Chapter 34: Lies

654 21 10
                                    

Savannah Ysabel's

Tumigil ang sasakayan na minamaneho ni Harry sa harap ng mansion ng mga Chua. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bat pa ako pumunta dito pagkatapos ng nangyari kanina.

"Are you sure about this?" Tanong sakin ni Harry habang tinitignan niya ang labas ng bahay nila Sky.

"Oo sure ako. Sige na umalis ka na"Sabi ko sakanya.

"Eto pagkatapos akong iyakan at ihatid dito gaganyanin mo ko" He said. Napairap na lang ako.

Dumating kasi siya ng umalis sila Sky. Sa sobrang panghihina ko hinayaan ko siya na alalayan niya ako. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa kumalma ako.

"Harry naman eh"

"Basta. I won't leave. I'll just wait. Wala naman akong gagawin eh" Mukang wala na akong magagwa kaya bumaba na lang ako.

Huminga muna ako ng malalim bago mag doorbell. After ilang doorbell binuksan na rin ni Mama Martha ang gate.

"Mama Martha si Sky po?" Tanong ko sakanya. Halata sakanya ang pag-aalala sakin habang tinitignan ako.

Sasagutin na sana ako ni Mama ng biglang dumating si Sky.

"Andito na pala si Sky eh. Sige maiwan ko na kayo ha?" Sabi ni Mama at pumasok na siya sa loob ng bahay.

"Sky. Pag-usapan naman natin ito oh. Kahit ano. Iintindihin ko. Promise" Sabi ko sakanya. Andito parin kami sa may labas ng gate.

He's sad. Halata sakanya. Halata sa mga mata niya. Kilalang kilala ko si Sky. Nararamdaman kong may gusto siya sakin sabihin.

"I don't know Savannah... hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo" He said.

I was about to say something ng may biglang dumating at sinuntok si Sky.

"Kuya!" Napasigaw ako dahil sa sobrang gulat ko. Si Kuya Stephen ang sumuntok kay Sky. Galit na galit si Kuya samantalang si Sky ang sama ng tingin sakanya.

"Tang ina mo! Gago ka!" Sigaw sakanya ni Kuya.

"Kuya ano ba! Bat mo sinuntok si Sky?!" Sigaw ko rin sakanya. Dumudugo naman ang labi ni Sky. Hindi ko naman siya malapitan dahil pinipigilan ko si Kuya.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa niyan sayo?!" Sabi sakin ni Kuya. Bigla naman akong kinabahan. Hindi ako makasalita.

"It was just all a damn game! You're just a game to him" He said.

"Kuya alam ko yun. Dun kami nag simula!" Pag reason ko sakanya. Pero dati lang yun diba? Mahal na niya ako ngayon.

"I know. But until now he's still using you. Ginamit ka niya para makaalis sa bahay na to. Because he knows pag nalaman ng daddy niya di ito papayag at ipaglalayo nila kayo. He's still in love with Anna" Nag simulang tumulo ang mga luha ko sa narinig niya.

So may past talaga sila ni Anna.

"Pinag bigyan kita. Sige lang kahit di mo muna sabihin sa kapatid ko. Inintindi kita. Kasi gusto ko ikaw ang unang mag sabi kay Ysa. Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo lang siya. Hinayaan mo saktan kapatid ko. Kung di ko pa nakausap kuya mo di ko pa malalaman ang mga kagaguhan mo"

Napabitaw ako kay Kuya dahil sa mga sinabi niya at unti unti siyang hinarap. Wala na akong pake kung umiiyak ako. Sagot ang kailangan ko ngayon.

"Totoo ba Sky?" Tanong ko sakanya. Hindi siya sakin makatingin. Umiiwas siya.

If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon