Chapter Twenty-Nine
Macau"You're going to where?"
Nakakunot ang noo ni Zywon nang ipaulit ang narinig niya mula sa'kin. Tumabi rin siya sa'kin sa couch at sumiksik sa'min ni Jayden.
"Sa Macau."
"Kailan?" naguguluhang tanong ni Chloe. "Uuwi na tayo sa Linggo, Hailey."
"That's five days from now. Dalawang araw daw kami doon," banggit ko.
"Anong gagawin mo roon?"
Bakas ang inis at tampo sa boses ni Won. Bilang best friend ko, malamang nag-aalala siya sa akin dahil unang-una sa lahat, magkakasama kami rito sa Hong Kong at responsable kami sa isa't isa. Pero ito ako ngayon, pupunta ng Macau ng hindi sila kasama.
"Lola will meet someone," I chose to say.
Hindi ko alam pero bigla akong na-guilty sa sinabi ko. How should I say I'll pay a visit to Limlengco's Cisco Hotel? Anong iisipin nila?
Gusto kong tanungin si Lola kung bakit kailangan kong puntahan ang isang lugar na hindi ko naman kilalaat hindi kailangan ang presensya ko.
"Kailangan ka ba roon?" Won asked again.
Natahimik ako dahil pati iyon hindi ko alam ang sagot.
"I believe that doesn't include us," Chloe commented. "Wala kang kasama, Hails?"
"Kasama ang Lola."
Won's nostrils flare. He crossed his arms while he looked at me with squinting eyes. Humarap din siya kay Jayden ng may seryosong mukha.
"How are you gonna handle this, Jayden? Your girlfriend is going to another place, hours away, without you."
Hinintay ko ang sagot ni Jayden. I saw how his fingers brushed through his hair before responding.
"Nandoon naman ang Lola niya."
I smiled at him as I drew myself closer to him. Siniksik ko siya sa couch at lumayo kay Zywon na nasa tabi namin. Jayden caught me and encircled his arms around me. Humilig ako sa balikat niya.
"Paano kami nito?" tanong ni Chloe. "Iiwanan mo na naman kami."
"Babalik din naman ako."
"Do your parents know about this?" tanong ni Zywon.
Inalis ko ang pagkakahilig ko sa balikat ni Jayden at nilingon siya sa gilid ko. Pinagsiklop ko ang mga kamay namin. "About that," I started. "Lola asked if we could keep this between us."
Chloe and Won both arched their brows at me while Jayden remained quiet. I know what they're thinking. Alam kong hindi sila pabor sa gustong iyon ni Lola dahil dapat naman talagang malaman nila Dad iyon.
In the first place, kahit sabihin naming malapit lang ang Macau sa Hong Kong, alam kong hindi papayag sina Mom sa gusto ni Lola. That's why Lola asked if I can just not mention it to them. Of course, pumayag ako. I would make a bad impression kung hindi ko susundin ang gusto niya.
Ever since Lola figured out about Jayden and me, her treatment wasn't the same as before. I can feel the intimidation more than ever. Doon pa lang alam kong hindi siya pabor. Hindi siya pabor na nakikipag-date na ako... at baka dahil sa murang edad ko.
"Hindi ba mas magagalit sina Tito kapag nalaman nila ang tungkol diyan?" Napalunok ako sa sinabi ni Chloe. "Paano kung tumawag ang Mom mo bigla? Paano kung nalaman niyang hindi ka namin kasama?"
Nakaramdam na agad ako ng kaba pagkatapos niyang sabihin. Hindi ko gawain ang magsinungaling sa magulang ko. Siguro dahil walang sikreto ang hindi nila nalalaman tungkol sa akin. At kapag nalaman nilang isang beses akong pumunta ng Macau, kokonsensiyahin talaga ako.
BINABASA MO ANG
I Brought My Heart To Hong Kong
General FictionHailey Fajardo only wanted to go to Hong Kong to spare some time for herself while she moves on from her feelings towards her bestfriend, Zywon. The plan just seemed to backfire when she's forced to go with him, together with his girlfriend, Chloe...