Chapter 36: Brave

639 27 12
                                    

Savannah Ysabel's

Ngayon palang ako papasok sa school simula nung na hospital si Lola. Ako kasi ang nag volunteer na mag alaga sakanya. Nung una ayaw nila, pero nag pumilit ako. Hindi rin kasi ako mapapakali sa school and hindi pa talaga ako handang pumasok.

Dumaan muna ako sa dean namin para papirmahan yung excuse letter ko.Habang naglalakad sa first class ko ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sakin. Nanaman? Gandang ganda ba talaga sila sakin?

Pag pasok ko ng classroom agad akong tumabi sa mga kaibigan ko.

"Hey kamusta ka na? Kamusta na si Lola?" Tanong sakin ni Dani.

"She's fine" Sagot ko sakanya.

"Eh ikaw?" Tanong naman sakin ni Aya.

"Hindi." Natahimik naman sila sa sinabi ko.

Hindi na kami nakapag usap dahil dumating na yung prof namin. Pumunta naman agad ako dito para makapagpa pirma. Sa mga sumunod na class ganun parin, nakikinig kung mag uusap kami hindi nila pa ako tinanong yung about kay Sky. Alam nilang iiyak lang ako sa harapan nila.

Nung dumating ang lunch pumunta na kami sa dating pwesto namin. Wala akong gana kumain,kaya hinayaan ko na lang sila. Pinipilit nga nila ako pero ayoko talaga.

"Uy Ysa, bukas na pala yung practice sa play" Paalala sakin ni Dani. I mentally rolled my eyes. Nakakainis na play na yun. Ayoko naman talaga maging lead role.

Mag sasalita na sana ako ng biglang dumating si Tristan at Carlo .

"Oh ano ginagawa niyo dito?" Tanong sakanila ni Aya.

"Grabe naman to, parang walang pinagsamahan" Tristan said.

"Ano ba kayo okay lang" Sabi ko sakanila. Kaya tumabi na yung dalawa samin at nag kwentuhan sila. Ako naman tahimik at nakikinig lang sakanila.

Bigla silang tumigil sa pag uusap ng may dumating.

"Uy sila Tristan oh, join tayo sakanila" Narinig kong sabi ni Anne. Kingina. Manhid ba to?

"Bakit papayagan ka ba namin?" Narinig kong pabulong ni Aya. Siniko ko siya kasi ayoko ng away.

Hindi na nila kami hinintay mag salita. Umupo na agad silang dalawa sa harapan ko. Tumingin naman ako kay Sky pero hindi siya makatingin sakin. Hindi ba talaga nakakaramdam itong si Anne?

Lahat kami tahimik sa table, walang nag sasalita. Sila kumakain lang ako nakatunganga.

"Sky" Tawag ko sakanya. Hindi na kasi ako nakatiis. Napatingin lahat sila sakin nung tinawag ko siya.

"Bakit?" Walang emosyon niyang sabi.

"Usap tayo" Pag sabi ko nun agad akong tumayo. Hindi ko na siya hinintay maka sagot.

Naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa likod ng school naming kung saan walang tao. Nararamdaman ko naman na sinusundan niya ako. Amoy palang niya alam ko.

"What is it?" Walang gana niyang tanong sakin.

"Totoo ba?" Tanong ko sakanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

"Totoo ba lahat ng sinabi ni Kuya?" Tanong ko sakanya, kasi hindi niya ako sinasagot nung una.

"Oo" Pagkasabi nun gusto ng tumulo ng mga luha ko pero pinigilan ko. Kailangan ko maging matapang.

"Ano? Lahat ng pinakita mo sakin kasinungalingan? Lahat ng pangako mo sakin Sky? Lahat yun?" Halo halo ang nararamdaman ko. Naiinis ako, nasasaktan ako.

"Oo nga! Hindi totoo yun! I just used you! Yun ba gusto mo marinig?!" Nagulat ako sa pag sigaw niya. Hindi pa niya ako sinisigawan ng ganito.

"Bakit ako Sky? Bakit ako?" Halos maiyak ako habang tinatanong ko sakanya yun.

"Kasi uto uto ka" Nung sinabi niya yun, lahat ng pasensya ko naubos na. Hindi ko napigilan. Sinampal ko siya.

"Hindi ako uto uto Sky. Magaling ka lang talaga mag sinungaling." Sabi ko sakanya at iniwan ko siya dun. Ramdam na ramadam ko ang sakit sa puso ngayon.

Hindi ako pumasok sa next class ko, tinext ko na lang sila Dani na hindi ako papasok kasi masama pakiramdam ko. Nag stay na lang ako sa clinic. Ka close ko naman ang mga nurse dun kaya nakapag pahinga ako.

Nagising na lang ako na nasa harapan ko na si Kuya Stephen.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong niya sakin.

"Okay nako Kuya" Sagot ko sakanya at tumayo na ako at inayos ko na ang sarili ko,

"Ihatid na kita sa bahay"

"Wag na Kuya may bibilhin lang kami nila Aya sa mall, tas mag papahatid na lang ako sakanila sa bahay" Sabi ko sakanya.

"Are you sure?" Tanong niya.

"Oo kuya wag mo nako alalahanin. Alam ko naman na may inaasikaso pa kayo ni Daddy" I said. Wala naman siyang nagawa kaya pumayag na siya.

Sabay na kaming lumabas ni Kuya ng clinic. Nag paalam na siya at umalis, ako naman naghintay lang sa mga benches. Niyaya ko naman sila Aya mag bar.

Pag dating nila napakunot naman ang noo ko sa nakita kong kasama nila si Harry.

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong ko sakanila.

"Ito naman Ysa wag ka na mag sungit. Sasamahan lang tayo ni Harry para mabantayan niya tayo" Sabi naman ni Dani.

"Hindi na. Kaya na natin ang sarili natin" Sabi ko sakanila.

"Pag hindi sasama si Harry, walan pupuntang bar" Aya said. Wala naman akong nagawa kaya umalis na lang kami kasama si Harry.

Pag dating namin dun, hindi ako nag sasalita uminom lang ako. Habang sila naririnig kong nag kwekwentuhan.

Nung nakailang drinks na kami hindi na nakatiis sila Dani na kausapin ako.

"Ysa, can you please talk to us? Nababaliw na kami sa kakaisip" Dani said.

"Oo nga ano ba kasi nangyari?" Tanonb naman ni Aya.

"Ni-loko niya ako" Pagka sabi ko nun umiyak na agad ako. Di lang iyak. Hagulgol talaga. Agad naman nila ako nilapitan.

"Sa-bi niya inuto niya lang, gina-mit lang para makapag sama sila ni Anne" Sabi ko sakanila.

"Ano?! Gago yun ah! Pag katapos namin siyang pagkatiwalaan ganyan ang gagawin niya sayo?! Asan ba yung hayop na yun! " Galit na galit na sabi ni Dani.

"Ano ka ba mamaya mo na hanapin yun, kailangan tayo ni Ysa ngayon" Aya said. Muka naman nahimasmasan si Dani.

"You know what we're so proud of you. You're so brave para harapin si Sky." Dani said.

Niyakap nila ako habang ako iyak lang ng iyak. First time ko lang ilabas sakanila to. Si Harry naman tinitignan lang kami.

Kahit umiiyak na hindi ako nagpatigil uminom.

"Cr lang ako" Sabi ko sakanila pero pag tayo ko nahilo agad ako at napapikit. Muntik na akong  matumba buti na lang may nakasalo sakin. Hindi ko alam kung sino kasi hindi ako makamulat.

I'm so weak right now.

"Let go of her" May narinig naman akong nag salita.

"Stay out of this, i'll take her home"

"Ano ba kayong dalawa! Hoy bitawan mo kaibigan namin! Ang kapal mo para magpakita. Halika dito gigilitan kita! "

"Dani ano ba umayos ka nga."

"Eh nakakainis siya eh!"

Gustong gusto ko imulat mga mata ko pero di ko magawa.

"Pwede ba umalis ka na lang. Hayaan mo na si Harry"

Naramdaman ko naman na may ibang kumuha sakin.


"Simula nung saktan mo siya nawalan ka na ng karapatan sakanya"

If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon