Chapter 28: Happy Birthday

589 19 8
                                        

Savannah Ysabel's

Maghapon akong nag enjoy sa beach kasama ang pamilya at ang mga kaibigan ko. Sobrang saya sa feeling lalo na't kumpleto kami ngayon.

Hinihila ako ngayon nila Dani papuntang beach. Inayusan nila ako at pinag bihis ng isang long dress na backless tas may slit pa. Ito yung dress na gusto ko bilhin dati kaso di ko naman alam kung saan ko isusuot.

Pag dating namin sa beach nagulat naman ako sa nakita ko. May mga tables and chairs. Tas may upuan sa gitna tas sa likod ng upuan nakalagay ang pangalan ko na naka ukit sa mga bulaklak. Bohemian ang theme.

"A-nong meron?" Tanong ko kala Aya.

Hindi sila sumagot bigla na lang may nag play na music.

Isn't she lovely
Isn't she wonderful
Isn't she precious

Inanalayan naman ako nila Aya papunta dun sa upuan sa gitna.

Less than one minute old
I never thought through love we'd be
Making one as lovely as she
But isn't she lovely made from love

"Huy! Ano ba tong kalokohan na toh ha!" Sabi ko sakanilang dalawa.

"Basta chill ka lang diyan!" Dani said then iniwan nila ako.

Unti unti naman nag fade ang music at nag dim ang mga ilaw. Nagulat na lang ako ng may lumabas na babae na may hawak na candle at mic.

Napatingin ako sa orasan.Sasalubungin namin ang birthday ko.

"Tita!" Tawag ko sakanya. Napangiti naman siya. Andito ang Tita Maris ko!

"Hi baby girl namin. Ayaw mo kasi mag debut eh. Pero okay na toh. Gusto lang sabihin ng tita na never ako nag sisi na binigay ka sakin ng mommy mo. Tuwang tuwa kami lalo na ang mga kuya mo kasi dumating ka samin. We always love you Ysa. Be happy always okay?" Tita said then lumapit siya sakin at niyakap ako.

"I love you too tita"

Sumunod naman na lumabas ay si Ellie.

"Hi Tita Ysa! Tita na po tawag ko sayo kasi tito ko boyfriend mo po so tita na po! Thank you po kasi lagi masaya si tito because of you. Sana po forever na po kayo! Lab po kita!" She said then lumapit na rin siya saakin.

"Happy Birthday din Iha. Salamat at pinapasaya mo palagi ang Sky namin" Mama Martha said then niyakap din niya ako.

Then lumabas naman si Dani at Aya na sa sabay.

"So nag sabay na lang kami ni Dani kasi pinag aawayan pa namin kung sino dapat ang mauna at mahuli" Aya said. Hay nako sabi na nga ba.

"Happy birthday sa bunso namin! Huhu 18 ka na pwede ka na sa ibang bar! Joke lagot ako sa mga kuya mo." Dani said. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Gusto lang naman namin sabihan na andito lang kami palagi sayo. Walwalan man niyan oh kung ano" Gago talaga tong si Aya!

"And proud kami sayo kasi andami ng nag bago sayo. Pero sa magandang paraan ah! Iba talaga nagagawa ng may love life!"

"We love you Ysabel! Sana wag ka ng ma late!" they said then lumapit na sila saakin at niyakap din ako. Muka na akong tanga umiiyak dito.

Sumunod na lumabas ay si Lola.

"Apo. Nako di ako sanay sa mga ganito. Pero ay sige. Pagkasilang mo palang ako na ang nag alaga sayo. Kilalang kilala kita Ysabel apo. Kahit matigas ulo mo alam kong napaka bait mong bata ka. Mahal na mahal ka ng lola apo. Tandaan mo palagi yan. Gusto ng lola na masaya ka palagi. Kahit anong mangyari ikaw ang paboritong kong babaeng apo" Hindi ko na napigilan umiyak lalo. Tumayo ako at lumapit kay lola at niyakap ko siya ng mahigpit.

If We Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon