HELP
"Nasaang ospital raw ho sila?" Natatarantang tanong ko nang sabihin ng isang customer namin sa palengke na sinugod ang nakababatang kapatid ni Eduardo na si Christine kaninang madaling araw.
"Sa City Hospital raw sila pupunta, nanghiram pa nga sila ng pamasahe sa akin kaninang madaling araw." Anito na tuloy pa rin sa pamimili ng mga gulay.
Naramdaman kong tinapik ako ni Inay sa likod.
"Puntahan mo muna ang kaibigan mo, samahan mo siya. Paniguradong kailangan niya ng makakausap ngayon." Ngumiti ako kay Inay lalo na nang abutan niya ako ng pera para sa pamasahe.
Ngunit nag-aalala ako kung maiiwan si Inay ay wala siyang katuwang sa pagtitinda.
"Sigurado kayo, Nay? Maiiwan kayo rito." Inayos niya ang suot na apron at hinarap ang bagong customer.
"Pupunta naman mamaya ang mga kapatid mo kaya larga na, ayos lang ako rito." Tumango ako at niyakap siya saglit bago nagmamadaling pumara ng jeep para puntahan si King at Ryan.
Matanda na ang tatay ni Eduardo at wala ng trabaho habang sakitin naman ang nakababatang kapatid nitong si Christine. Batid kong sa mga oras na to ay nag-iisa siya sa ospital at gulong-gulo na ang isip.
Halos mainis pa ako sa jeep dahil sa bagal ng takbo nito. Nang makarating sa bahay nila King ay sunod naming pinuntahan ay si Ryan na pinadalhan ng mga prutas na mayroon sila at kanin at ulam.
"Sunod-sunod na itong dagok sa buhay ng kaibigan natin." Bagsak ang balikat na sambit ni Ryan.
"Iniwan na nga siya ni Andrea tapos may ganito pa." Sabi naman ni King.
"Kailangan lang natin siyang samahan ngayon, paniguradong naguguluhan siya sa mga oras na to." Sabay kaming napabuntong-hininga.
Nang makarating ang sinasakyan namin ay halos takbuhin namin papasok at nagpunta sa nurse station para magtanng kung nasaan ang kwartong inuukupa nila. Nang malaman iyon ay kaagad kaming nagtungo doon at naabutan namin si Eduardo na nasa labas at nakasalampak sa sahig at wala sarili habang umiiyak.
"Ed." Tawag ni Ryan dito ngunit parang wala itong narinig dahil nakatulala lang ito kawalan. Magulo ang kaniyang buhok at halos napunit ang damit.
Lumapit kami sa kinaroroonan niya, umupo si King sa tabi niya habang ako at si Ryan ay nakatayo sa kaniyang harapan at doon namin nakita ang tumutulo niyang luha pero nakatulala lang siya.
Halatang wala pa siyang tulog at kain.
"Ed." Tawag ni King sakaniya at tinapik siya sa balikat.
Sa pagkakataong ito ay para siyang nagulat na makita kami sa harapan niya.
"Oh, kayo pala." Aniya at pinunasan ang luha gamit ang likod ng kaniyang palad at suminghot sabay ngumiti ng tipid. "Bakit kayo nandito?"
Parang piniga ang puso ko sa nakikita kong hitsura niya ngayon. Nawawala siya sa sarili niya at hindi alam ang gagawin sa napakalaking dagok na ito ng buhay niya.
"Kumusta si Christine?" Tanong ko at naupo sa sahig kaharap niya. "May dala nga pala kaming pagkain para sainyo."
Mahina siyang tumawa at inayos ang t-shirt na suot.
"Salamat. Kanina pa kasi ako nag-iisip kung anong kakainin ni Tine." Aniya at kinuha ang maliit na bag at tumayo saka pumasok sa kaharap na pinto. Nagkatinginan kaming tatlo bago sumunod kay Eduardo papasok.
Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko ng makita ang walang ka laban-laban at payat na batang si Christine na nakaratay sa hospital bed at may oxygen mask sa bibig.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!