Savannah Ysabel's
Saturday ngayon at papunta na kami ng palengke kasama sila Kuya. Hindi na sumama si Lola samin kasi hindi daw okay pakiramdam niya.
"Kelan nga ulit play mo?" Tanong sakin ni Kuya Paolo. Wala siyang pasok ngayon kaya kasama din namin siya. Si Kuya Zach lang ang naiwan sa bahay.
"Next week na kuya sa friday. Nood ka ha" Sabi ko sakanya.
"Sige. I'll bring her too" He said.
"Nako may kissing scene yan sa play" Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Sean. Pano niya nalaman yun?!
"Kissing scene?" Biglang naging seryoso ang tono ni Kuya Paolo.
"Pa-no mo nalaman yun? Atsaka pinaka tanggal ko na yun! Sabi ko di nako sasali kung may ganun." Explain ko sakanila. Nakakainis si Kuya Sean napaka daldal!
"Good. Hindi maganda na tignan na makipag kissing scene sa hindi mo naman boyfriend" Sabi sakin ni Kuya Paolo.
"Si sky lang pwede" Bulong ni Kuya Sean pero hindi ko ganun narinig.
"Ano sabi mo?" Tanong ko sakanya.
"Wala ang sabi ko ang panget mo" Sabi niya. Nangaasar nanaman siya kaya inirapan ko na lang siya.
After namin mamalangke nag pababa ako kung saan palagi kami kumakanta ni Lolo Bernie. This past few weeks kasi hindi ko na siya nadadalaw, ang daming nangyari tas sobrang busy ko pa.
Pag baba ko nag taka naman ako na wala dun sa lolo bernie sa dating pwesto namin. Pag mga ganitong oras andito na dapat siya.
Nag hintay na lang ako sa pwesto namin, baka na late lang ngayon si Lolo. Pero lagpas ng isang oras hindi parin siya dumadating. Sinisimulan na akong kabahan.
Lumagpas ang ilang minuto wala parin siya kaya nag decide akong puntahan siya sa bahay niya.
"Lolo Bernie!" Sigaw ko sa labas ng bahay niya. Naka lock kasi ito. Patuloy parin ako sa pag sigaw ng pangalan niya pero wala paring lumalabas na lolo bernie.
"Si Bernie ba ang iyong hanap?" Tanong sakin ng matandang babae na kapit bahay ni lolo bernie. Kilala ko siya, pag pumupunta ako dito.
"Opo. Asan po siya?"
"Nako nasa hospital siya ngayon" Nagulat ako sa sinabi niya. Nag simula akong kabahan, nararamdaman ko na unti unit tumutulo ang mga luha ko.
"P-0? Anong pong ginagawa niya dun? Na aksidente po ba siya?" Sunod sunod na tanong ko.
"Huwag ka mag alala iha. Ayos naman si Bernie. May pumuntang kaibigan siya dito. May nahanap na daw na eye donor si Bernie kaya idinala na siya sa hospital para ma operahan" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kaibigan? Sinong kaibigan yon?
"Alam niyo po ba kung saan hospital yun?" Tanong ko.
"Ikaw siguro ang tinutukoy ni Bernie na babae na baka mag hanap sakanya. Eto ang papel, andiyan ang hospital at ang room number" Sabi niya saakin sabay abot ng papel. Agad ko naman yun kinuha.
"Maraming salamat po!" Sabi ko at agad na umalis para dumiretso sa hospital. Nag taxi na lang ako para mas mabilis makarating. Buti na lang may dala akong pera.
Pag dating ko sa hospital agad akong dumiretso na kwarto ni Lolo Bernie. Pag pasok ko nakahiga siya sa hospital bed, at nakikinig sa music.
Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa 'tin
BINABASA MO ANG
If We Fall In Love
RomanceBOOK 1 Savannah Ysabel is a happy go lucky girl, but a hopeless romantic. She always break the rules and loves to explore. And there is Skyler Yohann a cold-hearted guy who is a rule abider. Can two people fall in love despite their differences?
