Chapter 41: BL

676 27 17
                                        

Savannah Ysabel's

Kakatapos lang ng mga exam namin nila Aya. Buti nga may nasagot pa ako dun. Pano naman kasi nakatulog ako kagabi habang nag rereview.

"Ano sagot niyo sa number 20?" Tanong ni Dani samin.

"Letter A" Sagot naman ni Aya sakanya.

"Hala seryoso?! Letter C sagot ko!" Sabi naman ni Dani. At pinag awayan pa nila kung ano ang tunay na sagot.

"Wag na kayo mag away! Ako nga Letter D eh!" Sabi ko sakanila. Kaya tumigil naman sila.

"So na figure out mo na ba kung sino yung secret admirer mo?" Tanong sakin ni Aya habang nag lalakad kami papuntang parking lot.

"Secret admirer?" Nagtatakan tanong ko sakanya.

"Si BL! Yung nag bigay ng bulaklak sayo!" Paalala sakin ni Dani. Oo nga pala yung nag bigay sakin ng bulaklak nung Friday.

Hanggang ngayon palaisipan parin samin kunh sino yon.

"Hindi. Wala naman akong kilalang BL eh" sagot ko sakanila.

"Baka naman si baby love yun. Charot!" Napatigil ako sa paglakakad ng sabihin yun ni Aya.

Baby love? BL? Hindi kaya-

"Oh ano yang mukang yan? Wag mong sabihin umaasa ka na siya yun?" Sabi sakin ni Aya.

"Ba-kit? Wala namang impossible diba. Malay mo siya talaga yun. Nakita ko siya nung play" Sabi ko sakanila.

"Wala na kayo diba? Bat ka naman niya bibigyan?" Direktang sabi sakin ni Dani.

Nakaramdam naman ako ng sakit ng sinabi niya yun.

"Ysa, concern lang kami sayo. Ayaw ka lang namin umasa at masaktan. Wag mo na intindihin yung sinabi ko okay? Charot lang yun" Aya said. Tumango lang ako at nag lakad na ulit kami.

"Sav!" Napahinto ulit kami sa may parking lot ng tawagin ako ni Harry.

"Oh bakit?" Tanong ko sakanya.

"Uuwi ka na? Ihatid na kita you want?" He asked.

"Hindi na ma-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi may biglang nag salita.

"Savannah" bumilis agad ang tibok ng puso ko.

Damn Sky. Walang kupas.

"She's going with me" Malamig na sabi ni Sky at hinawakan ang kamay ko.

"Ah hindi. Samin siya sasabay ngayon" Dani said. Pero hindi siya pinansin nung dalawa.

"Why? Bat siya sayo sasabay? Wala namang kayo diba?" Sabi ni Harry at hinawakan din ang kamay ko. Kailangan pa ba talaga sabi niya yun?

"Ano ba kayong dalawa, nakaka loka kayo" Sabi ni Aya.

"Kayo rin ba para sumama siya sayo? And I don't owe you a fucking explanation" He said to Sky at tumingin naman siya sakin.

"You can visit Lolo Bernie now" Nabuhayan naman ako sa sinabi ni Sky kaya unti unti ko bumitaw sa hawak ni Harry.

"Sige Harry sakanya muna ako sasabay, kailangan ko kasi dalawin si Lolo Bernie" Paalam ko sakanya.

"Okay just text me if you need me" He said.

"Dani, Aya sama kayo?" Tanong ko sa dalawa pero sabay naman silang umiling.

"Next time na kailangan na namin umuwi eh" Dani said. I just nodded.

"Ingat ah pati ang puso" Bulong naman sakin ni Aya. Nag paalam nako sakanila at umalis na kami ni Sky.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa sasakyan. Ganito na lang ba talaga kami palagi?

Excited akong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Lolo Bernie. Nang marinig niya ang pag pasok namin agad siyang napalingon at ngumiti.

"Apo!" Agad naman akong lumapit sakanya at niyakap siya.

"Hindi nga ako nagkakamali napaka ganda mo" Sabi sakin ni Lolo habang hinahaplos ang muka ko. Napangiti naman ako sa sinabi ni Lolo.

Umupo ako sa tabi niya at nag kwentuhan kaming tatlo. Nakaka miss toh. Naalala ko nun everytime na kakanta kami sa bayan, pagkatapos nun mag kwekwentuhan lang kami.

"Ay iha, kamusta ang play mo? Excited na akong mapanood yun" Bigla ko naman naalala, nakay Kuya Stephen pa pala yung video.

"Hala Lolo naka-"

"I got it" Sabi ni Sky at may niligay ang usb sa tv dito sa room.

Nagulat ako ng plinay niya ang video namin sa play. Teka ibang anggulo toh dun sa video ni Kuya Stephen.

Nag record din siya?

Hindi na lang ako nag salita, at sinamahan namin si Lolo na manood.

"Ang ganda ganda talaga ng boses mo iha" Sabi sakin Lolo. Andun na kami sa part kung saan kumakanta ako ng Only Hope.

Bigla naman nag walk out si Sky nung hinalikan ako ni Harry. Ganun ba ka awkward yung kissing scene namin? Panget ba?

"Alam ko iha, hindi kayo okay ni Sky. May nagbago sainyo. Pero lagi mong tatandaan lahat ng nangyayari ngayon, may mga dahilan yan. Mag tiwala ka lang sa Diyos" Sabi sakin ni Lolo.

"Opo Lolo" Sagot ko sakanya at bumalik na sa panonood.

Maya maya bumalik na rin si Sky. After namin panoorin nag pasya kami na umalis na para makapag pahinga na si Lolo. Bukas na rin kasi siya aalis dito sa hospital.

Pauwi na kami ngayon ni Sky, dapat hindi na niya ako ihahatid kasi papa sundo na sana ako kay Kuya Stephen kaso pinilit ako ni Sky.

"So... how are you?" Pamabasag sa katahimikan Sky. Eto nasasaktan parin sayo.

"Okay naman" Tipid kong sagot sakanya.

"Kayo na ba?" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Sky.

"Huh? Anong kami na?" Tanong ko sakanya.Mabilis na tumingin siya sakin at bumalik din sa daan ang tingin niya.

"You and Harry" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"What makes you think na kami?" Tanong ko sakanya.

"Hinahatid ka niya palagi, and he kissed you!" Lalo akong natawa sa sinabi niya. Seryoso ba tong si Sky sa pinag sasabi niya?

"So?"

"Anong so? He kissed you for fucking sake! It's a fucking big deal! Hindi kayo tapos he kissed you?!" Sigaw niya. Kung kanina natatawa ako ngayon naiinis nako.

So ang tingin niya sakin malandi?

"It's for the play! And hindi ko rin ginusto yun. Nadala lang ako. Atsaka bakit tayo rin ba nung hinalikan mo ko?" Natigilan siya sa sinabi ko, kahit ako. Nabigla ako.

Bakit totoo naman ah. Parang MU lang kami dati. Walang label. Hindi naman naging officially kami.

"Don't mind that question. Eh kayo ni Anna? Kayo na ba?" Matapang kong tanonh sakanya.

I'm dying to know. Kahit harap harapan na akong sinasampal ng realidad. Gusto ko parin marinig galing sakanya.

"Yes..."

Wala na may panalo na. At ako nanaman ang talo.

If We Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon