Chapter 15: Migraine

699 25 11
                                        

Savannah Ysabel's

Saturday ngayon kaya sinamahan ko si Lola sa palengke. Kasama rin namin ngayon si Kuya Paolo. Pabalik na kami ngayon sa sasakyan.

"Lola, Kuya puntahan ko na po si Lolo Bernie ah!" Paalam ko sakanila.

"Sige apo mag iingat ka ah" Sabi sakin ni Lola.

"Ysa, yayain mo na rin si Lolo na mag tanghalian satin" Sabi naman ni Kuya Paolo.

"Sige po. Ingat kayo!" Sabi ko sakanila at pumunta na sa pwesto namin ni Lolo Bernie.

Habang naglalakad may pamilyar na sasakyan na tumigil sa gilid ko. Pag bukas ng bintana inuluwa nito ang isang chinito.

"Wow naman masyado mo naman ata akong na miss" Pang aasar ko kay Sky. Napa smirk naman siya sa sinabi ko.

"Oo nga love eh lakas ng tama mo sakin eh" Lakas din nito mang asar eh.

"Ano bang ginagawa mo dito ah?" Tanong ko sakanya.

"I'm going to visit you" Sagot naman niya.

"Next time na. Busy ako" Sabi ko sakanya then nag lakad nako. Pero mabagal niya akong sinusundan.

"Why? San ka ba pupunta ha. Di naman diyan yung way pauwi sainyo ah"

"Busy nga diba? Bat ba ang kulit mo" Inis na sabi ko sakanya.

"Eh di sasamahan kita. Baka mamaya may iba ka na" He said. Napabuntong hininga naman ako.

"Sige bahala ka sundan mo na lang ako" Sabi ko sakanya then nag lakad nako.

Nang makarating ako dun sa spot namin ni Lolo Bernie andun na agad siya.

"Lolo Bernie!" Masayang bati ko sakanya habang papalapit.

"Oh iha andiyan ka na pala" Nakangiting sabi ni Lolo sakin. Ang saya talaga sa pakiramdam na makita si Lolo na nakangiti.

"Love" Nagulat naman ako ng may biglang nag salita at tumabi sakin.

"May kasama ka ba ngayon iha?" Tanong sakin ni Lolo Bernie.

"Si Sky nga po pala-"

"Boyfriend niya po" Medyo nagulat ako sa sinabi ni Sky.

"Nako ikaw pala ang bagong nagpapasaya sa batang ito. Kinagagalak kong makilala ka" Nakangiting sabi ni Lolo tapos inilahad niya ang kanyang kamay.

"Ako rin po" Sabi ni Sky at inabot niya rin ang kamay ni Lolo.

"Tara Lo! Ano po bang gusto niyong kantahin ko ngayon? May bago po ba kayong natutunan?" Sabi ko sakanya.

Sinenyasan naman niya ako na lumapit sakanya at binulong sakin ang gusto niyang kanta. Natawa naman ako.

"Game na po?" Tanong ko kay Lolo. Tumango lang siya at inumpisahan ng tumugtog.

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko"

If We Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon