Chapter 32: Reality

599 25 13
                                        

Savannah Ysabel's

"Hindi pa ba pumapasok si Sky?" Tanong sakin ni Dani. Napatigil tuloy ako sa pag susulat ng seatwork. Wala kasi kaming prof

"Hindi pa eh" Sagot ko sakanila. 

"Magka away ba kayo?" Tanong naman ni Aya. Umiling naman ako. 

Mag kaaway ba kami? Ang alam ko hindi naman. 3 days ng hindi pumapasok si Sky at hindi ko alam kung ano ng nangyayari sakanya. Nung nakita namin sila kuya sa parking lot nag usap pa naman kami nung gabing yun pero natulog agad siya kasi daw masama pakiramdam niya. Then after nun tinext ko siya hindi na siya nag reply. 

After namin tapusin yung seatwork, umalis na rin kami last class na rin kasi namin ito. Habang nag lalakad sa hallway nakita namin sila Tristan at Carlo. Wala parin talaga si Sky.

"Ysa! Pwede mo ba tong madaan kay Sky? Ito kasi yung revisions ng thesis namin. Sinulatan na ng prof namin eh" Sabi sakin ni Tristan at inabot yung papel. 

"Sige ako na bahala mag bigay sakanya nito para madalaw ko na rin siya"Sabi ko sakanila. 

"Sige sige alis na kami! Ingat kayo!" Carlo said then umalis na sila. 

"Sure ka bang hindi talaga kayo nag aaway ha?" Pangungulit ni Aya sakin. 

"Oo nga pansin namin sayo parang ang lungkot mo" Sabi naman ni Dani. 

"Promise wala kaming problema. Baka nga may sakit lang talaga siya" Sabi ko sakanila. Yun ang gusto kong paniwalaan this past few days. 

"Sige na nga, hatid ka na namin kala Sky" Dani said at pumayag naman ako.

Tinext ko sila Kuya na dadaan lang ako kala Sky at si Dani na lang ang mga hahatid sakin. Pumayag naman sila. 

Nang makarating kami sa harap ng bahay nila Sky, sinumulan akong kabahan. Kinakabahan ako sa pwedeng maabutan o sa pwedeng mangyari sakin dito. 

"Kung may kailangan ka, tawagan mo lang kami ah?" Dani said. 

"Oo naman. Thank you ha" I said then nag paalam na ako at bumaba. 

Pagka door bell ko agad akong pinagbuksan ng isa sa mga katulong nila. Medyo kilala na rin kasi ako dito pag dinadala ni Sky. Kaso nga pag dinadala niya ako dito wala naman parents niya. 

Pag pasok ko ng pinto agad kong nakita ang mommy niya si Tita Irene. Nginitian naman niya agad ako. 

"Savannah iha, napadaan ka?" Sabi ng mommy niya sakin at bineso ako. 

"Ibibigay ko lang po sana toh kay Sky. Hindi pa po kasi siya pumapasok" Sabi ko kay Tita Irene. Mag sasalita na sana siya ng may biglang dumating na lalaki na chinito na kamukang kamuka ni Sky at ng Kuya niya. 

"Who is it?" Tanong ng Dad niya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.Feeling ko hindi ako makahinga. 

"Hon, si Savannah nga pala, kaibigan ni Sky. Dinala niya lang yung paper na kailangan ni Sky" Pakilala ni Tita Irene sakin,

"It was nice meeting you po sir" Sabi ko sakanya. He didn't say anything. He just nodded and umalis na siya. Expected ko na to. 

"Tara iha join us for dinner" Nagulat naman ako sa sinabi ni Tita. 

"Na-ko wag na po nakakahiya naman" Sabi ko.Kahit gusto kong makita si Sky eh andiyan palang daddy niya hihimatayin na ako. 

"Nako. Sige na. Tutal dinala mo naman ang paper ni Sky dito. Sige na please?" Pakiusap sakin ni Tita. Wala namna akong nagawa kaya pumayag na lang ako. 

Pumunta na kami sa dining area nila. Andun na ang daddy ni Sky na busy makipag usap sa phone. Umupo na lang ako sa isa sa mga chairs kung saan ako dinala ni Tita. Napansin ko naman na wala si Mama Martha. Usually kasi siya ang sumasalubong sakin dito palagi. 

"Wait na natin sila, pababa na rin sila"Tita Irene said. Sila? Baka sila ni Ellie. 

"Where is my apo by the way?" Tanong ng Daddy ni Sky kay Tita. 

"She's at the mall kasama ang mommy niya and si Martha" Tita Irene answered. He just nodded. 

"Oh there they are!" Napatingin naman ako sa bagong dating sa dining room. 

Halos hindi ako makahinga sa nakita ko. 

Si Sky. Kasama niya ang babae na nakita namin sa parking lot. Nakahawak pa ito sa braso niya. 

Anong ginagawa niya dito?

Napatingin naman silang dalawa sakin, at halatang nagulat sila na makita ako dito. Kasunod naman si Kuya Brandon na mukang nagulat din. 

"Sky! Andito pala ang kaibigan mo, dinala niya yung paper mo sa thesis" Tita Irene said. Kaibigan. Hanggang dun lang ba talaga ako sa buhay niya? Walang sinabi si Sky. He just nodded and umupo na sila. 

Katabi ko si Tita Irene then kaharap ko naman ang dalawa, tapos nasa kabilang dulo si Kuya Brandon. 

Tahimi lang ako habang kumakain kami. Wala naman akong pwede sabihin sakanila eh. Nakikita ko naman na nilalagyan ng pagkain nung babae si Sky. 

"So Anna, naayos mo na ba ang papers mo para sa school?' Tanong ni Tito Jonas. So siya pala yung Anna. 

"Yes po tito. Bukas po makakapasok na ako sa school." Sagot ni Anna.

"Well that's good. Same na kayo ni Sky ng school and course" Tito Jonas said. So lumipat na siya sa school namin? 

"Syempre kailangan nilang bawiin ang mga panahon na magkahiwalay sila" Nakangiting sabi ni Tita Irene. Sino ka ba Anna? Ano ko ba sa past ni Sky? 

"So Savannah, anong kinukuha mong course?" Nagulat ako ng bigla akong tinanong ng Daddy ni Sky. 

"Mass communication po" Sagot ko. Ramdam ko naman na nakatingin sakin si Sky. Pero hindi ako makatingin sakanya. 

"Mass communication lang? Why didn't you try other courses?" Lang? Lang ba ang masscom sa Daddy ni Sky? Wag niyang maliitin ang pagod namin makagawa lang ng isang successful na show or event. Or ang pag memorize namin sa bawat theories. 

"I like making movies po kasi eh. It's my passion" I did my best na sagutin siya ng maayos. Wala naman na siyang sinabi. He just nodded. 

"I think kailangan mong i hatid sundo si Anna. She just went back here. Hindi na niya ganun kabisado dito" Bat ako nasasaktan sa sinabi ng Daddy niya? Iniisip ko pa lang na may iba na siyang ihahatid at susunduin nasasaktan na ako. 

"Oo naman Dad. I don't see any reason para tumanggi si Sky. Knowning him he wants Anna to be safe always" Kuya Brandon said then tumingin siya saakin then agad na umiwas. 

Sinasadya niya ba talaga na saktan ako?

During the whole dinner sila lang ang nag uusap. Paminsan minsan nagkakatinginan kami ni Sky. Pero agad kaming umiiwas. Gusto ko na sana umalis habang kumakain kaso ayoko maging bastos. 

Nang tapos na kami kumain, kinuha ko ang phone ko at nag kunwaring may nag text. 

"Una na po ako, hinahanap na po kasi ng mga kuya ko. Thank you po sa dinner" Magalang na paalam ko sakanila. 

"Ay sayang naman. Sige iha mag iingat ka. I'll accompany you outside" Tita Irene said. 

"Ay wag na po okay lang" Sabi ko.

"I'll do it" Biglang sabi ni Kuya Brandon. Wala naman akong nagawa kaya umalis na ako ng dining area na kasama siya. 

Pagka labas ko ng gate bigla siya nagsalita.  

"This is the reality Savannah, you just have to accept it" He said then sinira niya ang gate. 

At dun na nag simulang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. 


If We Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon