Savannah Ysabel's
Andito lang ako sa kwarto ng Lola ko sa hospital, binabantayan siya. Simula nung dumating ako dito hindi nako umalis. Hindi ko kakayanin na pati siya mawala sakin.
Naging stable naman na ang kanyang condition. Kanina gising siya, napagod lang siguro siya agad kaya natulog na lang ulit.
Matagal na pala to nararamdaman ni Lola. Hindi lang nila sakin sinasabi. Kaya pala palagi na lang siya nag papahinga these past few days. Bat hindi ko man lang napansin yun? Masyado na ba ako naging busy kay Sky?
"Ysa, umuwi ka muna. Kami muna mag babantay dito" Kuya Paolo said. Hindi ko man lang napansin na andito siya.
"Ayoko, kuya gusto ko dito lang" Sabi ko sakanya habang nakatingin at hawak ang kamay ni lola.
"Oh penpen andito ka pala" Biglang sabi ni Kuya. Tawag namin kasi kay Kuya Stephen ay penpen. Hindi ko naman siya pinansin o tinignan man lang.
"Sige na maiwan ko na kayo muna ah" Kuya Paolo said then umalis na siya. Mukang alam niya ang nangyari, siguro na kwento ni Kuya. Hindi ko pa kasi nasasabi sakanila ang nangyari kahit yung kay Sky.
"Ysa..." Tawag sakin ni Kuya.
"What are you doing here? Hindi mo naman kami tunay na pamilya ah? Wag ka na magpanggap" Walang emosyon kong sabi sakanya, habang nakatingin parin sa Lola.
"Ysa,it's not what you think" Sabi niya sakin.
"Then Kuya tell me! Ano ba dapat kong sabihin?!" Mahina pero pa sigaw kong sabi sakanya. Natutulog kasi si Lola.
"You don't understand gi-"
"Eh di ipatindi niyo sakin! Gulong gulo nako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nababaliw na ako!" Hindi ko na mapigilan ang umiyak. Lumapit naman sakin si Kuya at niyakap ako. Hinayaan niya ako umiyak. Walang nag sasalita samin, niyakap lang niya ako.
Maya maya bumitaw na siya at pinunasan ang mga luha ko.
"You're my sister Ysabel, ikaw lang" Sabi niya sakin.
"Bastarda mong kapatid" Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi ko.
"Mom and Dad met during college. Despite their differences, they fell in love" Kwento ni Kuya. Hindi ako nag salita. Nakinig lang ako.
"Kahit ang daming against sa relationship nila, pinag laban parin nila ang isat isa. Lalong lalo na si Lolo, ayaw na ayaw niya sa relasyon nila kasi galing lang daw si Mommy sa isang simpleng pamilya. Lolo wants Dad to marry someone else. That's why they decided to elope"
"They had a simple wedding and a life, hanggang sa dumating ako." So he is really my brother.
"But then Lolo found out kung san kami nagtatago. He went there and tinakot sila Mommy. Ipapakulong daw niya si Mommy and ang family nito. They know na kayang kaya ni Lolo i setup si mommy pero kahit ganun pinag laban parin nila. Kung san san kami nag tago. Hanggang sa dumating ka"
"Gulat na gulat sila mommy nun, hindi nila expected. Kasi after mom gave birth to me she wasn't allowed to have another child. It can be the death of her" Nagulat ako sa sinabi ni Kuya. Hindi ko alam na yun ang dahilan kung bat namatay ang nanay ko.
"Hindi nila alam ang gagawin. They don't want to lose you. Wala ka pa sa mundong ibabaw na to, mahal na mahal ka na nila" Hindi ko na ulit napigilan ang umiyak.
"Kaya pinag patuloy parin nila mommy. Hanggang sa hindi na kinaya ni mommy ang stress na binibigay ni Lolo. Muntik ka na samin mawala nun Ysa. Kaya Mom and Dad decided to let go of eachother. Wala na rin trabaho nun si Dad. Wala tayong income nun. Kaya naghiwalay sila para satin. Walang may alam sa tunay na nangyari sakanila. Ayaw na nila madamay sila Lola."
"Lolo didn't know about your existence hanggang sa pinanganak ka kasi nahuli niya si daddy na dinadalaw ka." Pano nagagawa ni Kuya ang i-kwento sakin to? Kung ako sakanya masasaktan ako at hindi ko na pag uusapan to.
"Dad married another woman but it was fake. Lolo didn't know na kinasal sila mommy, akala lang niya nag tanan sila. Pinakilala ako na anak ni Dad pati ng bagong babae niya. Walang alam kung sino talaga ang nanay ko. Until nalaman ng iba namin ka business ang tungkol sayo. Kasi may ginagawang bank account si Dad para sayo. Kaya ang ginawa ni Lolo sinabi niya na anak ka sa labas.Kaya yun ang alam ng daddy ni Sky"
"When mom died, wala akong kaalam alam nun. Akala ko lang natutulog siya. Tumakas lang kami para makita si mom sa huling sandali." Hindi na napigilan ni Kuya ang umiyak sa harapan ko.
"Ku-ya I'm sorry. Sorry" Sabi ko habang umiiyak at niyakap siya.
Bakit ba sinarado ko ang puso ko kay Dad? Sana hinayaan ko siya magpaliwanag sakin. Ginawa niya lang pala ang lahat ng yun para samin ni Kuya.
"Kuya? As-an si Lolo?" Hindi ko napigilan itanong. Napa bitaw naman kami sa yakap.
"He died last year. Nung nangyari yun umalis na rin si Tita Nina sa bahay yung kunwaring asawa ni Dad. He doesn't love Tita Nina, kahit anong mangyari sa mom parin ang laman ng puso niya. Kaya umalis na si Tita Nina at sumama na siya sa totoong mahal niya. Tita Nina became a good mother to me. Naiintindihan niya ang sitwasyon namin." Kuya explained. Napatango na lang ako Atleast meron siyang tinuring na nanay habang lumalaki katulad ko.
"Ang tagal na naming gusto kang puntahan kaso lagi kaming nauunahan ng takot, especially Dad. We are always watching you. Everytime na sinasabihan mo ng Kuya sila, nasasaktan ako sabi ko sana ako rin" Ramdam ko ang sakit sa salitang binitawan ni Kuya.
"I'm sorry Kuya. Mahal na mahal ko kayo ni Dad. Babawi ako" Sabi ko sakanya.
"Shh. It's okay. Naiintindihan namin. Basta ang importante magkakasama tayong tatlo." Kuya said.
May gusto pa akong tanungin kay Kuya pero hindi ko alam kung kaya ko ba ito marinig. Pero hindi ako magkaron ng peace of mind. Gulong gulo parin ako.
"Si Anna and Sky" Nagulat ako ng biglang nag salita si Kuya.
"Kaming tatlo, we were childhood bestfriends. Palagi kami magkasama. I fell in love with Anna hindi naman mahirap yun eh. Pero iba ang mahal niya" Kwento ni Kuya. Nakatingin lang ako sakanya.
"He loves Sky and sakto naman mahal din siya ni Sky" Naramdaman kong nadurog ang puso ko sa sinabi niya.
"But Anna wants to achieve her dreams. She wants to have her freedom. At dahil mahal ko siya i told her to follow her heart and do what makes her happy. Sky got angry at me nung umalis si Anna. He was devastated. Third year high school kami nun. Sinisi niya ako sa lahat, ako daw ang nag paalis kay Anna para magkahiwalay sila. Because he's of aware of my feelings. Kaya naputol ang pagkakaibigan namin." Nagulat naman ako sa kwinento ni Kuya. Close pala talaga sila dati.
Hindi na ako mag tataka kung bakit mas pinipili ni Sky si Anna ngayon.
"Parehas lang kayo ng sitwasyon niyo sila mommy noon. Kaya when I found out that you love eachother hinayaan ko yun kahit alam kong may Anna. Because he changed for the better because of you. Akala ko pag tatanggol ka niya katulad ng ginawa ni Dad kay Mom. But I found out that he was just using you." Bigla nanaman bumalik ang sakit na nararamdaman ko.
Paglalaban mo rin ba ako Sky?
BINABASA MO ANG
If We Fall In Love
RomanceBOOK 1 Savannah Ysabel is a happy go lucky girl, but a hopeless romantic. She always break the rules and loves to explore. And there is Skyler Yohann a cold-hearted guy who is a rule abider. Can two people fall in love despite their differences?
