Chapter 22: Respect

625 26 7
                                        

Savannah Ysabel's 

Kakatapos lang ng class namin nila Dani kaya nag aayos na kami ng gamit. Friday pala ngayon. Bigla ko naman na realize na ang tagal ko ng hindi nakakapunta ng bar. Ewan ko ba simula nung andiyan si Sky wala na akong time pumunta sa bar nila Aya. 

"Punta kayo sa bar?" Tanong ko kala Aya na gulat na gulat naman. 

"Bar? Seryoso ka? Himala ah" Sabi naman ni Dani. 

"Anong himala dun? Eh pumupunta naman talaga ako dun ah. " Sagot ko sakanila. 

"Oo dati. Pero ngayon hindi na. Atsaka midterm exams na natin next week diba" Aya said. Kahit March na midterms parin namin. August na kasi nag start school year namin. 

"Sige na. Para bago naman tayo ma stress maging masaya tayo" Pag reason ko sakanila. 

"Hindi ba dapat after midterms yon?" 

"Eh di kung ayaw niyo ako na lang" Sabi ko sakanila. Ewan ko ba. Napapainom talaga kasi ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

"Sige na nga samahan na natin ang babaeng gulong gulo ang isip" Natuwa naman ako ng sinabi yun ni Dani.

Tinext ko na si Sky sinabi ko sakanya na mauuna na ako umuwi. Sila Kuya naman sinabihan ko na may gagawin lang kami sa bahay nila Aya na kailangan ipasa agad. 

Umalis agad kami ng school at dumiretso na sa bar nila Aya.

"Ano ba kasi ang problema mo at nag aya ka uminom?" Tanong sakin ni Dani habang umiinom kami. Paubos na namin yung isang bote ng tequila pero strong parin kami. 

"Wala" Tipid kong sagot sakanila.

"Wag mo na kasi itago Ysa. Halata naman eh. Kaya mag kwento ka na please" Pag sabi nun sakin ni Aya di ko na kinaya, tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. 

"A-ng sakit pala noh. Sabihin ka na hi-ndi mo deserve yung isang tao" Sabi ko sakanila habang umiiyak. Nakakaramdaman na ako ng pagkahilo. 

"Bakit? Sino nag sabi sayo niyan ah?! Sapakin ko yun!" Aya said. 

"Kuya ni Sky ano kaya mong sapakin?" Sabi ko sakanya. Nagulat naman sila sa sinabi ko. 

"Lagi na lang ba ganun? Lagi ko na lang ba hindi deserve ang i-sang tao? Ke-lan ba ako magiging enough?" Iyak ko sakanila. Hindi na kasi kaya ng puso ko. 

"Ano ka ba Ysa para samin ng mga kaibigan mo at pamilya mo enough ka" Pag co-comfort sakin ni Aya. Pero hindi parin ako tumitigil sa pag iyak.

"Hulog na hulog na ako sakanya. Hindi ko na alam kung pano ko pa sasagipin ang sarili ko" Ramdam na ramdam ko yung sakit sa puso ko. 

"Hindi ko alam kung sinadya niya ba ako ipakilala sa Kuya niya eh! Para ipamuka sakin na langit at ako lupa. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar hindi ko na alam" 



Skyler Yohann's 

Nag rereview ako ngayon for our midterm exams next week. Wala naman akong ginagawa kaya nag review na lang ako. 

Bigla naman nag ring phone ko, pag tingin ko si Tristan tumatawag. Agad ko naman sinagot. 

"Hello Tristan?" 

[Bro, yung girlfriend mo nasa bar nila Aya. Lasing na lasing] Nagulat naman ako sa sinabi ni Tristan. What the hell?  Akala ko ba nasa bahay na siya?

"Sige sige I'm on my way" I said then ended the call. 

Nag bihis lang ako ng maayos then umalis na agad ako papunta sa bar nila Aya. Fuck lagot ako nito sa mga Kuya niya pati kay Lola. I promised them na ako ang bahala kay Savannah. 

When I got there, I saw her lying on the couch. Tulog na tulog na siya. Akala mo kung sinong Anghel na natutulog. Andun din friends niya and si Tristan. Tinawagan nila si Tristan para magpahatid sa bahay. 

Fuck. Buti na lang talaga bar toh nila Aya kaya safe sila. Ano nanaman ba sumagi sa isip niya na mag pakalasing nanaman? Ang tagal na niyang hindi umiinom ah. 

"Sorry Sky hindi nagpa awat eh." Dani said. 

"Alam ba ng mga Kuya niya na uminom siya ngayon?" Tanong ko sakanila. Si Aya naman nakapikit lang. Mukang lasing na lasing na rin. 

"Nope. Paalam niya eh samin siya matutulog para sa project" Napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko. 

"Okay. Magpahatid na kayo kay Tristan. Ako na bahala sakanya. I'll just take her home para hindi siya pagalitan" I said. 

"Sige salamat Sky" Dani said. I just nodded.  

"Bro ingat kayo" Tristan said then binuhat ko na si Ysa at umalis na kami ng bar. 

When we got home,agad kong tinawag si Mama Martha. Buti na lang gising pa siya. At buti na lang din kami lang nila Ellie ang nasa bahay ngayon. 

"Oh iho anong nangyari diyan kay Ysa?" Tanong sakin ni Mama Martha. 

"Nalasing po. Pwedo po bang pakuha ng mga extra natin na damit diyan. At pakibihisan na lang din po. I'll bring her to my room" Paki usap ko sakanya. 

"O sige sige ako na bahala" She said. Tumaas na ako at inihiga si Ysa sa kama ko. 

While waiting for Mama Martha, I can't help to stare at her angelic face. Who would have thought na ang babae na toh pag gising daig pa ang lalaki kung makipag away. Nagisng naman siya while I'm touching her face. 

"Hmmm. Sky ikaw ba yan" She said. Pinipilit niyang imulat ang mga mata niya pero hindi niya kaya.

"Yes. Its me" Sagot ko. I'm still touching her face. I can't get enough of her face. 

"Ang pogi pogi mo talaga" Natawa naman ako sa sinabi niya. 

"Really? Kaya pala love na love mo na ako" Asar ko sakanya. 

"Ikaw love ko? Ulol. Eh ikaw love mo ba ako?" Sabi niya while her eyes is still closed. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Just sleep okay." I said. 

"Dito lang ikaw sa tabi ko" She said then hinawakan ang braso ko para pigilan sa pag tayo. 

"We can't sleep together, baka hindi ko kayanin, halikan kita diyan" Biro ko sakanya. 

"Eh di i-kiss mo" Sabi niya sabay pout. Baliw talaga toh. Pinapahirapan pa ako lalo eh. 

"Don't tempt me okay. I wont kiss you on the lips  because your drunk. I respect you okay? Good night, baby love. Sleep well." I said then I kissed her forehead. 


If We Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon