Chapter 12: Dangerous Game

702 25 10
                                    

Savannah Ysabel's

Wednesday ngayon at naglalakad ako ngayon papunta sa first class ko. Actually late na ng ako eh. It's already 9:30 at 9 ang start ng class ko.

At kung kelan ako late saka naman maaga ang prof ko ngayon. Kanina pa nga ako tinitext nila Dani. Pero wala akong pake. Bagalan ko pa eh.

Badtrip na badtrip kasi ako ngayon. Walang wala ako sa mood at kasalanan yun ni Kuya Zach kasi iniwan ako ba naman ako! Yan tuloy na late ako ngayon.

Ang sikip sikip pa naman ngayon sa lrt tas ang hirap pang sumakay. Tas malapit na akong maluto dahil sa kainitan sa pinas.

Pagpasok na pagpasok ko nakatingin lahat sakin ng mga ka block ko. Napansin ko naman na magkakasama sila Sky at ang mga kaibigan ko. Napatingin naman siya sakin pero umiwas ako.

Mukang hindi ako napansin ng prof namin kaya dumiretso nako kala Dani. Sanay na rin naman yan na late ako.

"Oh ang aga ng friend natin ah!" Asar sakin ni Dani. Hindi ko na lang pinansin umupo na lang ako sa tabi niya. Nasa harap ko ngayon si Sky.

"Anong meron?" Tanong ko sakanila.

"Groupings. Share share ganun. About sa genes and heredity. Tas susulat natin as a group tas ipapasa." Sagot sakin ni Aya. Dami naman alam. Nakakainks. For sure about nanaman toh sa magulang namin.

"Ganun. Wala akong ma share diyan. Kayo na lang" Bored kong sagot sakanya.

"Everyone must participate in this" Biglang sabi ni Sky. Naalala ko namaman yung nangyari nung Sunday. Simula nun hindi ko na siya kinuasap.

Halos umiyak nako kaka explain kala Kuya na hindi totoo yun. Pero sabi nila sakin wag ko na raw itanggi kasi pati si Sky umamin na.

"Well sorry for you, hindi lahat nakilala ang magulang nila" I said then nag walk out nako. Absent na rin ako sa attendance kaya lulubusin ko na lang.

Nakakainis siya. Ang insensitive niya. Andun naman siya ah nung sinabi ni Chanine na wala nakong magulang.

Pumunta na lang ako sa 4th floor restroom. Halos walang pumupunta dito. Nag lock ako sa isang cubicle at nag simula ng bumuhos ang mga luha ko.

Oo matapang ako pero may mga araw talaga na nanghihina ako pakiramdam ko ay nawawala ako. Na feeling ko hindi ako kumpleto.

Pinipilit ko naman na wag isipin masyado ang parents ko. Pero may mga oras na hindi talaga kayang iwasan.

After ng class tinext ako nila Dani na nasa field daw sila dun daw kami kakain. Kaya inayos ko ang sarili ko at pumunta doon.

Pero laking gulat ko na andun si Sky kasama ang mga kaibigan ko pati na rin sila Tristan.

Mukang wala naman na akong magagawa kaya umupo na lang ako sa tabi nila Aya.

"Uy Ysa anong kakainin mo?" Tanong saakin ni Dani.

"Ayoko. Busog pa ako" Tipid kong sagot. Hindi naman nila ako kinulit.

"Hoy Ysa!" Bigla akong kinabahan ng nakita ko si Kuya Zach na palapit satin.

"Kumain ka na? Bat wala kang pagkain diyan" Kuya Zach said.

"Ayoko kumain eh, bakit ba" Inis kong sabi ko sakanya. Naiirita parin ako sakanya dahil sa ginawa niya sakin na pag iwan kanina.

"Hoy Sky! Pakainin mo nga toh atsaka lambingin mo girlfriend mo ang init ng ulo eh" Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Zach. Kahit sila Tristan gulat na gulat pati yung mga ibang students.

Sinabihan ko rin sila Kuya na wag ipagkalat sa campus. Pero sa ngayon mukang wala silang balak sundin ako. Lagot talaga sakin si Kuya Sean!

"Napakatigas kasi talaga ng ulo ng love ko eh. Don't worry I'll take care of her" Sky said. Napanganga naman sila Dani sa sinabi niya.

"Omg sila na?! Kelan pa?!"

"Diba kaka hiwalay lang nila ni Marc?''

"Atsaka teka kelan pa nagkaron ng gusto si Sky? Eh napakalayo niyan sa tao"

Naririnig kong sabi ng mga student na malapit saamin. Bago pa ako makapag salita hinila na ako ni Sky patayo at kinaladkad palayo sakanila.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sakanya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Pero hindi niya ako pinansin. Binitawan na lang niya ako ng makarating kami sa canteen.

"Choose" He said. Napakunot naman aking noo.

"What?"

"Pumili ka na ng kakain mo. It's my treat" Sabi niya sakin habang hindi nakatingin.

"Ano akala mo sakin? Walang pera? May pangbili ako noh!" Sigaw ko sakanya. Mukang naiinis na rin siya sakin.

"It's my peace offering okay" Kalmado niyang sinabi. Muka naman siyang sincere kaya pumayag na lang ako.

Pagkatapos namin kumuha ng pagkain bumalik na kami sa bench kung saan andun yung mga kaibigan namin.

Pagdating namin sakanila lahat sila nakatingin samin.

"Totoo ba?! Kayo na?!" Tanong samin ni Dani.

"Hindi noh!" Sagot ko sakanila. Si Sky naman nakatingin lang samin.

"Oo hindi kayo. Pero nililigawan ka daw ni Sky?!" Sabi naman ni Aya.

"Wala namang masama pag umamin kayo eh" Sabi rin ni Tristan.

"Hindi nga kasi totoo! Ano ba" Inis kong sabi sakanila.

"Eh bat sabi ng Kuya mo? Sa bahay niyo pa nga natulog si Sky eh tas nagpakilala pa!" Dani said.

Mag sasalita pa sana ako kaso bigla akong inakbayan ni Sky.

"Yup. Nililigawan ko siya. Masyado kasi akong kinukulit eh" Sky said.

"Sky ano ba! Hindi nako nakikipag biruan sayo!" Inis na sabi ko sakanya at tinaggal yung kamay niya sa balikat ko.

"Oh? Tas ngayon ayaw mo na? You want this right?" He said. Nakatingin lang samin sila Dani. Nanahimik sila.

"Ano bang gusto mong mangyare ha?" Tanong ko sakanya.

" I want to play this game with you Savannah Ysabel" Kinabahan ako sa sinabi ni Sky.

"Huh? Ano bang laro ang pinag sasabi mo Sky" Sabi ko sakanya.

" You started this game right. Pagpapatuloy ko lang ang sinimulan mo. You're not the only one who can play this game. Watch out. Baka di mo mamalayan nahulog ka na" He said habang nakatingin ang mga chinito na mata niya sakin.

Pagkasabi niya nun tumayo na siya at umalis.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. May kakaiba akong naramdaman.

"Ako na mag sasabi sayo Ysa, this will be a dangerous game" Tristan said.

Ano ba tong pinasok ko?

If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon