatlo." Aniya at tumawa na parang nanalo sa lotto.
"Ayos lang yan kapatid, sarili mo yan eh. Alangan namang i-down mo ang sarili mo diba?" Sabad naman ni Ryan at tinapik si King sa likod.
"Sinasabi mo lang yan dahil hindi mo matanggap na nalalamangan ko ang kagwapuhan mo." Sabi naman ni King at may kinuha sa kaniyang bag na sunglasses at isinuot iyon at saka ginaya ang mga modelo kung pumorma.
"At may dala ka pa talagang props ha." Natatawa kong sinabi dahil tuloy parin siya sa pag po-pose doon.
"Alam niyo ba ang kasabihan, na nakakamatay daw ng maaga ang sobrang bilib sa sarili?"
"Manahimik ka Eduardo. Single ka na ngayon kaya wala ka nang maipagmamalaki." Natatawang kantyaw ni King at tinuro pa si Eduardo. Saglit na natahimik kaming tatlo at bago ma-realized ni King ang sinabi ay tinakpan na ni Ryan ang bibig nito at binulungan. Nawala ang lahat ng emosyon sa mukha ni Eduardo.
Pagkatapos ng balak ni Andrea na magtanan sila at ang hindi pagsipot ni Eduardo ay hindi na namin alam kung nasaan ang babae. Hindi namin inungkat iyon dahil sa ayaw naming maramdaman niyang hindi tama ang desisyon niya, ngayon lang na nadulas si King.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!