Chapter 22

13 3 0
                                    

STILL

"Bakit matamlay ang binatilyo ko?" Napangiwi ako sa tinuran ni Inay.

"May problema ba? Pwede mong itanong kay Nanay," inayos niya ang buhok kong may kataasan m at pinunasan ang pawis sa aking noo.

Kailangan ko na namang bumisita sa barber shop.

Alas singko na ng umaga at abala kami sa panininda dito sa palengke. Pagkatapos kong magbigay ng sukli sa isang customer ay nginitian ko siya.

"Ayos lang ako, Nay, matamlay lang talaga ang pakiramdam ko." Umirap ang inay sa aking harapan at pinamewangan ako.

"Ikaw ba lalaki, nakakalimutan mong Nanay mo'ko? Kahit itago mo pa, mapapansin at mapapansin ko pa rin kung may pinoproblema ka."

Nanay ko nga pala ang kausap ko, ang taong mas nakakilala sa aking buong pagkatao.

Napabuntong hininga ako at uminom muna ng tubig bago nagsalita.

"Nay, may mga naging kaklase po ba kayo na ang relihiyon ay Islam?" Napalunok ako sa sariling tanong.

Animo'y nag-isip siya saglit at ngumiti sa akin.

"Meron naman pero mabibilang lang sa daliri kung gaano sila karami,"

Napatango-tango ako sa sinagot ng Nanay.

"Bakit? May nakilala kang Muslim?" Iniwas ko ang aking mga mata at tumungo.

"Meron po,"

"Naku, huwag kang mag-alala. Mababait naman silang tao at masayang kasama. Huwag mo lang isipin ang pagkakaiba ninyo at magkaroon kayo ng respeto sa bawat paniniwala ay magiging mabuti kayong magkaibigan,"

"Alam mo bang ang Class Valedictorian namin sa high school ay isang Muslim? At lahat kami ay namamangha talaga ng sobra sakaniya, napakagaan niyang kausap at palakaibigan din. Ni hindi niya pinipili ang mga nagiging kausap niya, nakakasabay din siya sa lahat ng kalokohan at napakaganda niya. Para siyang manika dahil napakakinis ng kaniyang mukha na halos namumula lang kapag naiinitan siya," napangiti ako sa ibinahagi ni Inay.

Naalala ko si Farhana, mayroon din siyang mga kaibigan at halos lahat ng mga kaklase namin ay kinakaibigan din niya. May mga panahon lang talaga na tila napakaseryoso niya at minsan din ay natutulog siya sa loob ng silid sa tuwing may bakanteng oras.

Ngunit hindi naman alam ng mga kaklase ko na iba ang relihiyon at paniniwala niya. Hindi rin naman kasi niya pinagsabi. Ang akala ng lahat ay parehas lamang namin siya.

Ngayon ko lang napagtanto, kaya iba ang kutis niya, iba rin ang kaniyang ganda. Yung uri ng ganda na minsan mo lang makita. Yung ganda na mabibighani ka talaga.

Nakagat ko ang aking labi ng maalala ang sinabi niyang may gusto rin siya sa akin ngunit kaagad ding napawi nang maalala ang sinabi niyang hindi kami nababagay na dalawa.

Bakit niya nasabi iyon? Bakit niya sinabing hindi kami bagay? Iyon ang isa sa mga rason kung bakit hanggang ngayon ay nagugulumihanan pa rin ako. Gusto namin ang isa't-isa, gusto ko na rin siyang ligawan kung sakali ngunit bakit niya sinabing hindi kami bagay? Relihiyon lamang pinagkaiba naming dalawa.

Sinulyapan ko ang Nanay bago hinanda ang sarili sa susunod na tanong.

"Nay, may mga nagkakarelasyon ho bang Islam at Kristiyano?" Napakunot-noo ako nang makitang nanigas ang Nanay sa kinatatayuan.

"Meron naman," simple niyang sagot ngunit hindi na niya dinagdagan.

"Nagtatagal ho ba sila? May mga umaabot ho ba ng kasalan kahit na magkaiba sila ng relihiyon?" Kunot-noong hinarap niya ako.

INTERTWINED (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon