Chapter 9: Heartache

786 25 7
                                        

Savannah Ysabel's 

Nasa library ako ngayon nag e-edit ng short film para sa gen psych. Ipapasa na kasi toh sa Friday. Tinapos namin agad yung shooting last weekend and thank God kasi nagkasundo na kaming lahat.

Buti na lang yung prof namin  pag katapos ng vacant namin ay wala ngayon. Kumakain sila Aya ngayon, nag paiwan na lang ako kasi gusto ko talaga tapusin muna yung film. Inaantok pa nga ako kasi lagi akong puyat this week dahil sa requirements.

Muntikan nako mapasigaw ng makita si Sky na nakaupo na sa tabi ko. Hindi ko siya napansin kasi naka focus ako sa pag edit at naka earphones ako.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Chinicheck ko lang kung maayos ba yung pagka edit mo" Napairap ako sa simabi niya. Napaka grade conscious talaga.

"Tss. Excuse me masscom student po ako kung wala kang tiwala ikaw na lang gumawa dito" Napailing na lang siya sa sinabi ko.

"Have you eaten?" He asked. Napakunot naman ang noo ko.

"Anong pake mo?" Sabi ko sakanya.

"Bat ka ba nag susungit? Nagtatanong lang eh. Ganyan ka ba pag gutom?" He said. Di ko siya pinansin inirapan ko na lang siya.

"Let's go" Nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan kaya agad akong bumitaw. 

"May ginagawa ako. Ikaw na lang" Sabi ko sakanya. 

Nagulat ako ng bigla niyang sinara ang laptop ko at nilagay sa bag at kinuha yun. Kaya wala akong choice at sumama sakanya. 

"Bat ba gusto mo samahan kita? Miss mo ko noh" Sabi ko sakanya ng makalabas na kami ng library. Dala niya parin yung bag ko.

"Tss. Tristan and carlo are busy. They told me na wala kang kasama kaya samahan daw kita. And I don't like to eat alone" Explain niya. 

"Sus, ginagawa mo lang naman silang dahilan eh" Asar ko sakanya. 

"Bahala ka nga diyan" Inis na sabi niya at binigay sakin yung bag ko tas nauna na siya. Napikon nanaman siya. Wala naman na akong nagawa kaya sinundan ko na lang siya. 

Pumunta na lang kami sa isang food park na malapit lang sa school namin. Ngayon na lang ulit kami magsasama ni Sky. Ang huli naman is yung last week na 'date' namin kasama si Ellie. Simula nun palagi na kami busy, pag nag uusap kami about lang yun sa project. 

"Hoy libre mo ba? Ikaw nag yaya makipag date eh" Asar ko sakanya ng makarating na kami sa food park. 

"Excuse me? This is not a date. You will just accompany me" He said. 

"Okay sabi mo eh" I said then nag hanap na ng upuan. 

"Ako na mag o-order. Just stay here" Sabi niya sakin. 

"Dami mong alam, i-lilibre mo rin naman pala ako" 

"Tss. What do you want?" 

"Ikaw" 

Napatigil naman siya sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sakin. Walang emotion sa muka niya. Pero maya maya simimangot na siya. 

"What the hell?"Luh late reaction siya oh. 

"Toh naman joke lang! Masyado kang kinilig. Buffalo wings sakin" Pagkasabi ko nun agad siyang umalis para bumili na. Kinilig kasi. Joke. 

Habang nag hihintay kay Sky kinuha ko na ang laptop ko at nag edit. Sayang oras noh. Malapit na rin naman nako matapos. Inaayos ko na lang yung mga voice over. 

"Excuse me is this seat taken?" Napalingon naman ako sa nag salita. 

"Um, yes"Sagot ko sakanya. 

Hindi ko maiwasan mapatitig sa lalaki na toh. May something sakanya na di ko ma-explain. Parang nakita or nakilala ko na siya dati. Hindi ko lang alam kung saan at kelan. 

"Stephen" Napalingon naman ako kay Sky. Andun siya nakatayo at dala yung order namin. 

"Hey bro. Kamusta na?" Sabi nung lalaki kay Sky. Nilapag naman niya yung inorder niya sa table tas hinarap yung lalaki. 

"What are you doing here?" Tanong ni Sky. 

"Syempre kakain, pwede bang maki upo sainyo?" Stephen said. 

"You cant. Get out" Nagulat ako sa inasta ni Sky. Halatang inis siya kay Stephen. 

"What? It's been years bro. Hindi ka pa ba-" 

"I don't care. Umalis ka na lang sa harapan ko" Mukang walang nagawa yung Stephen kaya umalis na siya. Nag paalam muna siya sakin bago umalis. 

"Sino yun? Magkilala kayo?" Tanong ko sakanya. Pero mukang wala siyang narinig. Patuloy lang siya kumakain.  

"Huy. Bat ka galit sakanya?" Pag sabi ko nun tumigil siya sa pag kain at masamang tumingin sakin. 

"Pwede bang kumain ka na lang at manahimik?!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya kumain na lang ako. Mukang wala na siya sa mood. 

Sino ba yung Stephen na yun? At mukang nakita ko na yun hindi ko lang maalala. 

Simula nun tahimik na lang kami pareho, mukang wala na talaga siya sa mood. Kaya hindi ko muna siya kinukulit. 

Bago kami makalabas ng food park may nakita akong makati. 

Si Chanine, kasama ang mga kaibigan niya. Siya ang bagong manliligaw ni Marc. Ano ba nakita ni Marc dito at pinalit ako? Grabe magpalit yan ng boyfriend,parang nag papalit lang ng damit. 

"Well looks who's here" Biglang hinarangan ni Chanine ang dinadaanan ko. Si Sky nasa likod ko lang. 

"Ano nanaman bang problema mo?" Inis na sabi ko sakanya. 

"Di ka talaga makapag hintay noh? Atat na atat kang magka boyfriend" She said then naptingin kay Sky. 

"Hindi ko siya boyfriend, friends lang kami" Inirapan niya lang ako sa sinabi ko. 

"Sinong niloko mo? Sabagay di kita masisisi wala ka kasing magulang kaya uhaw na uhaw ka sa atensyon ng iba" Pinigilan kong sampalin siya sa sinabi niya. Pinilit ko ang sarili ko na kumalma. 

Lalayasan ko na sana siya kaso pinigilan niya ako. 

"Wag mo akong tatalikuran!" Sigaw niya sakin. 

"Alam mo Chanine,  sa ating dalawa ikaw  ang kulang sa atensyon! Tigil tigilan mo ko pwede, wala akong panahon sa higad na katulad mo" I said then nag walk out na ko. Narinig ko ang pag sigaw niya sakin pero di ko pinansin. 

"Ysa" Napalingon naman ako kay Sky. 

"Pwede ba iwan mo muna ako Sky" Sabi ko sakanya at iniwan siya. 

Ayokong makita niya ako na nagkakaganito. Pinangako ko sa sarili ko na hind nako mag papaapekto. Na hindi ko na iisipin ang tingin ng iba sakin. Pero nung sinabi ni Chanine yun kanina, unti unti kong naramdaman ang kirot sa puso ko. 


If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon