Chapter 19: New Feeling

677 32 12
                                        

Savannah Ysabel's

Simula na ng sports fest this week. At mamaya na ang first game namin. Kaya eto kabadong kabado ako. Never pa naman kasi ako nakalaro ng game dito. Nung highschool oo. Pero dati yun.

Pano pag di ako naka shoot? Pano pag nadapa ako?

"Ngayon game mo diba?" Tanong sakin ni Kuya Sean. I just nodded. Kakadating lang namin sa school.

"Sige manonood kami para ma witness namin na madapa ka" Asar sakin ni Kuya Zach. Tumawa naman sila.

Inirapan ko na lang sila. Itong dalawang toh wala na ibang ginawa kung di asarin ako. Hindi ko na sila pinansin, kinuha ko na lang ang gym bag ko at bumaba na lang ng sasakyan.

Nasa may benches daw ngayon sila Dani. Wala kaming class buong week kasi nga may games. Pero required kaming lahat manood. Mukang hindi naman na kailangan nila i require eh. Talagang inaabangan toh ng mga students.

Pag dating ko sa benches naabutan ko sila Aya na may ginagawa.

"Oh Ysa andiyan ka na pala!" Sabi sakin ni Aya.

"Ano ginagawa niyo?" Tanong ko sakanila.

"Ginagawan ka namin ng banner" Sagot sakin ni Dani.

"Ano?! Lalo ako niyan kakabahan eh" Sabi ko sakanila.

"Bakit ka ba kinakabahan? Eh magaling ka naman. First five ka diba?" Paalala sakin ni Aya.

"Kahit na! First time toh noh."

"Sus wag ka na mag isip diyan. Tara kain muna tayo para bago mag game may laman tiyan mo" Yaya ni Aya. Kaya lumabas muna kami ng campus para kumain sa malapit na Jollibee.

"Oo nga pala. Asan si Sky? Hindi ko pa siya nakikita ah" Tanong sakin ni Dani.

"Aba ewan ko dun." Walang gana kong sagot. Ganun naman yun eh lulubog lilitaw.

"Hey girls! May I join you?" Biglang sulpot naman ni Stephen.

"Sure" Sagot ni Aya.

Nilagay naman niya yung food niya sa table at umupo sa tabi ko.

"So it's your first game later?" Tanong sakin ni Stephen.

"Yup. Medyo kabado lang" Sabi ko sakanya.

"Don't worry kaya mo yan" He said then ginulo niya buhok ko. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Stephen may tanong ako" Biglang sabi naman ni Aya.

"Sure. Ano yun?"

"May gusto ka ba sa kaibigan ko?" Halos masamid ako sa narinig kong sinabi ni Aya.

"Aya! Huy!" Sita ko sakanya. Kahit kelan talaga hindi napipigilan bunganga nito. Si Stephen naman tawa ng tawa.

"Bat ka tumatawa? May nakakatwa ba?" Tanong sakanya ni Dani.

"Nothing. It's just that. Hay. I don't like your friend okay? I just want to be friends with her and sainyo. Parang kapatid na rin ang turing ko sakanya" Sagot niya.

"Kapatid?" Nagtataka kong tanong.

"Yes. You look like my sister" He said.

"Oo nga noh. Kung di lang only child tong si Ysa iisipin ko na mag kapatid kayo" Sabi samin ni Aya. Natawa na lang kami at kumain na.

Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami ng school. Nagpalit na rin ako ng panglaro kasi start na ng warm up. Medyo bumaba narin naman na yung kinain ko.

"Ysa! Dun lang kami sa bleachers ah?Good luck!!" Sabi ni Aya.

"Thank you!" Sabi ko sakanilang tatlo at umalis na sila.

Nag start na kami mag warm-up. Medyo nawala yung kaba ko kasi medyo na distract ako. Pero asan kaya si Sky? Kanina ko pa siya hinahanap. Hindi ko pa siya nakikita simulang kaninang umaga.

After ng warm-up pumasok na kami sa loob ng gym. Pag pasok namin ang dami na agad tao sa bleachers. Hindi ko na alam kung nasan banda mga kaibigan ko at sina Kuya. Buti na lang malabo mata ko.

Umupo na lang ako sa upuan ng players para naman mabawasan yung kaba na nararamdaman ko.

"Gusto mo?" Alok sakin ni Reg ng gatorade. Umiling naman ako. Hindi kasi ako umiinom niyan pag may game. Usually tubig lang talaga.

At shit nakalimutan ko bumili. Medyo tanga lang.

"Sure ka? Okay lang ano ka ba" Sabi niya.

"Hi-"

"Ysa" Napalingon naman agad ako sa nag salita. Hindi ko napigilan mapangiti ng makita ko si Sky. Napatayo naman ako.

"Sk-y" Ewan ko hindi ko na ma explain nararamadaman ko. Kanina puro kaba lang ngayon may halong saya na.

"Oh." Abot niya sakin ng tubig ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at niyakap ako.

"Good luck love" He said then he kissed my forehead. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pero kumalma ako sa ginawa niya. Huh ang gulo ko.

Kumalas na siya sa yakap at umalis na. Nag start na rin ang game.

Medyo intense yung laban. Halos magkadikit lang yung scores namin. Pero napapansin ko sa kabilang team may pagka madumi silang maglaro.

Halatang pinag iinitan ako ng ulo ng kabilang team, ako palagi yung binabantayan nila siguro kasi rookie palang ako.

Binabantayan ko si no. 2 kaso etong si 17 sinisiksik ako sa likod ko kaya nadapa si 2. Bullshit naman oh. Na foul tuloy ako. Pero okay lang lamang parin kami.

Pag dating ng third quarter nagpahinga na ako. Sobrang na pagod din ako kasi dire-diretso laro ko.

Habang nag lilipat kami sa kabilang ng side ng court nagulat ako ng bigla kong nakita si Sky. Bigla naman akong na excite.  Inabot niya naman sakin yung water na dala niya pati towel.

"I'll be watching you love. Good luck" He said then he kissed me on my forehead. Naiwan naman akong nakatunganga dun.

Nakangiti akong umupo sa benches. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari. Ano ba tong nangyayari sakin.

Pag dating ng 4th quarter pinasok na agad ako. Bigla naman akong na  conscious dahil alam kong andiyan lang si Sky.

Halos magkadikit ang scores namin. Kinakabahan na nga ako eh kasi sobrang competitive nila. Buti na lang bago mag time na i tres ni Reg kaya kami ang panalo.

Naiiyak ako sa sobrang saya. First game ko tas unang panalo rin ng team namin.

Nakita ko naman na palapit ang mga kaibigan ko at sina Sky. Niyakap nila ako at binati.

"Nako friend ang galing galing mo!!"

"For sure ikaw ang rookie of the year!!" Sabi sakin nina Dani at Aya. Natawa na lang ako.

Lumapit naman sakin si Sky. Nagulat ako ng bigla niya ako niyakap at inikot. Kahit yung mga tao sa gym nag sigawan sila.

"I'm so proud of you" Bulong niya sa tenga ko habang nakayakap parin siya sakin.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Alam kong kakaiba ito. Hindi lang toh basta basta. Hindi lang ako kinakabahan. Alam kong may bago.

Yung parang may kakaibang sinisigaw ang puso mo.

Ang kinakatakutan ko lang hindi ko alam kung parehas kami ng nararamdaman.

If We Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon