Chapter 14: Terrified

686 26 9
                                        

Savannah Ysabel's

Papunta na ako ngayon sa dining room namin kung saan andun sila Kuya. As usual ako nanaman ang huling gumising.

Pag dating ko dun kumakain na sila ng breakfast kaya agad akong umupo at kumain na rin. Maagang umalis ngayon si Kuya Paolo.

"Oh balita ko ah pinag sigawan ka raw ni Sky sa buong campus" Sumama naman ang tingin ko kay Kuya Sean. Ang aga aga nang aasar nanaman.

"Grabe ka Ysa! Ano ba pinakain mo dun?" Asar din Kuya Zach.

"Lola oh sila Kuya" Sumbong ko kay Lola Linda.

"Ay tigilan niyo na tong si Ysa ka aga aga eh. Bilisian niyo na lang para hindi kayo ma huli sa klase niyo" Sabi samin ni Lola samin.

Pagakatapos kumain sabay sabay kaming tatlong pumasok sa school. Si Kuya Sean ang nag drive.

Pagka park ng sasakyan agad akong bumaba.

"Ysa uuwi ka ba agad or may lakad kayo ni Sky?" Tanong sakin ni Kuya Zach. Napairap naman ako.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hi-" Di ko natapos ang sasabihin ko kasi may biglang umakbay sakin. Pagtingin ko si Sky habang nakangiti.

"Ako na maghahatid sakanya, may date kami mamaya eh" Sabi ni Sky kala Kuya. Hindi naman ako makapag salita.

"Buti naman! Hindi na kami maghihintay ng matagal dito sa school!" Kuya Zach said.

"Sige alagaan mo yan ah." Sabi naman ni Kuya Sean at umalis na sila.

Pagka alis na pagka alis nila agad kong tinanggal ang pagka akbay ni Sky sakin.

"Mag date ka mag isa mo!" Sigaw ko sakanya at iniwan siya. Narinig ko naman siyang tumawa.

Pag dating ko sa classroom 20 minutes na akong late pero wala parin yung prof. Mukang busy na busy naman ang mga ka block ko.

"Anong meron?" Tanong ko kala Aya at umupo ako sa tabi nila.

"Malapit na kasi mag start ang sportsfest kaya kumukuha na sila ng mga players!" Excited na sabi ni Dani.

"Ikaw girl may sasalihan ka ba?" Tanong sakin ni Aya.

"Pag iisipan ko pa eh kung volleyball or basketball" Sagot ko.

May basketball girls kasi samin dito. And tinuruan ako nila Kuya Zach maglaro bata palang ako.

Maya maya dumating na ang prof at nag start na agad siya mag discuss. Lumipas ang iba pang subjects vacant na namin.

Bumili muna kami ng pagkain atsaka naghanap ng mauupuan na bench. Habang kumakain kami may tatlong ugok naman na tumabi samin.

At dahil may bakante sa kanan ko dun tumabi sakin si Sky. Pero di ko siya pinansin tinuloy ko lang ang pag kain ko.

"How's your day?" Tanong siya sakin.

"Okay lang" Tipid kong sagot.

Hanggat maari gusto konh ilayo ang sarili ko kay Sky. Tama ang sinabi ni Tristan. This will be a dangerous game. And I have no time to lose.

Ayokong ma attach nanaman sa isang bagay na bibitawan din ako.

Nagulat naman ako ng biglang lumapit samin habang kumakain kami.

"Ysabel! Gusto sana kita makausap" Sabi niya sakin. Siya ang team captain ng basket sa masscom.

"Tungkol saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Sali ka na ulit sa team namin. Kailangan na kailangan ka namin. Graduate na halos lahat ng players." Nag quit kasi ako nung kalagitnaan ng training kasi di ko kinaya.

"Pamatay naman kasi training sa basketball eh. Atasaka diba ayaw ng Tita ko" Sagot ko. Tamad na kung tamad pero kung alam niyo lang ginagabi nako sa pag uwi pag may training.

"You know how to play basketball?" Gulat na tanong ni Sky. I just nodded.

"Kakausapin na lang natin Tita mo. Sige na please"Pagmakakaawa niya sakin.

"Sige sige. Payag nako" Sagot ko sakanya ng ikatuwa naman niya. After namin mag usap umalis na siya at kumain na ulit kami.

"Date tayo mamaya" Sabi sakin ni Sky.

"Ayoko busy ako" Sagot ko habang hindi nakatingin sakanya.

"Why? May homeworks ka ba? I can help you" Sumasakit na ulo ko sa kakakulit niya.

"Hindi ka ba titigil ha" Inis na sagot ko sakanya. Natatakot kasi ako.

"Nope." He said.

"Fine! Basta wag mo na lang ako kukulitin" Sabi ko sakanya.

After namin kumain bumalik na kami sa kanyang kanya na class namin. Habang nag didiscuss kinakausap naman ako ng dalawa.

"Eto bawas bawasan mo naman ang pag susungit kay Sky" Dana said.

"Oo nga. Kinakausap ka naman ng maayos. Himala nga eh" Sabi naman ni Aya.

"Natatakot lang ako okay. Ayoko naman maulit yung mistakes ko" Sabi ko sakanila. Mukang naintindihan naman nila ang sinasabi sabi ko.

Sobrang hirap kasi mag overthink. Napaka toxic.

After class pag labas namin andun agad si Sky. Nag paalam naman kami kala Dani at umalis na rin kami. Habang naglalakad kinuha ni Sky ang bag ko.

"Ako na mag dadala" Sabi niya. Wala naman akong nagawa.

Bakit ganun nung simulang nag pretend kami ni Sky bakit feeling ko laging may nakatingin sakin. Siguro mga tsismosa lang ang mga yun.

"Sky" Tawag ko sakanya.

"Yes?" Lumingon naman siya sakin.

"Why are you doing this?" Tanong ko sakanya. Nag smirk naman siya.

Lumapit siya saakin at niyakap ako.

"I just want you to play this game with me Savannah. And I don't want you to lose this game. So do your best so that you won't fall for me" Bulong niya sakin.

So yun lang yun? Actually hindi ko talaga ma gets kung para san tong game na toh eh.

"Really? Well sige yan ang gusto mo eh. I'll let you play this game with me. But remember this Mr. Chua  I'm the who created this game. You better watch out mahirap tanggihan ang charms ko. Baka magising ka isang araw nahulog ka na pala sakin" I said then hinalikan ko ang pisnge niya at bumitaw sa yakap at nag lakad na. Naiwan naman siyang nakatunganga.

Hindi na niya ako matatakot. Walang inuurungan ang isang Savannah Ysabel.

If We Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon