Chapter 23: With a Smile

617 25 10
                                    

Savannah Ysabel's

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Teka asan ako? Bat wala ako sa bahay ko? Dahan dahan naman akong bumangon. Sobrang sakit ng ulo ko.

Bigla kong naalala yung mga nangyari kagabi. Shit. Uminom pala kami kagabi nila Dani. Pero nasan ako? Hindi toh kwarto ni Aya or ni Dani. Na kidnap na ba ako?

"Good morning" Nagulat ako ng may biglang pumasok sa kwarto.

"Sky?!" Napasigaw naman ako ng di oras. Hindi siya nagsalita,lumapit lang siya saakin.

"Anong ginagawa ko dito?! Ha?! Anong nangyari kagabi?!" Sunod sunod na tanong ko sakanya.

"You were drunk last night. Tinawagan ako nila Aya. Hindi na kita inuwi kagabi kasi pinaalam mo daw sa mga kuya mo is gagawa kayo ng project" He said. Halata sa boses niya na inis siya. Napatingin naman ako sa suot ko.

"Hoy! Bakit ganito suot ko?! Ikaw nagpalit?! Anong ginawa mo sakin?!" Sigaw ko sakanya. Bigla naman siyang ngumiti.

"What if ako nga ang nag bihis sayo? Anong gagawin mo?" He said habang nakangiti na parang nakakaloko.

"Manyak! Manyak mo!" Sigaw ko sakanya at pinag babato siya ng mga unan. Samantalang siya tawa lang tawa.

"Chill. Si Mama Martha ang nag palit sayo. And sating dalawa ikaw may hidden desire sakin" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano bang pinag sasabi mo?!" Inis na sabi ko sakanya.

"You begged me to kiss you" Nagulat ako sa sinabi niya. Tinapon ko pa ang mga natirirang unan sakanya.

"Hoy!! Hindi totoo yan! Sakalin kita diyan eh" sigaw ko sakanya. Magsasalita na sana siya kaso biglang pumasok si Mama Martha may dalang pagkain.

"Iha kumain ka na ng breakfast. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Sabi sakin ni Mama Martha. Inilapag niya sa harapan ko yung pagkain.

"Salamat po Mama Martha. Medyo okay na po ang pakiramdam ko" Sabi ko. Umalis na rin si Mama Martha kaya kami na lang ulit ni Sky ang naiwan.

"Eat first" Sky said.

Sinunod ko na lang siya. Kumain lang ako at habang siya may ginagawa sa laptop. Tahimik lang kaming dalawa.

Nang matapos na akong kumain tumigil na siya sa ginagawa niya at nilapitan na niya ako.

"What the hell are you thinking?" Inis na sabi niya sakin.

"Huh ano bang pinag sasabi mo diyan?"

"Bakit ka nag paalam sa mga kuya mo na gagawa ka ng project tas pupunta ka lang pala sa bar?!" Medyo pasigaw na sabi niya sakin.

"So? Matagal ko ng ginagawa yun. Ano bang pake mo?" Sagot ko sakanya. Bakit ba ang big deal nun sakanya. Bago pa kami magkakilala ganun nako.

"Anong pake ko?! I care about you Savannah! I'm so fucking worried about you!" Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi niya.

"Your kuyas will blame me if something happened to you" Pahabol niya. Na disappoint naman ako sa sinabi niya.Dahil lang dun kaya siya nag aalala. Kasi lagot siya kala Kuya.

"Do you have a problem Savannah? Ngayon ko na lang uminom ulit. I can feel that something is bothering you" Mahinahon na yung pagkasabi niya. Tumabi naman siya sakin at hinawakan ang mga kamay ko.

"W-ala naalala ko lang si mommy" Pag sinungaling ko sakanya.

He didn't say a word. Instead niyakap niya na lang ako. Pinigilan kong umiyak habang niyayakap niya ako.

"Fix yourself. Today is saturday late na tayo kay lolo bernie" Pagkasabi niya nun bigla ko lang naalala si lolo bernie. Palagi na niya kasi ako sinasamahan kumanta tuwing saturday.

Kinuha ko na ang mga damit na binigay at naligo na ako. Pagkatapos ko mag ayos umalis na agad kami. Hindi ko naman nakita si Kuya Brandon or ibang family ni Sky bago kami umalis. Siguro may pinuntahan sila.

Pag dating namin sa pwesto ni Lolo Bernie nakita namin agad siya hawak hawak ang kanyang gitara.

"Lolo!" Tawag ko sakanya at agad akong lumapit.

"Oh iha andiyan ka na pala. Kasama mo si Sky?" Sabi ni Lolo sakin.

"Opo Lo, ano po ba kakantahin natin ngayon?" Tanong ko sakanya.

"Nope. You're not going to sing today. Ako naman. Diba lolo bernie? Para naman makapag relax siya" Nagulat naman ako sa sinabi ni Sky. Pumayag naman si Lolo para naman daw iba sa mga manonood.

Pumwesto naman ako sa harapan nila. May binulong lang si Sky kay Lolo saka naman nag start na silang tumugtog.


" Lift your head, baby, don't be scared. Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try." Agad naman akong napangiti ng marinig kong kumanta si Sky.


"Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way" I don't know. There is something about his voice that calms me. Kahit hindi siya kumakanta.


"When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway." Nagsimula nang dumating ang mga tao.

"Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life." He's singing it while looking at me and smiling. Wag naman ganyan Sky. Natutunaw na ako.

"In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round" Sky can make my world go around.

"But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song."

After kumanta ni Sky. Sumali na rin ako sakanila. Marami ang nakuha ngayon ni Lolo Bernie. Hinatid namin siya sa bahay niya bago ako umuwi. Niyaya naman siya pero sabi niya medyo pagod siya kaya magpapahinga na lang siya sa bahay niya.

Habang pauwi na kami, bigla naman pinark ni Sky yung sasakyan sa malapit na park namin.

"Bat ka nag park dito? Ano meron?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Bumaba na kaming dalawa sa sasakyan.

"I just want to walk with you. Hindi pa kasi natin toh nagagawa. And I want us to try it." He said then hinawakan niya ang kamay ko.

Tahimik lang kaming dalawa ni Sky habang naglalakad. Nakahawak parin yung kamay niya sakin. Mas masaya palang naglalakad kasama siya kesa nasa sasakyan kami.

"Savannah" He said then napatigil naman kami sa paglalakad. Nasa may street na namin kami.

"Sorry kung di kita na comfort kanina when you said na naalala mo mommy mo. Niyakap lang kita. I don't know how to comfort a person that's why kinantahan kita" Hindi ko napiglan ang umiyak sa sinabi niya. Naghahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko. Niyakap naman niya ako.

"I will always be here for you Savannah Ysabel. Just keep smiling my sunshine"

If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon