PROMISES
Pagsapit ng lunes ay halos hindi maampat ang ngiti ko na kahit noong nagtitinda ako sa palengke ay nakangiti ako.
Kahit may ilang customers na parang binagsakan ng langit at lupa ay binahagian ko ng saya sa araw na iyon. Dahil sa nag-uumapaw na saya sa puso ko.
Nakahalata rin pati si Inay ngunit hindi ko sinabi sakaniya ang totoong dahilan dahil balak kong grumaduate muna ng high school bago sabihin sakaniya na may girlfriend na ang binatilyo niya.
Nang gabing iyon nang makauwi ako sa bahay ay ganado akong tumulong at ako pa ang nagluto sa aming hapunan, nakangiti ako habang gumagawa ng mga assignments. Pati sa pagtulog ay parang kinikiliti ang buo kong sistema sa kakaisip na girlfriend ko na nga si Farhana Khalel.
Iniisip ko kung ano nga ba ang ginagawa ng mga magkasintahan? Ano ang kadalasang pinag-uusapan?
Ganado akong naligo at pinaghanda ng agahan ang dalawa kong bunso na nahawa na rin sa kaligayahang nararamdaman ko na halos wala ng pagsidlan.
"Wow, ang sarap naman niyan kuya. Para saan yan?" Tanong ni Kimverly na nakatunghay sa ginagawa ko.
Kasalukuyan kong inaayos ang kanin at ulam sa dalawang baunan para mas magandang tignan. Mayroon iyong mga gulay at isang slice ng fried chicken, ibibigay ko sa girlfriend ko mamayang tanghalian.
Bahagya akong humagikhik sa naisip.
Girlfriend ko, kay sarap sabihin.
"Baon lang to ni Kuya."
"Eh bakit dalawa?" Nakakunot-noong tanong ni Kimverly.
"Dahil nagugutom ako ng sobra at hindi kasya sa akin ang isang baon lang."
Alam kong masama ang magsinungaling sa mga kapatid ko pero alam kong pagdating ng panahon na magkakagusto rin sila ay maiintindihan nila ang ginagawa ko ngayon. Pagkatapos kong maghanda ay sabay kaming lumabas ng mga kapatid ko at kasalukuyang naglalakad sa daan nang may nakasalubong kami.
"Hi baby Ianne!" Magiliw na bati ni Farhana habang kumakaway kay Marianne na nakahawak sa kamay ko.
"Hi po ate Hana!" Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil papaanong kilala ng kapatid ko ang girlfriend ko? Hindi ko pa naipakilala si Farhana sakanila at may nickname pa talaga?
"Papasok na ba kayo kasama ng ate Kimverly mo?" Tumango naman ang bunso ko at si Kimverly ang sumagot.
"Opo ate Hana, hinahatid kami ni kuya doon sa pangalawang kanto." Ngumiti si Farhana at ginulo ang buhok ng dalawa kong bunso.
"Tara, sabay na tayong pumasok."
Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita. Bakit kung mag-usap sila ay parang kilalang-kilala nila ang girlfriend ko?
Nakakapit sa kaliwang braso ni Farhana si Kimverly at si Marianne naman sa kanan habang naglalakad silang tatlo at nag-uusap ng kung ano-ano.
Siguro ay tatanungin ko siya kapag kami nalang dalawa kung papaano siya nakilala ng mga kapatid ko.
Pinagmasdan ko ang kabuoan niya habang masaya silang nagkukwentuhan ng mga kapatid ko.
Napapangiti ako, kay ganda ng girlfriend ko kahit sa simpleng uniporme at ipit na hugis rosas sa kaniyang ulo.
Napapansin ko na rin na mahilig siya sa ipit na bulaklak ang hugis.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang girlfriend ko na nga si Farhana, ah, kay sarap isipin. Girlfriend ko. Natawa ako ng bahagya.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!