Ice Candy
Pagkarating ko sa palengke para tulungan si Inay ay nakakaramdam ako ng bahagyang pagbigat ng katawan at parang bumibigat din ang talukap ng aking mga mata at matamlay ang kilos ko.
"Oh, bakit ganiyan ka?" Tanong ni Inay nang mapansin ang pagiging matamlay ko habang nakasandig ako sa upuang kahoy
"Ambigat ng pakiramdam ko nay," mahina ang boses na sabi ko kaya nag-aalalang lumapit ang nanay sa akin at dinampi ang likod ng palad sa aking leeg.
"Medyo mainit ka, nahihilo ka ba?" Tanong niya habang kumukuha ng barya sa bulsa. Hindi ako sumagot at pumikit lang.
"Siguro nagka over fatigue ka, dito ka lang bibili lang ako ng gamot para makainom ka kaagad," Sabi niya at narinig ko ang mga yapak niya paalis.
Minulat ko ang mata ko ng may bumili at ilang customer pa ang dumating bago nakabalik si Inay.
"Oh ito, inumin mo at nang maibsan iyang nararamdaman mo baka sa sobrang pagod yan."
Tinanggap ko naman ang binigay ni Inay na gamot at tubig at habang umiinom ako ng tubig para matulak ang gamot nang halos mabilaukan ako nang makita si Farhana sa harap ng pwesto namin na nakatitig sa akin.
Ilang beses akong umubo dahil sa pagkaka-bigla na makita siya.
Bakit ba siya nandito!
Kumunot ang noo ko at kahit na naiilang sa titig niya ay tumititig ako pabalik sakaniya.
Naramdaman kong biglang lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sakaniya na para bang gusto nang makawala. Nakita kong kasama nanaman niya iyong lalaking naniningil at napansin ko ang pagngisi niya at bumaling kay Nanay.
Tumikhim ako at umiwas sa titigan namin nang hindi ko makayanan ang intensidad.
Paanong hindi ko na yun nakakaya?
"Salamat po!" Sabi niya nang matanggap ang bayad ni Inay at sila umalis ay sinulyapan pa muna niya ako bago umiling-iling.
Teka, bat ba siya tumititig sa akin? Tuloy ay hindi ko maalis ang tingin ko habang lumalayo sila.
Bahagya akong nakaramdam ng kaginhawaan, hindi ko tuloy matukoy kung dahil ba iyon sa gamot o sa babaeng nakatitigan ko.
"Kilala mo ba ang babaeng iyon nak?" Maya-maya'y tanong ni Mama. Umiling lamang ako sakaniya at magiliw na nakipag-usap sa mga paparating na customers.
Pagkauwi namin ay napakalakas ng buhos ng ulan, imbis na mahimasmasan ako ay tuluyan na akong nilagnat kinagabihan at halos hindi ko kayang bumangon pagsapit ng umaga kaya nagpagpasiyan kong hindi muna pumasok.
"Huwag mo nang piliting pumasok kung hindi mo kaya, minsan ka lang namang umabsent kaya hayaan mo na munang magpahinga ang katawan mo."
Bilin ng Inay at nagpaalam nang aalis dahil aasikasuhin niya pa ang mga order niyang gulay na ititinda.
Hindi kami nakapagluto ng mga kakanin para itinda sana sa tuwing madaling araw at ang dalawa kong kapatid na babae ay nauna nang umalis para pumasok.Kinahapunan naman ay bahagya nang umaliwalas ang pakiramdam ko dahil sa pagtulog ng ilang oras. At kagagaling ko lang sa banyo at pabalik na kinahihigaan nang marinig ko ang boses ng mga kaibigan ko.
Muli akong nagtalukbong ng kumot dahil bahagya pa akong nakakaramdam ng lamig.
"Andiyan ba ang Kuya mo Ianne?" Rinig 'kong tanong ni Ryan sa kapatid ko. Maaga silang umuuwi dahil elementary pa naman.
"Andun po sa kwarto niya nagpapahinga," Sagot naman ng bunso naming si Marianne.
"Ano yang ginagawa niyo, magluluto kayo?"
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!