Savannah Ysabel's
Hindi muna ako pinapasok nila after kong ma admit sa hospital. Masyado ko na raw kasi pinapagod sarili ko, tas puro stress pa. Pero kahit ganun nag memorize parin ako ng lines ko. Malapit na rin kasi ang play, dapat walang oras na sinasayang.
"Nakapag revise na ba kayo ng thesis niyo?"Tanong samin ni Tristan. Andito kami sa usual na tambayan.
"Hala oo nga pala! Hindi pa eh. Naging busy kami sa thesis." Sagot ni Aya sakanya.
"Gawin na lang natin mamaya pag uwi natin sa bahay"Sabi ko sakanila. Sa sobrang play namin nakakalimutan na yung thesis.
"If you need help, i'm willing to help you" Biglang sabi ni Ana. Tinignan ko lang siya ng walang emosyon at bumalik na sa kinakain ko.
Syempre palagi na namin siya kasama, kaibigan namin sila Tristan, sila Tristan kaibigan si Sky. At girlfriend ni Sky si Ana.
"Mukang di na namin kailangan."Walang gana sagot sakanya ni Dani. Nahahalata niya ba na ayaw namin sakanya?
Sobra na nga ang pag titiis ko sakanila sa tuwing makikita at makakasama ko sila. HInayaan ko na lang sila. Gustong gusto daw kasi sumama nung dalawa. Ayoko naman mag mukang bitter.
Araw araw tuwing kasama ko sila, para akong sinasampal ng realidad. Pero kahit ganun hindi parin ata ako nagigising sa mga kathang isip ko.
"Sav!"Napatingin naman ako sa tumawag sakin. Si Harry. Dahil nga sa play, palagi kami magkasama kaya naging close kami.Sav tawag niya sakin para unique daw.
"Oh bakit?"Tanong ko sakanya. Tumabi naman siya sakin.
"Let's practice later. May mga part pa na hindi natin na pra-practice. And malapit na rin yung play natin"He said.
"Di ako pwede tonight. We need to revise our thesis eh."Sagot ko sakanya.
"It's okay, punta na lang ako sa bahay niyo pwede naman natin gawin thesis mo then practice our lines. I can help you"Harry said.
"Wow pare hanep sa moves"Natatawang sabi ni Carlo. Si Harry naman ngumiti lang.
"O sige, pero baka di ako payagan nila Kuya lam mo naman yun" Mahigpit kasi sila Kuya sa mga lalaking bisita lalo na sa mga alam nilang hindi ko naman ka close.
"Wow pero si ano ehem" Rinig ko naman na asar ni Tristan. Tinignan ko naman sila Aya at mukang nag eenjoy sila. Yung dalawa naman wala akong pake sakanila.
"Sa kwarto pa nge eh ehem"Dagdag naman ni Carlo.
"Don't worry about it, nakausap ko na kuya Zach and Stephen mo and pumayag naman sila"Nagulat naman ako sa sinabi niya. Nakapag paalam na agad siya?
"Ang bilis natin dun harry ah!" Dani said.
"Sus excited lang ata i practice ang kissing scene!"Nanlaki ang mata ko ng sabihin yun ni Aya. Bigla naman akong nahiya sakanila. Nakakainis! Bat pa nila pinaalala yun?
"Ano?! May kissing scene kayo? Aba manonood talaga kami!"Excited na sabi ni Tristan. Kissing scene muka nila hindi ko yun itutuloy, di ako papayag.
"Tigilan niyo nga ako! Sino ba kasing tangang nag sulat nun ha? Atsaka hindi ako papayag! Mapapatay ako nila Kuya!" Sabi ko sakanila.
"You said you don't need help right? Ana is offering to help you but you declined it and now you accepted his offer?"Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Sky. Ano bang pinoproblema niya ha?
BINABASA MO ANG
If We Fall In Love
RomanceBOOK 1 Savannah Ysabel is a happy go lucky girl, but a hopeless romantic. She always break the rules and loves to explore. And there is Skyler Yohann a cold-hearted guy who is a rule abider. Can two people fall in love despite their differences?
