Savannah Ysabel's
Wala akong ibang ginawa buong summer kung di humilata sa bahay, tulungan si lola,puntahan si lolo bernie at makasama si Sky sa bahay.
Katulad ngayon andito si Sky sa kwarto ko nakahiga. Nakatulog na siya. Ang daldal niya kasi kanina. Ganito palagi niyang ginagawa mag kwekwento siya hanggang makatulog siya. Ako naman pinapanood ko lang siya.
Okay lang naman kala Lola na andito si Sky, basta alam na daw namin ang mali at tama. Atsaka iniiwan na lang namin bukas ang pintuan para naman pakita talaga sakanila na wala kaming masamang ginagawa lalong lalo na kala Kuya.
"Apo" Mahinang tawag sakin ni Lola. Tumayo naman ako at nag bless sakanya. Kakagaling lang niya kasi sa hospital para sa monthly check up niya. Sinamahan siya ni Kuya Sean pero mukang umalis ulit si Kuya.
"Nag meryenda na ba kayo? Kumain na kayo sa baba pag nagising na si Sky" Sabi sakin ni Lola.
"Sige po La. Magpahinga na rin po kayo" Sabi ko sakanya. Nag tungo naman siya sa kwarto niya para makapag pahinga na.
Bumalik na ako sa paghiga sa kama ko, katabi si Sky.
"Wag mo ako masyadong titigan, baka matunawa ako niyan" Nagulat naman ako ng bigla siyang nag salita. Nakapikit parin ang mga mata niya.
"Ang feeler mo noh!" Sabi ko sakanya. Minulat na niya ang mga chinito niyang mata at umupo ng maayos sa kama.
"Really? Kaya pala hindi ka natutulog. All you do is stare at me. Inlove ka na ba?" Asar niya sakin. Kumuha naman ako ng unan at inihampas ko sa muka niya.
"Fuck. Not my beautiful face!" He said.
"Beautiful face mo muka mo!" Sigaw ko sakanya.
"Bat ba ang sungit mo ha? Meron ka ba? Next week ka pa diba" Sabi niya.
Alam niya kung kung kelan ang monthly period ko. Nakakahiya nung una syempre pero nakasanayan ko na lang din. Atsaka mas okay yun kasi pag meron ako todo alaga siya sakin.
"Bakit pag meron lang ba pwede ako mag sungit?!" Inis na sabi ko sakanya.
"Ah! Alam ko na kung bakit. Tinulugan kasi kita. Sorry na baby love eto pwede na ulit tayo mag lambingan" He said.
"Ang hangin mo talaga noh?"
"Tama na nga yan. Let's just go downstairs and eat" He said then hinawakan niya ang kamay ko at tumayo na kami sa kama.
"Bat ka ba palaging andito? Hindi ka ba hinahanap sainyo?" Tanong ko sakanya habang kumakain kami ngayon.
Gustong gusto niya talaga ang mga hinahanda sakanya ni Lola. Lalong lalo na yung pancit bato. Hindi ko nga ini-expect na magugustuha niya ito eh.
"Hindi. Hayaan mo sila" Tipid niyang sagot.
Si Elle at Mama Martha nga lang ang nakilala ko eh.Well ang Kuya rin naman niya kaso he doesn't like me. Kaya nga siguro hanggang ngayon hindi ko pa nakikilala parents niya. Malamang kung ang Kuya niya eh ayaw sakin pano pa sila diba.
Sobrang daming nag bago samin ni Sky. Kung dati siya ang nag susungit. Ngayon ako naman. Ewan ko ba. Siguro ito lang yung way ko para hindi ganun mahulog sakanya. Kahit alam ko sa sarili ko na hulog na hulog na ako sakanya.
Maya maya dumating na sila Kuya. Mukang nakipag kita sila sa mga kaibigan nila.
"Oh bro andito ka pa pala" Sabi ni Kuya Zach sakanya.
"Yup. Napasarap tulog ko eh" Sagot ni Sky. Kahit si Sky pati ang mga Kuya ko eh nagiging close na rin sila. Palagi nilang nakakasamang mag laro si Sky ng basketball.
"Oo nga pala Ysa. Pinapatanong ni mommy kung ano daw balak mo sa debut mo" Tanong sakin ni Kuya Zach.
Ayan nanaman sila. Dati pa nila ako kinukulit na mag debut. Sinabi ko sakanila dati pa na ayoko na mag celebrate ng bongga. Mapapa gastos lang sila Tita nun.
"Diba Kuya sabi ko ayoko nga" Sagot ko sakanya.
"Sure ka ba diyan? Nag pupumilit sila Mommy eh. Ikaw na nga lang nag iisang baby girl namin ayaw mo pa mag debut" Kuya Sean said.
"Oo nga may 1 month pa. Kaya pa yun" Sabat naman ni Kuya Zach.
"Hay nako. Okay nga lang sakin. Mas okay na tayo tayo lang sa birthday ko. Mas gusto ko mag bakasyon kasama kayo" Sabi ko sakanila. Napabuntong hininga naman sila.
"Sige. Kung yan ang gusto mo, sasabihin lang namin kala mommy." Kuya said. After nun tumaas na sila sa kwarto nila.
Pag lingon ko naman kay Sky nakatingin lang siya sakin habang nakangiti.
"What are you doing?" Tanong ko sakanya.
"I'm just admiring you" He said while looking at me. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Ewan ko sayo! Kumain ka na lang diyan" Yun na lang ang naisagot ko sakanya. Ano ba dapat sabihin ko? Kinikilig ako?
Pagkatapos niyang kumain nagpaalam na rin siya kala Kuya at Lola na aalis na siya. Hinatid ko na siya palabas ng bahay.
Pag labas namin ng bahay nagulat kami sa naabutan namin. Nakita namin ang tatay ko na mag do-door bell na sana.
Kahit si Sky nagulat. Na kwento ko na ang tungkol sa tatay ko pero hindi ko pa siya pinapakilala. Gusto niya. Pero ayoko. Para san pa.
"Mr. Sandoval?" Nagulat ako ng tawagin ni Sky ang tatay ko.
"Mr. Chua? Anong ginagawa mo dito?" Sabi naman nito sakanya.
"Te-ka magka kilala kayo?" Nagtatakang tanong ko sakanila.
"Yes. He's a family friend." Sagot naman sakin ni Sky.
"Ikaw Mr. Sandoval? Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong naman ni Sky sa tatay ko.
"I'm visiting my daughter." Sagot niya then tumingin sakin.
Palagi niya toh ginagawa. Kinukulit niya parin ako kahit pinagtatabuyan ko siya. Ayoko. Hindi pa talaga ako handa.
Gulat na gulat naman ang expresyon ni Sky. Na tila bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ng tatay ko. At parang ang lalim ng iniisip niya.
"Ikaw Mr. Chua? I'm surprised to see you here"
"Girl friend ko po ang anak niyo" Nagulat ako sa sinabi ni Sky. Kahit ang tatay ko. Nabatukan ko tuloy siya.
"Anong girlfriend?! Tumigil ka nga diyan!" Sita ko sakanya.
"Bakit baby love? Kinakahiya mo ba ako?" Pang aasar niya pa sakin. Inirapan ko na lang siya.
"Pasok muna po kayo. Hatid ko lang si Sky sa sasakyan niya" Sabi ko sa tatay ko. Nagpaalam naman na sila sa isa't isa ako naman inihatid ko na si Sky.
"I'm surprised to know that your father is Mr. Sandoval" Sabi sakin ni Sky. Pano ba naman isa rin na sikat na businessman ang tatay ko kaya pano niya di makilala.
Hindi ko siya sinagot. Wala ako sa mood para pag usapan ang tatay ko.
"Just give him a chance Savannah. He's a good guy you know" Sabi niya sakin. Hindi ko parin siya sinagot.
Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit. Sa sobrang tangkad niya rinig na rinig ko ang heartbeat.
"I'll always be here for you Savannah. I'll be your shoulder to cry on" He said.
Pano ko ba i-aahon ang sarili ko sayo Sky?
BINABASA MO ANG
If We Fall In Love
RomanceBOOK 1 Savannah Ysabel is a happy go lucky girl, but a hopeless romantic. She always break the rules and loves to explore. And there is Skyler Yohann a cold-hearted guy who is a rule abider. Can two people fall in love despite their differences?
