FRIENDS
"This will be your last quiz for this grading. Mag study kayo dahil ngayong huwebes ako mag i-exam, okay?""Yes maam." Sagot naming lahat nang matapos si Mrs. Obsioma sa kaniyang lesson. Bukas na magsisimula ang ibang teachers na mag-exam at abala ako sa pag-aaral kasabay nang pagtitinda sa palengke. Sumulyap ako kay Farhana na nakikinig lamang sa mga sinasabi ni Mrs. Obsioma hanggang sa makalabas ito ng silid.
Napabuntong-hininga ako, gusto ko siyang kausapin pero nahihiya naman ako. Ilang araw ko nang iniisip kung papaano ako gagawa ng paraan para mas makilala siya at maging kaibigan?
Hindi ko alam ang mga gagawin kung paano mangyayari yun na kahit marami akong mga kaibigan pero hindi naman ako gumagawa ng paraan para maging kaibigan sila. Kusa iyong nangyayari.
At kung hihintayin ko pa na kusang maging magkaibigan kami ay baka abutan ako ng siyam-siyam. Napakaraming lakas ng loob ang kailangan ko para gawin iyon.
Pumunta ako ng palengke kinahapunan para tumulong sa pagbebenta. Mabuti na rin na okay lang kay Inay na niluto namin iyong saging na saba dahil pagka uwi namin kinahapunan galing sa dagat ay kaagad na sinabi ni Ryan kay Nanay ang patungkol doon.
"Kumusta, Nay?" Bati ko kay Inay nang makarating ako. Basa ng pawis ang buong katawan niya kaya ako muna ang pumalit sakaniya at hinayaan siyang magpunta sa Public Toilet ng palengke para magbihis.
Habang nagtitinda ay nag-aaral ako para sa darating na First Periodical Exam. Kailangan kong galingan ang huling taon kong ito dahil kailangan kong makakuha ng scholarship para sa college dahil alam kong walang pambayad si Inay para pang matrikula.
"Magkano po yung pipino?" Abala ako sa pagbabasa ng notes ko nang may dumating na customer at natuod ako sa kinatatayuan nang seryosong mukha ni Farhana ang nabungaran ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko at tila kinabahan, nabahala ako bigla sa aking hitsura sa ngayon. Suot ko parin naman ang aking uniporme. Bahagya kong inayos ang aking buhok at nahuli ko siyang sumunod ang tingin doon.
Napalunok ako, nahalata niya ba? Nahahalata niya na ba na nagpapansin ako sakaniya? Tumaas ang kaniyang kilay kaya mas lalo akong kinabahan.
"Magkano yung pipino?" Pag-uulit niya kaya napilig ko ang aking ulo.
"A-ah, bente kada kilo." Sagot ko at bahagyang nagulat dahil sa pagkautal. Tumikhim ako.
"Dalawang kilo." Aniya at namulsa sa suot niyang uniporme. Kaagad akong tumalima at nagtimbang nang dalawang kilong pipino at binigay iyon sakaniya. Nagbayad siya ng kwarenta pesos kaya akala ko ay aalis na siya pero nagtaka ako nang nanatili lamang siyang nakatayo sa harap ko habang bitbit ang supot na may lamang pipino.
"M-may bibilhin ka pa ba?" Tanong ko sakaniya. Hindi siya umimik ngunit unti-unting bumuo ang ngisi sa kaniyang labi. Iniwas ko paningin doon nang titigan ko yun saglit.
"Ano pang gagawin mo?" Pagtatanong ko ulit dahil nandoon parin siya at nakatayo. Hindi ko na alam ang iaakto sa harapan niya. Naiilang ako sa presensiya niya ngayon sa harapan ko. Ano pa bang gagawin niya? Bakit hindi pa siya umaalis!
"Hindi naman ibig sabihin na gusto mo ang isang babae ay kaagad mo siyang liligawan. Pupuwede mo namang kilalanin muna at kaibiganin."
Naalala ko ang sinabi ni Eduardo noong nakaraang linggo. Gusto ko ang babaeng ito pero hindi pa ako handa upang manligaw kaya napag desisyunan kong kikilalanin ko muna siya at baka kaibiganin na rin?
Madaling sabihin ngunit mahirap yung gawin.
"May hihintayin lang. Huwag kang mag-alala hindi naman ako magnanakaw." Tumitig ako sakaniya nang magsalita siya at bahagya siyang nakangisi.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!