Chapter 20: Cheerleader

651 25 18
                                        

Savannah Ysabel's

Dahil sports fest namin ngayon kaya maraming stall ang nasa University namin ngayon. Nag iikot ikot lang kami nila Aya. Wala pa naman kasing magadang game na pwedeng panoorin sa gym.

"So ano ng status niyo ni Sky?" Biglang tanong sakin ni Dani.

"Huh? Anong status ba ang pinag sasabi niyo. Alam niyo naman kung ano talaga kami" Sabi ko sakanila.

"Nung una oo, pero ngayon parang may iba na eh. May kuryente na eh" Sabi naman ni Aya.

"Okay lang ba kayo? Ganun parin naman kami ah. We are still pretending" Mahinang sagot ko sakanila. Habang tumitingin ng makakain.

"Eh bat parang sad ka?" Pangungulit ni Aya pero hindi ko na lang siya pinapansin.

Ayoko muna mag kwento sakanila habang hindi pa talaga ako sure sa nararamdaman ko. Baka kasi asarin nila ako lalo tas ma fall pa ako lalo.

"Love!" Napatigil naman kami ng bigla akong tinawag ni Sky.

"Bakit nanaman?" Masungit kong sabi sakanya. Minsan dinadaan ko sa pag susungit para pigilan yung nararamdaman ko.

"Ang sungit naman ng love ko ngayon. You'll watch my game later okay? Dapat may banner ako" He said. Napairap naman ako sa huli niyang sinabi.

"Banner mo muka mo! Ayoko nga" I said.

"Sige ka, pag hindi mo ginawa baka hindi mo magustuhan yung gagawin ko sayo" He said habang papalapit sakin. Aba ang kumag na toh napaka pda!

"Oo na oo na! Gagawa na!" Sabi ko then tinulak ko siya. Tuwang tuwa naman siya.

"I'll see you later love!" Sabi niya at nag flying kiss tapos umalis na kasama ang mga ka team mates niya. Nakakahiya!

"See? Anong ginawa mo dun? Bat nag bago yun?" Sabi sakin ni Dani ng makaalis na sila.

"Anong nag bago? Ganun parin naman si Sky ah?" Sabi ko sakanya.

"Duh! Ang laki na ng pinagbago ni Sky! Lalong lalo na sayo! Dati ang aggressive niya galit na galit sayo pero ngayon parang tuta na pina amo mo.Hoy ginayuma mo yun noh?" Sabi naman ni Aya.

"Ay nako! Ang ku-kulit niyo. Tara na nga bili na tayo ng cartolina!" Yaya ko sakanila at pumunta na kami ng book store.

Dumiretso kami sa thesis room ng library namin. Walang tao dito kasi nga sports fest namin. Dito na lang ako gagawa ng banner ng kumag na yun. Malapit na rin kasi yung game nila.

"Pretend lang daw noh?" Biglang salita ni Dani.

"Oo nga, ang effort naman nilang mag pretend grabe" Hindi ko na lang pinansin yung pagpaparinig ni Dani at Aya. Gumawa na lang ako ng banner.

Pagkatapos namin gumawa ng banner sakto naman mag sta-start na yun game. Binilhan ko muna siya ng gatorade bago kami pumunta ng gym.

Pag dating namin sa gym na sa benches na ng players sila Sky. Sinabi ko naman kala Dani na mauna na sila bleachers para maganda pwesto namin.

"Oh" Sabi ko kay Sky sabay abot ng gatorade niya.

"Thank you. Wala bang good luck kiss diyan" He said while smiling.

"Good luck kiss mo muka mo!" Sabi ko sakanya sabay irap.

"Sige na, naka tingin sila oh" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Oo nga Ysa! Kiss mo na para manalo naman kami mamaya" Sabi naman ni Tristan.

Wala naman akong nagawa kaya kiniss ko siya sa cheeks. Nag sigawa naman yung mga ka team niya. Siya naman naka ngiti lang. Putek nanalo nanaman ang kumag.

"Dapat marinig ko boses mo mamaya ah" He said then kinindatan ako. Sumunod na ako kala Dani sa taas ng bleachers.

"Ay grabe pretend noh?" Nag simula nanaman silang asarin ako. Maya maya nag simula na ang game. Nag simula na rin mag sigawan yung mga tao. Pinasok na agad si Sky.

"GO CARLO!!"

"OMY GOD ANG GWAPO GWAPO TALAGA NI SKY!!"

"OO NGA HUHU SANA AKIN NA LANG SIYA!"

Napairap na lang ako sa mga sinisigaw nila.

"Ano selos ba?" Pang aasar sakin ni Aya.

"Hindi bat ako mag seselos?"

"Sabagay pretend lang naman kayo diba?" Hindi na ako nagsalita sa sinabi ni Dani.

Mag fr-free throw na ngayon si Sky kaya lalong umingay ang court. Napatingin sakin si Sky. Napabuntong hininga naman ako. Binuka ko na ang banner ko.

"GO LOVE!!!!!" Sigaw ko sakanya habang taas taas ang banner na gingawa. Ngumiti naman siya at naka pasok ang free throw niya.

"WOOOO!!!! BOYFRIEND KO YAN!!!" Sigaw ko.

Buong game sigaw lang ako ng sigaw. Shet feeling ko nasa game din ako eh!!

"Etong friend natin hindi nauubusan ng energy" Sabi naman ni Aya. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Last quarter na, lamang sila Sky pero nakakahabol yung kalaban.

"HABULIN MO YAN HOY! I SHOOT MO YAN YAN!! GO BABY LOVE!!"

Shinoot ni Sky ang bola pero mga 0.9 seconds na lang and nakapasok!!!

Bumaba agad ako para salubungij siya. Sa sobrang tuwa ko  agad naman niya akong niyakap at binuhat tapos inikot niya ako.

"Congrats ang galing galing mo!" Tuwang tuwa kong sabi sakanya. Ewan ko ba sobrang natutuwa ako ngayon.

"Syempre ang galing ng cheerleader ko eh. Thank you baby love" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Na-rinig mo?" Gulat na tanong ko sakanya.

"Of course pag ikaw ang sumisigaw naririnig ko yun"

"Hoy PDA kayo sumbong namin kayo kay Kuya Paolo" Bigla naman sumulpot sila Kuya Zach.

"Congrats bro!" Bati sakanya nila Kuya.

"Salamat" Sabi naman ni Sky at nag shake hands sila.

"Una na kami ah. May lakad pa kasi kami. Ikaw na lang mag hatid dito kay Ysa" Kuya Sean said. Sus may date lang sila.

"Sige ako na bahala kay Ysa" Sky said then umalis na sila Kuya.

Mag papalit na sana si Sky ng damit kaso may lumapit na mga babae para mag pa picture sakanya.

Tumingin muna sakin si Sky. Sabi ko okay lang. Picture lang naman yun.

"Wait wait dapat kasama girlfriend ko" Nagulat naman ako sa sinabi ni Sky.

"Hala ano ka ba okay lang" Sabi ko pero hinila niya ako sa tabi niya kaya wala na akong nagawa.

After nun nag palit na sila Sky at hinihintay namin sila nila Tristan sa labas.

"Taray haba ng hair about hanggang Mars" Natawa na lang ako sa sinabi ni Dani.

Shemay kinikilig ako.

If We Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon