Chapter 30: Schedule

618 19 9
                                        

Savannah Ysabel's

Nag aayos ako ng sarili ko ngayon. First day of classes kasi namin ngayon. Ang bilis ng panahon. Third year college na kami. And one month na rin simula nung birthday ko.

"Ysa! Bilisan mo diyan! Kanina ka pa hinihintay ng kuya Zach mo" Rinig kong sigaw ni Kuya Paolo sa labas.

"Andiyan na po!" Sagot ko at kinuha na ang gamit ko at lumabas na ng kwarto ko.

Pagbaba ko andun lang si Kuya zach at kuya Paolo. Wala si Lola. Himala naman ata na tulog parin si Lola?

"Ysa kumain ka na! Ako nagluto!" Kuya Zach said.

"Lalong di ako kakain. Ikaw nag luto eh" Asar ko sakanya.

"Kuya asan nga pala si lola? Di pa siya gising?" Nagtatakang tanong ko kay Kuya Paolo.

"Masama ata pakiramdam Ysa hayaan mo muna si Lola magpahinga" Sabi sakin ni Kuya Paolo. I just nodded at sumabay ng kumain sakanila.

After namin kumain umalis na rin kami ni Kuya Zach. Si Kuya Sean naman hindi umuwi kagabi natulog daw sa kaibigan didiretso na lang daw siya sa school.

"Sino mag hahatid sayo mamaya?" Tanong sakin ni Kuya habang nasa byahe kami.

"Hindi ko pa alam kay Kuya Stephen at Sky eh" Sagot ko sakanya. Natawa naman siya.

"Mukang kailangan mo ng gumawa ng schedule diyan ah" Kuya said. Natawa na lang din ako sa sinabi niya.

Pano ba naman kasi laging nag aagawan ng bonding time yung dalawa sakin. Lagi sila di magkasundo. Simula kasi nung nalaman ko na kuya ko si Stephen eh halos magkasama na kami palagi.

Panganay lang sakin ng isang taon si Kuya Stephen. Pero ka batch ko parin sa school. Kasi nga nag accelerate ako ng 1 year. Inexplain naman sakin ni Kuya na matagal na niya ako kilala at binabantayan.

Hanggang sa nalaman niya na magkilala kami ni Sky, hindi na siya nakatiis at lumapit ng University para sakin. Para mapalapit siya.

Wala daw nakakaalam bukod kay Kuya at Papa about sakin. Kaya hindi alam ni Sky na kapatid pala ako ni Kuya Stephen.

Buong kapatid ko si Kuya, hindi ko muna pinapa kwento sakanila kung pano napunta si Kuya kay papa at ako naman kay mama at kung bakit sila nag hiwalay. Feeling ko kasi hindi pa toh yung right time.

"Text mo na lang ako kung kanino ka ba talaga sasabay mamaya ha?" Kuya said bago ako makababa ng sasakyan.

"Okie po!" I said then lumabas na ng sasakyan.

Habang nag lalakad sa parking lot nagulat ako ng my biglang yumakap mula sa likod ko. Naamoy ko palang yung pabango niya alam ko na kung sino siya.

"Sky ano ba! Napaka pda mo" Sita ko sakanya. Pero syempre joke lang yun.

"Kunwari ka pa baby love eh. Miss mo rin naman ako" He said. Buti na lang nasa may parking lot pa kami. Konti lang nakakakita samin.

"Anong miss?! Parang kagabi lang nasa bahay ka ah!" Sabi ko sakanya. Napaka clingy nito ni Sky. Bumitaw na ako sa yakap niya kasi mamaya niyan may makakita na prof samin.

"Ako maghatid sayo later ah?" He said. Hinawakan naman niya ang kamay ko at sabay kami naglakad.

"Eh pano si Kuya?" Tanong ko sakanya. Alam ko naman na di pa sila okay eh. Pinipilit lang nila maging okay para sakin.

"Baby love please?" Pag papacute niya saakin.

"Nako naman love. Kayo na mag usap diyan. Wag niyo naman ako papiliin" Sabi ko sakanya. Mukang tama nga sinabi ni Kuya Zach kailangan na ng schedule.

If We Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon