Chapter One: Unrequited

1.3K 47 27
                                    

Chapter One
Unrequited

I thought I was free from all the possible things that would stress me out for tonight but my best friend proved me wrong.

Nakahiga na ako sa kama at handa na sanang magpahinga kung hindi lang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. More to my confirmation, it was my dad.

"Hailey, nasa baba si Zywon."

Napaupo ako agad. Saktong pag-ring din ng phone ko sa ilalim ng unan. Agad kong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino, kasabay ng paglapit sa pinto.

Does Won even know the word night?

I bet not.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Can you come down?" he asked, immediately dismissing my question.

Pinutol agad niya ang tawag. Pinagbuksan ko ng pinto ang dad ko na nakatingin sa'kin, parang nagsasabing dapat alam ko na kung sino ang bisita ko ngayong gabi. Dahil siya lang naman ang pwedeng pumunta sa ganitong oras.

"Kanina pa po ba siya?"

"Kadadating lang. Bilisan mo at naghihintay sa'yo."

Tumango ako. Bumaba rin kaagad si Daddy matapos akong katukin. Sinilip ko pa ang itsura ko sa salamin. Nang masiguradong maayos naman, tuluyan akong bumaba sa may sala. Nadatnan ko roon si Won na nakaupo sa sofa habang kinakalikot ang phone niya. Tumayo siya nang maramdaman ang presensya ko sa paligid.

Pagtaas ng kilay ang iginawad ko sa kaniya. Pinagmasdan ko na rin para matantong medyo magulo ang buhok niya at balisa ang itsura. Suot niya ang isang itim na tshirt, faded na pantalon, at puting sapatos.

Even with his simplicity, my breathing hitched at the sight.

"Ano nga ulit ginagawa mo rito?" kaswal kong tanong, pilit pinapakalma ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

I know Zywon, my best friend, used to visit the house every time but tonight hits differently. It's already 10:47 PM in the clock and he still chose to head out. Mabuti at pinapasok pa siya ng tatay ko. Palibhasa wala na siyang curfew.

"Kape tayo sa labas?" aya niya na ikinakunot lalo ng noo ko.

"Gabi na, Zywon," komento ko ngunit hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa akin kaya nagsalita akong muli. "May problema ka ba?"

Knowing him, hindi siya pupunta ng gabi nang walang magandang rason. Para saan pa at best friend ko siya kung hindi ko iyon mahahalata?

Zywon, Won as I call him, has been my best friend since we're kids. Pareho ata kami ng mga school na pinasukan simula kindergarten hanggang maka-graduate ng senior high. Tapos ngayong college, pareho pa kami ng university na in-apply-an.

Madalas din kaming magkasundo dahil pareho ang mga interes namin. Magkaibigan din ang mga pamilya namin kaya kahit anong layo ng village nila sa bahay namin, palagi kaming nagsasama. Siya na yata ang taong pinakamalapit sa'kin na hindi ko kadugo. Wala pati akong kapatid at ang presensya niya ang dahilan kung bakit kahit minsan, hindi ko naramdamang nag-iisa ako.

Nang hindi siya nagsalita ay napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang kailangan nga naming pag-usapan ang problema niya.

"Hintayin mo na lang ako rito," sabi ko.

Hindi ko na siya binigyan ng oras pa para sumagot. Dumiretso ako sa kusina para sana magpaalam sa tatay ko na sasama kay Zywon sa labas.

I'll say my family is strict, to the point of not letting me indulge myself with people I don't know. Pero kung si Won, na buong buhay ko na yatang kasama, hindi naman ako magkakaroon ng problema basta may permiso nila.

I Brought My Heart To Hong KongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon