Chapter Two: Secret

665 46 22
                                    

Chapter Two
Secret

"Fajardo, Hailey Almira."

Tumayo ako at lumapit kay Miss Alonzo. Inabot niya ang report card ko. I signed a document before going out of the room. Two weeks 'pagkatapos ng graduation ang release ng cards kaya ngayon ko lamang ito nakita. I graduated with flying colors and I saw the proof of my hard work just today. Hindi bale na, I'll make sure I'll keep it up in college. Hopefully.

Chloe invited us over for a movie night in their house. Hindi ako pumayag dahil sa nangyari nitong nakaraan. I can't even face Jayden because of the stupidity I made that night.

Iniwan niya lang ako doon pagkatapos sabihing wala siyang narinig. Tapos ang tanga ko lang para bulgarang sabihin na may gusto nga ako sa best friend ko. Edi ngayon alam niya na.

Sige, paano na lang kung sinabi niya? Paano na?

So, I declined Chloe's invitation. Kaya lang, ipinaalam na ako ni Won sa magulang ko. I have the freedom to choose though, so after the report card giving, I hurried up to sneak my way out of school.

"Hailey!"

Napatigil ako nang may tumawag. Nahagilap ng tingin ko si Al na naglalakad patungo sa kinatatayuan ko. Napahinga ako ng maluwag nang siya lang iyon.

"Akala ko kung sino na."

"Who? Zywon?" she teased, as she fixed her short wavy black hair after wind blew in our way. Hawak niya sa kaniyang isang kamay ang isang Chanel na bag at narolyong report card.

Inirapan ko siya at hindi na nagtanong pa tungkol sa grades niya. Alethia is smarter than me. Kung masaya ako sa grades ko dahil medyo mataas ay paniguradong mas mataas ang nakuha niya.

Inunahan ko siyang maglakad pero sinundan niya ako at sumabay sa'kin nang tumatawa ng mahina.

"Where are you going?"

"Home," I said quickly.

"Uwi agad? Don't you have plans? It's summer break. We still have four months before college."

"Nag-imbita si Chloe na manood ng movie sa kanila. Baka gusto mong sumama."

"Sa bahay nila?" Al asked excitedly. "Sure, para makita ko si Jayden."

I rolled my eyes. Alethia has a huge admiration for Chloe's twin brother, Jayden. Hers is even longer than the span of time I like Won.

Hinila ako ni Al nang hindi ako sumagot. I groaned and pulled myself away. She didn't budge and held me tighter.

"Why are you going home? Let's get some snacks," she encouraged.

"Huwag ako, Al. May violin lessons ka tuwing hapon. Hindi ka rin pwede."

Sa pagkakaalam ko, may mga workshop na in-attend-an itong si Al. Sapat na sigurong rason 'yon para hindi pumunta kina Chloe. Sapat nang rason 'yon para umuwi kami ng maaga pareho.

"No one said I can't ditch it," she said and winked.

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Hindi ako B.I. kaya hindi kita dedemonyohin. Ayokong pumunta, Al. Alam mo ang kalat ko noong nakaraan."

Humalakhak siya. "Oh, stop, Hails!" Na-ikwento ko kay Al ang nangyari noong nakaraang araw at tinawanan ba naman ako. "Jayden won't say anything. He's not that type of guy. I can guarantee you that."

"Kaya mo lang 'yan nasasabi kasi gusto mo siya," sagot ko. "You don't know the guy. You don't know what he's capable of."

Inirapan niya ako. "Sure, but Jayden isn't really the type to spill the tea."

I Brought My Heart To Hong KongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon