Chapter 10: Para Lang Sayo

739 27 7
                                    

Savannah Ysabel's

Sabado ngayon, kaya sasamahan ko si Lola na mag palengke sa bayan na malapit sa village namin. Si Kuya Zach ang driver namin ngayon.

Medyo masakit pa nga ulo ko ngayon eh, kasi nag celebrate kami sa bar nila Aya kagabi kasi ang taas ng grade namin sa film namin. Syempre missing in action si Sky.

After namin mag palengke, nag paalam ako kala Lola na pupuntahan ko si Lolo Bernie. Pumayag naman sila kasi kilala naman nila si Lolo.

Nilakad ko na lang ang  usual spot ni Lolo Bernie pag ganitong oras. Pag dating ko, hawak na niya ang kanyang gitara.

Nakilala ko si Lolo Bernie nung bago magpasukan nung college. Isa siya sa mga kumakanta sa daan dito sa bayan. Simula nung makilala ko siya palagi na kami nag du-duet every Saturday.

Pinipilit ko nga siya na pumunta na sa home for the aged para kahit papaano may mag aalalaga sakanya lalo na't bulag pa siya. Iniwan na kasi siya ng pamilya niya, at pumunta na ng ibang bansa.

Gusto ko na nga siya itara samin kaso nahihiya ako sa tita ko. Kasi kung tutuusin nakikitira at kinukop lang ako nila Tita.

"Lolo Bernie!" Bati ko sakanya.

"Oh Ysa andiyan ka na pala. Ano tugtog na tayo?" Tanong niya saakin.

"Opo!" Sagot ko naman.

Inalalayan ko siyang ayusin ang gitara tiya tapos nag simula na siyang mag tugtog.

"Noo'y umibig na ako subalit nasaktan ang puso. Parang ayoko ng umibig pang muli." Sinabayan ko ang pag tugtog ng gitara ni Lolo.

"May takot na nadarama na muli ay maranasan.Ayoko ng masaktan muli ang puso ko.Ngunit nang ikaw ay makilala.Biglang nagbago ang nadarama"

Tuwing sabado kumakanta ako at si Lolo naman ang nagigitara. Isang taon na namjn tong ginagawa. Kaya nakilala na rin kami dito.

Para sayo ako'y iibig pang muli.Dahil sayo ako'y iibig nang muli.Ang aking puso'y.Pag-ingatan mo.Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo".

Unting unti ng lumalapit ang mga tao samin. Karamihan sakanila palagi kami pinapanood ni Lolo. Pagkatapos kong kantahin yun marami pa kaming tinugtog ni Lolo.

Marami na ring alam si Lolo Bernie na mga makabagong kanta. Ako naman ang nag turo sakanya minsan naririnig niya lang sa radyo.

"Mukang ang dami natin naipon ngayon Lolo ah" Sabi ko sakanya habang tinutulungan siyang ilagay sa wallet niya.

"Ysa, kumuha ka na diyan tutal tinulungan mo rin naman ako" Sabi ni Lolo.

"Nako Lolo wag na po. Okay na po sakin na kumanta tas ikaw yung nag gigitara" Masayang sagot ko sakanya.

"Ikaw talagang bata ka hulog ka ng langit" Nakangiting niyang sabi.

"Mag luluto po ngayon ng masarp si Lola. Sama na pa kayo sakin sa bahay"

"Wag na Ysa. Salamat na lang. Yung kapitbahay ko kasi inimbitahan ako kumain sakanila ngayon" Sagot niya sakin.

If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon