ASHAMED
Nakatanga ako sa sariling upuan habang nasa harapan ko iyong reviewer ko para sa sasalihan na Math Quiz Bee.
Hindi ko alam kung sisisihin ko ba ang sarili ko na umasa ako sa araw na iyon na si Farhana ang magiging kapares ko o kalimutan nalang?
Isang linggo na rin ang nakalilipas nang mangyari yon at sa BNHS ko na lang nakikita si Farhana. Hindi na siya sumasama dun sa naniningil kaya napapatanong ako sa sarili ko kung ano ba talaga ang ugnayan nila ng lalaking iyon?
Gusto ko siyang tanungin pero nahihiya naman ako, hindi naman kasi kami close para may karapatan akong magtanong sakaniya.
Linggo ngayon at bukas ng umaga ang Math Quiz Bee na sa katabing skwelahan gaganapin. Hindi ko maituon ang isip ko sa reviewer dahil sa palagi ko siyang naiisip.
Ginulo-gulo ko ang buhok ko at tumungo sa study table. Hindi dapat ganito, dapat ay may gawin ako!
Walang pumapasok sa isipan ko kahit na mag-review ako ngayon ng paulit-ulit.
Napasulyap ako sa aking pinto at nakita ang nakasabit na dalawang rocket doon.
Siguro ay mas mainam na maglalaro muna ako ng badminton at baka umayos ang takbo ng utak ko?
Napagdesisyunan ko ngang maglaro na lamang ng Badminton sa labas tutal wala naman kaming benta ngayon sa palengke dahil rest day namin ni Inay.
Ang mga kapatid ko naman ay gumagawa ng group project sa sala kaya kinuha ko ang dalawang badminton rocket sa likod ng pinto ng kwarto at lumabas.
Inihagis-hagis ko ang shuttle cock na puti habang naglalakad papunta sa plaza ng Barangay Bayabas. Tutal hindi naman ako makapag-concentrate sa pag-re-review, lilibangin ko na lang ang sarili ko kaso nga lang maghahanap pa ako ng pupwedeng maging kalaro.
Naglibot ako sa buong plaza, nilalapitan iyong mga kakilala kong umuupo doon pero puro sila nagsisitanggihan dahil hindi raw sila marunong.
"Tuturuan kita." Alok ko kay Brye na nakaupo lang sa isa sa mga bench ng plaza. Ika-apat na siya sa mga kakilala ko na inaya.
"Ayoko muna maglaro, napilayan ako eh." sabi niya at pinakita ang paa na may benda.
Tumango na lamang ako.
Mukhang wala yatang may gusto makipag-laro dahil lahat sila ay nagsisitanggihan.
Maglalakad na sana ako paalis ng may sumalubong sa akin na shuttle cock, napapikit ako ng dumiretso agad iyon sa kaliwang mata ko.
"Hala! Sorry!" narinig kong hingi ng tawad ng isang babae sa mahinhin na boses, ito yata nakatama sa akin, idinilat ko ang isang mata para makita siya at ngitian.
"Ayos lang."
"Sigurado ka ba? Hindi ba napasukan ng buhangin ang mata mo kuya?" Nag-aalalang pagtatanong niya habang sinisipat ang mata ko, isang dalagita ang nakita ko na hula ko nasa dose o trese pa ang edad, nakasuot ito ng puros kulay pula na jogging pants at jacket. Nginitian ko ulit siya at saka idinilat ang dalawang mata para hindi na siya mag-alala pa pero natulos ako sa kinatatayuan nang lumagpas ang paningin ko sa babaeng kaharap ko.
Nandoon si Farhana, nakatayo habang hawak ang mukhang mamahaling rocket ng badminton na pinaikot-ikot sa mga palad niya habang seryosong nakatitig sa akin.
Nakasuot siya ng blue jogging pants at pink na jacket, naka pony tail ang kulot niyang buhok kaya libreng gumala ang paningin ko sa maputi niyang mukha.
Bakit ganoon, maganda pa rin siya kahit na may pawis ang noo at ibabaw ng ilong niya? Nang dumako ang paningin ko sa labi niya ay saka ko nakita ang pagbuka ng mga iyon at narinig ko ang malamig niyang boses.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!