Chapter 4: Not my type

960 31 5
                                        

Savannah Ysabel's

Hindi na nakabalik yung prof namin kasi may biglaang meeting daw. Kaya hindi na rin bumalik si Sky.

Ganun na ba talaga yung inis niya sakin kaya hindi na siya bumalik? Grabe siya oh.

"Sasama ka mamaya?" Tanong sakin ni Aya.

Every Friday kasi pumupunta kami sa bar nila. Kaya lang naman kami pumunta kahapon kasi nga broken ako.

"Oo naman!" Sagot ko.

Kasalukuyang nag didiscuss yung prof namin ngayon. Ito na yung last subj namin.

"Seryoso ka? Eh diba pinagalitan ka?" Dani said.

"Basta sasama ako. Bahala na" Sabi ko sakanila. Nanahimik na sila at nakinig na lang kami ulit.

After ng class nag ayos agad kami at dumiretso na agad sa sasakyan ni Aya. Nakaka drive na sila kasi may license na sila samantala ako wala pa kasi 17 palang ako sila 18 na. Ako na bunso.

Habang nasa parking lot nakita ako ni kuya Paolo. Kasama niya ang mga kaibigan niya.

"Hoy Ysa umuwi ka na!" Sigaw niya sakin.

"Pupunta lang kami kala Aya. May group project kami" Sabi ko sakanya.

"Group project? Lokohin mo lelang mo!" Sabi niya sakin.

"Bahala ka na. Bye!" Sabi ko at sumakay na sa sasakya ni Aya. Wala naman na yang magagawa.

"Nako naman Ysa lago kami sa mga kuya mo" Sabi sakin ni Dani na nasa back seat.

"Wag kayo mag alala ako bahala dun" Sabi ko sakanila.

Mga ilang minuto palang nakarating na kami sa bar na pag mamay ari ng parents ni Aya.

Umupo muna kami sa may bar counter at nag kwentuhan. Maaga pa naman kasi.

Habang nag kwekwentuhan kami biglang dumating sina Tristan and Carlo. Yang dalawang yan andito yan para makipag landian sa mga babae. Tss.

"Asan si Sky?" Tanong ko sakanila.

"Grabe ka naman Ysa. Wala man lang hi?" Tristan said. Pero inirapan ko lang siya.

"Hindi nga siya pumupunta dito diba" Sabi ni Carlo then tumabi na sila samin.

"Hoy Ysa may gusto ka ba kay Sky?" Tanong sakin ni Dani.

"Gusto? Agad agad? Hindi ba pwedeng na cucurios ako?" Sagot ko sakanila.

"Ah na chachallenge ka kasi di umuubra yung charm mo sakanya" Sabi naman ni Aya.

"Nako impossible yan. Napaka bato ng puso ni Sky" Carlo said.

"Tss. Pag dating kay Savannah Ysabel walang bato bato!" Sabi ko sakanila. Napailing na lang sila.

Ganun ba talaga kahirap palambutin ang puso ng isang Skyler Yohan?

Nag start na kami uminom and mag kwentuhan. Dito muna samin sila Tristan kasi wala naman daw chics. Nako mag seryoso na nga sila.

Kinuha ko naman ang phone ko then I dialed Sky's number.

[Who's this?] Yun agad ang bumungad sakin nung sagutin niya yung call.

"Grabe ka naman. Wala man lang hello or hi"

[Wtf?! Sino ba toh?!]

"Eto naman highblood agad!"

[If you won't tell me who you are I'll end this call]

"Ako lang naman po si Savannah Ysabel ang pinaka magandang babae sa buhay mo"

[Savannah who?] Ay grabe siya di ako matandaan.

"Si Ysa, yung sa masscom!" Nanahimik naman siya saglit.

[How did you get my number?]

"Magic" Halata naman na nainis siya sinabi ko. Sarap talaga nitong asarin.

[By-]

"Wait wait! May tanong ako!"

[What is it?]

"Is there a possibility that you'll fall for me?" Dire-diretso kong sabi. Napatingin sakin sila Tristan dahil sa sinabi ko.

They're giving me what-the-hell-are-you-doing look.

[What?! High ka ba?!]

"Hindi noh! Seryoso ako. Sagutin mo na lang tanong ko"

[Of course not!]

"And why is that? Bakla ka ba?" Yung mga kaibigan ko parang mga tanga na nag aabang.

[What the hell? No!]

"Eh bakit nga wala akong chance?"

[Because you're not my type]

Ouch.

Mag sasalita pa sana ako kaso binaba na niya yung tawag.

"Oh ano sabi?" Tanong ni Dani.

"Di daw niya ako type eh" Sagot ko.

"Oh diba. Sabi ko sayo. Napaka harsh talaga nun ni Sky" Tristan said.

"Kaya wag mo ng pag pilitan sarili mo. Masakit diba?" Sabi naman ni Carlo.

"Hindi masakit okay. Wala akong pake sa sinabi niya. Nag aalala nga ako sakanya eh" Sabi ko sakanila.

"Huh? Bat ka naman nag aalala dun?" Nagtatakang tanong sakin ni Aya.

"Kasi parang napapansin ko sakanya. Ang lungkot ng buhay niya. Di siya nag eenjoy. Masyado siyang seryoso. The way he acts alam mong may problema" Explain ko sakanila.

"Eh di sana nag psych ka na lang" Asar sakin ni Dani.

"Seryoso kasi ako."

"Eh ano bang balak mo?" Tanong sakin ni Tristan.

"I'll make him enjoy life" I said.

"How? You'll make him fall for you" Nagulat ako sa sinabi ni Dani.

"Medyo? Look. Para sakanya toh noh. And kahit mag pa fall ako di mahuhulog yun. Napaka tigas ng puso nun! I reready ko lang siya para sa babaeng mamahalin niya sa future" Sabi ko sakanila.

"Sure ka bang di mo siya gusto?" Tanong sakin ni Aya. I just nodded.

"Bahala ka diyan Ysa. Basta ito lang masasabi namin Goodluck!" Carlo said.

Kaya ko toh. Hindi ko naman siya gusto eh kaya kahit hindi siya ma fall sakin. Okay lang. Excuse me noh di ko rin naman siya type.

If We Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon