Chapter Thirty-Two: Assure

265 19 1
                                    

Chapter Thirty-Two
Assure

It took me weeks to catch Al at their house to talk to her. Kapag pumupunta kasi ako, laging ang yaya niya ang nadadatnan ko at palaging pang sinasabing wala si Al sa bahay nila.

Hindi ako ganoong kalapit sa pamilya ni Al. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa estado ng buhay niya na sobrang layo ng sa akin but I could feel like her parents are difficult when it comes to her friends. Kaya nga si Al ang palaging dumadayo sa mga bahay namin at ni isang beses ay hindi kami nakatapak sa bahay nila.

Naabutan ko siyang palabas ng bahay isang umaga. She was just about to go out when she saw me lurking around their gates. Even with the distance, I saw her mumbling like she regretted going out. Pero kahit na ganoon, mukhang handa na siyang harapin ako ulit kasi nagbukas siya ng gate nila nang hindi inaalis ang tingin sa'kin.

"Ilang araw ka pang tatayo diyan?"

Mas kalmado na siya ngayon, hindi katulad noong nakaraan na galit na galit siya.

"Pwede ba tayong mag-usap? May gagawin ka ba?"

She shrugged and looked back to her house. Bumalik din sa akin ang tingin. "Not here."

We settled on a coffee shop to talk. Al was quiet and it's unusual. Pero kailangan ko ring intindihin 'yon dahil matapos ang pag-aaway namin, hindi ko rin alam kung paano kikilos na parang hindi niya ako nasampal o kaya'y hindi niya naisumbat sa akin lahat ang sakit na naidulot ko sa kaniya..

"I'm sorry for all those things," panimula ko. Hindi siya nagsalita at tinitigan lamang ang kape sa harapan niya. "I know it hurted you-"

"Bakit mo ginawa?" I wasn't even starting but she ended my sentence instantly. "Kung alam mong masasaktan pala ako, bakit ginawa mo pa rin?"

Napatungo ako. I know I have prepared myself for this. I exactly rehearsed what I'm gonna say pero ang huling salita na lang sa dulo ng dila ko na naalala ko ay sorry.

Hindi ako nakatingin ng diresto. Galit pa rin siya.

"Hailey."

Tumaas ang tingin ko sa tawag niya. Seryoso ang mukha niya na para bang gusto niyang makinig ako sasasabihin niya.

"I'm so mad at you," she said and I automatically felt it in her words. "I always knew that the Hong Kong travel thing is not a good sign. It'll make him go for you."

Tinitigan ko siya habang kinakagat ang labi ko. Napahawak ako sa mug ko.

"Palagi kong tinatanong kung anong mayroon ka na wala ako. Jayden was well aware of my feelings. Nandiyan din ako sa tabi niya palagi. But why you? What's with you?"

She smiled faintly.

"Ang simple-simple lang pala ng sagot, Hails. Ikaw ang gusto niya. That's why I can't have a space in his heart. So, what's the sense of asking you to break up with him? Kapag ba nag-break kayo, mamahalin niya ako?"

Automatikong umangat ang tingin ko sa sinabi niya. Nagkibit-balikat siya at umiwas ng tingin dahil sa biglang interes sa mukha ko.

"I'm not saying I don't mean the slap, okay? I mean it. I'm mad at you. If you can't respect me as a friend, sana nirespeto mo na lang ang feelings ko. Kahit 'yun lang sana. Pero nasa konsensya mo na 'yan, kung magu-guilty ka o hindi."

I Brought My Heart To Hong KongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon