NOTICE
"Kamusta ang unang araw mo?" Nakangiting tanong ni Inay habang nilalagay sa supot ang mga biniling gulay ng customer.
Napailing ako at sinuot ang sariling apron.
"Inay naman para naman akong kinder kung tanungin mo."
Nagtawanan sila kasama yung ibang suki namin na kasalukuyang pumipili.
"Ano ka ba hijo, syempre nagtatanong lang ang nanay baka kung napaano ang bata!" Halakhak ng isa sa mga bumibili.
"Ay naku mare, tama ka," sabi naman ni Inay at inakbayan ako.
"Kahit na palaging sinasabi ng anak kong binatilyo na siya eh, bata parin ang tingin ko sakaniya!"
Napailing-iling na lamang ako at hinayaan silang magkuwentuhan habang hinaharap ko naman ang iba pang customer.
Hanggang alas nuebe ng gabi kami sa palengke at kagagaling ko lang sa skwelahan. Ngayong may pasok na ako ay kailangan kong tumulong sa madaling araw at hapon dahil ang dalawa kong bunsong kapatid ay nakatoka sa bahay.
Kahit na maliit lamang itong aming pwesto ay masasabi ko namang natutustusan nito ang pangangailangan namin sa pang araw-araw. Sa halos sampung taon na pagtitinda ay marami-rami na rin kaming nga costumers na kalaunan ay naging suki.
"Ito lang ba lahat?" Tanong ko sa isang bumibili nang ipasa niya sa akin ang mga bibilhin para ilagay sa supot. Tumango naman ang costumer at inabot ang sariling bayad.
Abala ako sa pagbabalot sa iba pang gulau nang may mahagip ang mata ko at bahagyang nagulat ng makita siya.
Kaagad kong tinapos ang ginagawa para matignan siya ng husto. May kasama siyang lalaki na may hawak-hawak na maliit na notebook at abala sa pagsusulat doon habang siya ay kinakausap ito at nakabusangot ang mukha.
Tinitigan ko siya ng mabuti, makinis at maputi ang bilog na maliit niyang mukha. Sakto lang ang hugis ng kaniyang mga mata at may matangos na ilong. Nahiya naman ang ilong kong nalalagyan lang ng salamin kapag hindi tutungo.
Ang malaman ang kabuoan ng mukha niya kahit nasa malayong distansiya ay hindi ko alam kung paano ko nagagawa, basta ang tanging alam ko ay nagagandahan ako sakaniya.
Napansin kong pinalibot niya ang tingin sa kabuoan ng palengke at hindi ko alam kung bakit ako tumungo bigla para magtago sa papag.
Tinanong pa ako ni Inay kung ano ang ginagawa ko pero hindi ko siya sinagot. Sumilip ako ng kaunti kung nandoon pa ba siya at nakahinga ng maluwag nang makitang wala na siya roon.
Ano ba itong ginagawa ko? Bakit naman ako natatakot na makita niya? Ano bang nangyayari sa akin? Bumalik ako sa pagtitinda ng dumami ulit ang mga bumibili.
"Maniningil na kami," Napapihit ako paharap sa nagsalita at bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Farhana na nakatayo sa aking harap kasama iyong lalaki kanina na abala nanaman sa hawak na maliit na notebook.
Sinulyapan niya ako habang bumubulong ng kung ano sa kasama at nagtaka ako ng sumagot iyong lalaki habang tumatawa pero iba ang lenggwaheng gamit nila.
"Salamat ho." Sabi ni Farhana habang nakatingin kay inay at tipid naman siyang ngumiti sa akin bago umalis. Tinitigan ko siya nang tumalikod, suot niya pa rin iyong uniporme namin. Binalingan ko si Inay at hindi napigilan ang magtanong.
"Ano yun?"
"Ah, sila iyong sinasabi ko sa'yong nagpapautang ng five-six."
"Ha? Hindi mo naman sinabi sa akin nay!" Humagikhik siya sa harap ko habang tinitigan siya ng masama.
BINABASA MO ANG
INTERTWINED (UNDER REVISION)
Teen FictionLove has no boundaries, they say, but when Ali met Farhana, he discovered that love has a lot of unbreakable boundaries. Would he fight his love for her even it means paying his life as a tribute just to have her? READ INTERTWINED NOW!