Chapter Thirty-Three: Break Up

269 21 3
                                    

Chapter Thirty-Three
Breakup

"Two thousand seven fifty five po, Sir."

Won pulled out his wallet and paid the courier. Sa akin pa inabot ng courier 'yung mga librong in-order niya online kahit naki-usyoso lang naman ako sa kung sinong kumatok. Tinanggap ko na lang din para kay Won.

Nang umalis ang courier at bumalik kami sa loob, narinig ko pa siyang napapasinghal sa mahal ng libro niya.

"I'm getting broke."

Ibinato ko sa kaniya ang parcel niyang tatlong libro ata ang laman.

"Sana kasi hindi mo pinairal 'yang ego mo at pina-bookbind mo na lang 'yung libro ni Jayden," punto ko.

Inirapan niya ako nang mabanggit ko si Jayden. Pabalang akong sumubsob sa sofa ng sala nila at hindi pinansin ang irap niya.

When Won figured out I went to Laguna with Jayden, he upbraided me for that. Aba't hindi nga kinakausap si Jayden hanggang ngayon! Bakit daw hindi namin sila sinama! Pilit ko naman sinabing gusto naming kami lang. Hindi ba siya nagsasawa sa dalawang buwan naming pagsasama sa isang bubong? Halos araw-araw nga rin kaming palaging nagkikita!

Hinihintay namin si Chloe sa bahay nila Won. Plano naming ituloy ang panonood ng movie na naudlot noong nakaraan. It's two weeks before classes resume. Gusto nanaming sulitin at baka hindi na ulit kami magkaroon ng oras para rito. To make Al welcome, I tried to invite her but initially noticed that she didn't have to force herself if she didn't like it.

Si Jayden naman, nasa school pa at pina-finalize ang requirements niya. He recently told me he was offered to apply for a scholarship since his high school records and entrance exam scores were enticing. At least, he didn't have to pay tuition.

Silang tatlo nina Zywon at Alethia, nasa iisang College lang. Jayden even mentioned he saw Al's name on his class's list of students. Magiging magkaklase pala sila. Si Chloe naman, tumuloy na sa SEU na ilang streets lang ang layo sa university namin. Katulad ng nabanggit niya noong tinanong siya ni Lola Hilda, theater arts ang kinuha niya roon.

I hope we can pull it through.

"Hi, how's Zion doing?" bungad ni Chloe at naupo sa tabi ni Zion na abalang-abala sa panonood ng Good Dinosaur. Napansin ko pang namumutla siya at matamlay.

"Okay ka lang?"

She gave me a faint smile before nodding. I made myself easily convinced and just headed back to the kitchen to help Won's mom cook dinner for us.

"Did I hear Chloe in the sala?" tanong niya nang mapansin ako.

"Opo, kadadating lang." Pumwesto ako sa sink para banlawan ang mga platong gagamitin namin.

"Si Jayden?" Naghihiwa si Tita Zara ng sibuyas nang umangat ang tingin sa akin. May bahid pa ng pangngiti sa labi niya. "Narinig ko kay Chloe na boyfriend mo na. Bakit hindi mo sinama rito?'

Namula ang pisngi ko. Even Tita Zara's welcoming Jayden in the house!

"Pauwi pa lang po," banggit ko.

Agad ko ring inalala kung dapat ko bang isama si Jayden dito gayong hindi maganda ang timpla ni Zywon sa kaniya. Pero sabi naman ni Tita bakit daw hindi ko sinama... so ibig sabihin pwede ko siyang imbitahan dito.

Hindi naman si Won ang may-ari ng bahay.

"You can invite him for dinner, Hailey," malugod pang sabi ni Tita Zara. "Zion would love to see him."

Nakangiti akong tumango. Nang matapos maghugas at tumulong sa paghahanda, bumalik ako sa sala habang hinuhugot ang phone. I checked for messages from Jayden which came popping after unlocking my phone.

I Brought My Heart To Hong KongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon